Chapter 7

1280 Words
Pinipilit pakalmahin ni Jaydah ang sarili habang nakaupo sa labas ng emergency room. It was all her fault why Kent end up here, kung sana ay pumayag na lang siyang mag dinner kasama ito sana ay hindi ito agaw buhay ngayon. Napasilip siya sa pinto at kitang-kita niya kung paano gamutin ng mga doktor si Kent habang mabilis na tumutulo ang mga luha niya. Maya-maya ay biglang nagsidatingan ang mga ka-grupo ni Kent at pati na rin si Don Juancho ay nabahala at pumunta sa ospital nang malaman nitong nasangkot ang pamangking si Jaydah sa nangyari kay Kent. "Boss! Mr. Consigliere!" singhal ni Amir. Naroon din si Eliott. Sila muna ngayon ang inutusan ni Siobeh upang tignan ang kalagayan ni Kent dahil abala ang iba sa mga shipments ng drugs at iba pang illegal operations. "Jaydah, come here, my dear child, tell me what happened," saad ni Don Juancho na pinisil ang palad ni Jaydah. "It was all my fault, Uncle, sana sumama na lang ako sa kanya at nag dinner kami," saad ni Jaydah habang humihikbi. "Bakit? Ano bang nangyari?" "Nag da-date kasi kami ni Alaric, then Kent kissed me on the cheeks and made a deal with Alaric," paliwanag ni Jaydah. "What kind of deal?" tanong ni Don Juancho na napakunot na ang noo. "That jerk sold me to Kent for fifty thousand pesos! Imagine that, Uncle?! I hate him right now!" saad ni Jaydah, habang nagpupunas ng luha. "Why are you crying?" tanong pa ng matanda. "I just– I can't stop blaming myself," saad ni Jaydah habang nakatingin sa emergency room kung saan naroon si Kent. "Do you still love Kent?" tanong ulit ni Don Juancho. "God no! I hate him too pero hindi ko naman hiniling na mangyari sa kanya ito," saad ni Jaydah. "Don't worry, he'll be fine. Wag ka lang aalis sa tabi niya," saad ni Don Juancho. Ginawa ni Jaydah ang sinabi ni Don Juancho at hindi siya umalis sa tabi nito. "Ms. Jaydah, it's alright, pwede mo ng iwan si Boss, kami na lang ang magbabantay sa kanya," saad ni Amir. "No, I'm fine, it's my fault so I have to make sure that he's okay," saad ni Jaydah. "Wag mong sisihin ang sarili mo Ms. Jaydah, at saka… malayo sa bituka yan, si Kent pa, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nalagay sa peligro ang buhay niya, bata pa lang yan sanay na sa sakit ng katawan yan," saad ni Elliott. Maya-maya ay nag ring ang cellphone ni Jaydah kung kaya't sinagot niya ang tawag. Jaydah: Hello? Baby? Coop: Mommy, where are you? I can't sleep. Jaydah: I'm sorry, but Mommy won't be able to go home tonight, Baby. Coop: But I need you here, Mommy please. Jaydah: Okay, alright, just… wait for me, okay? Coop: Okay, come home Mommy, I love you. Jaydah: I love you too Baby, see you. Iyon lang at pinatay na ni Jaydah ang tawag at napatingin siya kay Amir at Elliott. "Mukhang hinahanap ka na sa inyo Miss," saad ni Amir. "Oo nga eh, tumawag na yung anak ko," saad ni Jaydah. "It's alright Miss, you can go home, ihahatid na kita sa mansyon," pagpiprisinta ni Elliott. "Hindi na, magta-taxi na lang ako," saad ni Jaydah na tumayo at kinuha ang bag niya. "Sorry but I can't let you do that, Miss, delikado na, alas tres na ng madaling araw marami ng gago na taxi driver dyan sa labas come on, I'll drive you home," saad ni Elliott. "Oo nga Miss, I'm sure kung gising si Boss, hindi ka rin niya hahayaang mag taxi lang pa-uwi," saad pa ni Amir. Wala siyang nagawa kundi pumayag na lang dahil makulit ang mga iyon, bago siya umalis ay pinagmasdan niya muna ito habang tahimik na natutulog, hinaplos niya ang maaliwalas nitong mukha. "Hang on there, babalik ako," bulong ni Jaydah kay Kent. Nang makauwi ay naabutan ni Jaydah si Coop na nakaupo sa hagdanan at inaantok-antok na. "Baby, come on, let's go to sleep," bulong ni Jaydah sa anak at saka binuhat ito upang makatulog ng maayos sa kwarto nilang mag ina. KINABUKASAN ay maagang gumising si Jaydah at nag ayos ng mga gamit nila ni Coop, balak niyang isama ito sa ospital nang sa gayon ay mabantayan niya ng maayos si Kent. "Mommy, where are we going?" tanong ni Coop. "To Uncle Kent, Baby, he is sick and we need to take good care of him," paliwanag ni Jaydah sa anak habang nagmamaneho. "Why us Mommy? Does he have any family?" tanong ni Coop. "Uhm, because it's mommy's fault why Uncle Kent is sick," saad ni Jaydah. "Why Mommy? Did you two fight?" tanong ni Coop habang nakatingin sa kanya ito na puno ng kuryosidad. "He saved my life, Baby, so we need to take good care of him," saad ni Jaydah na tumingin sa salamin dahil nakaupo sa backseat si Coop. "I still don't understand but I wanna see Uncle Kent," saad ni Coop. Nang makarating sila sa ospital ay malayo pa lang ay rinig na rinig na ni Jaydah ang pagsigaw ng isang babae at nanggagaling iyon sa kwarto ni Kent kung kaya't hindi muna sila pumasok at nakinig muna siya sa labas. "Wake up! Wake up! You f*****g son of a b***h! I told you not to f*****g die! You idiot!" Nakilala niya ang boses at ngayon ay alam niya ng si Siobeh Aldama iyon, ang mafia boss na pinaglilingkuran ni Kent. She doesn't like Siobeh, dahil bukod sa bastos nitong ugali ay hindi niya malaman kung ano ba talaga ang relasyon ni Kent sa babaeng iyon, kung Consigliere nga lang ba sya nito o may iba pang namamagitan sa dalawa. "Boss! Parang awa nyo na ho, baka paalisin tayo dito sa loob, wag ho kayong maingay," saad ni Amir. "Ako pa sasabihan mo na wag maingay?! Kasalanan ito ng damuhong 'yan! Siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi na siya aasang babalikan siya ni Jaydah tapos ngayon malalaman-laman ko na yung babaeng iyon ang dahilan kung bakit naaksidente siya?! Putang'ina!" singhal pa ni Siobeh, galit na ito kung kaya't pumasok na si Jaydah hawak hawak ang batang si Coop. "Eh-ehem!" saad ni Jaydah, napalingon silang lahat sa kanya. Lahat kasi ng mga kasamahan ni Kent ay naroroon, napuno ng kulay itim ang paligid dahil lahat sila ay naka suit habang si Siobeh naman ay naka black fitted dress at naka black stilettos. "I'm sorry, I know you're all blaming me for what happened to Kent," saad ni Jaydah. "I have nothing against you Jaydah, sorry, I'm just frustrated, marami kasi kaming operations tapos ngayon pa siya sumabay," saad ni Siobeh. "I know, I'm really really sorry for what happened at saka nandito ako para bantayan siya kaya wag kayong mag alala, I'm the one whose responsible for this, so yeah," saad ni Jaydah. "Okay, let's go Boys," saad ni Siobeh at saka umalis, sinundan naman siya ng buong grupo. Kaagad na lumapit si Coop kay Kent. "Mommy, Uncle Kent is really sick, he has boo boo all over, look at his shoulders," saad ni Coop habang tinuturo ang mga pasa at sugat na natamo nito. Maya-maya ay pumasok ang Doktor na naka assign kay kent kung kaya't tinanong niya kaagad ito. "Doc, ano 'hong lagay niya?" "Based on the lab results, he's fine, wala namang masyadong napuruhang organs at hindi naman siya comatose kaya hintayin lang nating magising siya," saad ng Doktor habang ginagalaw-galaw ang dextrose na nakalagay kay Kent. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Jaydah sa sinabing iyon ng Doktor. Sa wakas ay ayos lang si Kent ngunit kailangan niya pa ring hintaying magising ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD