Nagising si Kent na puro puti ang nakikita niya kung kaya’t iginala niya ang paningin sa kapaligiran. May mga aparatong nakadikit sa kanyang katawan at may neck support pang nakalagay sa kanyang leeg. Maliwanag na sa kanya ang lahat. Nasa ospital siya.
“Kent? Naririnig mo ba ako?”
Isang babae ang nagsalita ngunit hindi niya makilala kung kanino galing ang boses na iyon, unti-unting luminaw ang paningin niya at naaninag niya ang napakagandang mukha ni Jaydah May.
“May, you’re here,” saad niya at napangiti ng dahan-dahan sa dalaga ngunit nagulat siya ng bigla siyang sinampal nito.
“Aray! Kakagising ko lang tapos sinampal mo na ako kaagad?!”
“Sorry! Nakangiti ka kasi sa akin eh, akala ko kung napapano ka na, baka kasi nabaliw ka o naalog ang utak mo, ano? Kumusta na pakiramdam mo? Naaalala mo pa ba ako?”
“May, wala akong amnesia okay?! At malinaw sa akin ang lahat na kaya ako nandito ngayon dahil sayo!”
“Ahh okay, akala ko nagka amnesia ka eh,”
“Bakit pag nagka amnesia ba ako, pipilitin mo ba ako na maalala ka?” tanong ni Kent dahil nakikiramdam siya sa sagot nito.
“Ano ka sinuswerte? Bakit ko naman gagawin iyon? Hahayaan lang kitang walang maalala para hindi mo na ako guluhin noh,” saad ni Jaydah.
“Grabe siya! Akala mo walang pinagsamahan oh!”
“Wala naman talaga, lagi ka namang wala diba?! Tss!”
“Dati iyon, pero ngayon hindi na ako mawawala,” saad ni Kent.
“Wala na akong pakialam, oh siya sige chineck ko lang talaga kung buhay ka pa, ngayong nakasisiguro na ako ay aalis na ako,” saad ni Jaydah sabay sukbit ng shoulder bag niya.
“Wait May! Please, wag mo akong iwan dito, pasuyo naman, baka pwedeng pakiayos ng unan ko masakit sa likod itong higaan ko eh,” saad ni Kent na nagmamakaawa sa kanya.
Bagamat naiinis ay inayos naman ni Jaydah ang unan niya para makahiga siya ng maayos.
“Oh ayan! Inayos ko na! Now if you’ll excuse me, aalis na ako!” singhal ni Jaydah ngunit hinigit siya ni Kent sa braso.
“Let go of me, you lunatic!” singhal ni Jaydah dahil bagamat nakahiga ito ay malakas ang mga kamay nito na nakahawak sa braso niya.
“I believe you owe me a date night,”
“Oh sige, try mo, mag date tayo ngayon, tignan natin kung makalabas ka rito,”
“Oh honey babe, hinahamon mo ba ako?” saad ni Kent na sarkastikong ngumiti at tumayo sa kama niya.
“Hoy! Humiga ka nga! Nababaliw ka na!” singhal ni Jaydah nagulat sila ng bigla silang kinatok ng doktor sa may salamin na bintana at sinesenyasan si Kent na humiga lang.
“Hey! Lay down! On the bed, now!” singhal ng doktor.
“I can't Doctor! I have a date,” sigaw ni Kent upang marinig siya nito.
“What date?! No! Lay down!” saway pa ulit ng doctor.
“Okay fine! Papayag na ako makipag date sayo basta humiga ka na! Bwisit ka!” singhal ni Jaydah kung kaya’t humiga na ulit si Kent.
“Now, were talking, so kailan tayo magda-date?” tanong niya kay Jaydah.
“Ugh! Kainis ka! Edi paglabas mo na lang dito!” singhal ni Jaydah.
“Okay sige,” pagpayag ni Kent habang nakangisi.
“Aalis na ako!” singhal pa ni Jaydah at akmang palabas na ng pinto ngunit tumambad sa kanya ang doktor na may dalang tray ng pagkain.
“Oh, pakainin mo ‘yang boyfriend mo ng mahismasmasan,” saad ng doktor at saka ibinigay sa kanya ang tray ng pagkain at saka sinarang mjuli ang pinto.
“But he’s not my boyfriend! Not my boyfriend!” singhal ni Jaydah ngunit nakaalis na ang doktor.
Naiinis na nilagay ni Jaydah sa kama ni Kent ang tray ng pagkain.
“Oh ayan, kumain ka mag isa mo! Aalis na talaga ako!” naiinis na sambit ni Jaydah.
“Wait! Pa-adjust ng kama please?! Hindi ako makakakain ng nakahiga,” pakiusap sa kanya ni Kent.
“Alam mo, isa kang malaking bwisit sa buhay ko!” naiinis na saad ni Jaydah habang inaadjust ang kama.
“Thank you Honeybabe, I’m planning to keep it that way for the rest of our lives,” saad ni Kent na nakangisi at nang aasar.
“Oh ayan! Can you stop fooling around?! I have work to do!” saad niya at akmang lalabas na talaga ng kwarto.
Hindi na makaisip si Kent ng paraan para mag stay ang dalaga. Sa totoo ay natutuwa siya dahil si Jaydah ang una niyang nakita pag gising niya pero alam niya naman na mukhang ayaw na talaga nito sa kanya.
Habang palabas ay pinagmasdan lang ni Kent si Jaydah ngunit biglang pumasok si Coop, hawak hawak ang isang eroplanong laruan na pinalilipad sa ere habang tumatakbo siya.
“Here comes the airplane!” saad pa ni Coop habang naglalaro.
“Coop Baby, come on now,” saad ni Jaydah ngunit hindi siya pinansin ni Coop, bagkus ay lumapit ito kay Kent.
“Uncle Kent! You’re awake!” masayang saad ng bata na kaagad na sumampa sa gilid ng upuan.
“Yeah, of course I am! Ako pa ba?” mayabang na saad niya sa bata.
“Coop, come on, papasok pa ako sa trabaho,” saad ni Jaydah na pilit hinihila ang anak.
“No Mommy, I want to stay with Uncle Kent, kakagising niya lang oh, aren’t you happy that he’s still alive?” tanong ni Coop sa kanyang ina.
“Of course I’m happy Baby, I’m just a little bit busy right now,” saad ni Jaydah.
“Sige na, iwan mo na dito yung bata, balikan mo na lang mamaya,” saad ni Kent.
“Naku, hindi na, pabalik-balik nakakapagod! Tara na Coop, wag matigas ang ulo ah,” saad ni Jaydah ngunit ayaw sumama sa kanya ni Coop.
“You know, Uncle Kent, Mommy is so worried about you, she was crying so hard,” kwento ni Coop kay Kent na siyang ikinatuwa nito.
“Oh really?” saad ni Kent na ngayon ay ngingisi-ngisi.
“Hey that’s not true, Coop!” sambit ni Jaydah habang naiinis.
“Liars go to hell, Mommy!” singhal ni Coop.
“Ikaw bata ka!” singhal ni Jaydah na akmang papaluin ito ngunit pinigilan siya ni Kent.
“Hey! Don’t hurt him! Hindi kasalanan ng bata na nakita niyang nag aalala ka sa akin,” saad ni Kent na tatatawa-tawa.
“Kwentuhan mo nga si uncle, Coop, ano pang sinabi ng mommy mo,” saad ni Kent kay Coop.
“Ugh! Bwisit kayong dalawa! Aalis na ako, bahala ka dyan Coop! I swear, I will disown you,” singhal ni Jaydah na nagbibiro ngunit hindi natinag ang batang si Coop.
“Ingat ka po Mommy, I love you!” saad ni Coop habang palabas si Jaydah ng kwarto ni Kent.
Pumasok kasi sa isip niya na wala naman sigurong masama kung iwan niya saglit ang anak kay Kent dahil siya naman ang tunay na ama nito.