Chapter 3

2029 Words
Nagising si Kent sa tunog ng alarm clock niya 2pm na ngunit nakahiga pa rin siya at mukhang walang balak bumangon. "Hoy! Punyeta ka! Kanina pa kita pinapatawag gusto mo talaga bababa pa ako dito sa kwarto mong hayup ka!" singhal ni Siobeh na siyang nagpagising sa natutulog na diwa ni Kent. "Ano ba kasi iyon?! Natutulog ang tao! Istorbo!" singhal ni Kent na nagkamot ng ulo dahil sa inis. Binato naman ni Siobeh ang isang supot na puno ng drugs. "Oh ayan! Magdeliver ka ng package!" singhal ni Siobeh. "Ano?! Ito lang?! Gigisingin mo ako para lang mag deliver ng package?! Ang dami dami mong tao Siobeh! Iaasa mo pa sa akin ito! Ang dami dami kong ginagawa!" singhal ni Kent na parang batang nagdadabog ngunit balewala iyon kay Siobeh, kilala niya si Kent, magrereklamo at magagalit lang iyon saglit ngunit susundin pa rin ang iniuutos niya. "Bilisan mo! Hapon na natutulog ka pa!" singhal ni Siobeh. Kaagad nagbihis si Kent at wala ng ligo ligo at nagbasa lang ng buhok, nagsuot ng slacks at suit at nagsapatos. Paglabas niya ng kwarto niya ay dala-dala niya na ang package sa kamay niya habang si Siobeh ay naglalakad na palayo. Pagpunta niya sa sala ay naroon na ang iba at siya na lang ang hinihintay. "Tignan mo oh! Nakakahiya ka talaga! Naturingan kang consigliere nauuna pa sayo ang mga middleman mo!" reklamo pa ni Siobeh na naiinis habang na aayos ng suitcase. "Anong laman nyan?" tanong ni Kent. "Ano pa? Edi yeyos," saad ni Siobeh. Inayos-ayos niya pa ang laman ng suitcase. "Ang ganda naman ng lagayan nyan, naka suitcase pa, samantalang itong isa sa supot lang, akala mo grocery," saad ni Kent. "Kay Don Angeles ito, 'yang isa ay kay Alejandro lang, utang ko yan sa kanya kaya i-deliver mo muna yan bago ka pumunta kay Don Angeles," saad ni Siobeh. "Ah, yung gagong Clemente na iyon, mainit siya sa mga assassin ngayon eh, hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa niya," saad ni Kent. "Hayaan mo na, basta ang importante hindi tayo ma-involved dyan," saad ni Siobeh habang sinasara ng maayos ang suitcase at pagkatapos ay inabot kay Kent. "Ang daming arte ni Tatang noh, dapat naka suitcase pa 'to ibibigay sa kanya, pwede naman supot lang," saad ni Kent. "Ano ka ba! Saling pusa nga lang tayo sa drug cartel niya eh at pasalamat nga tayo at napasama pa tayo tapos kung maka-reklamo ka ng ganyan! Tss!" singhal ni Siobeh. "Hays, bahala na nga! Oh, sinong sasama sakin?!" mariin niyang tanong sa mga middleman niya. "Ako Mr. Consigliere," saad ni Jumbo. "Ako!" saad naman ni Amir. "I'll go too, may hiningi kasi ako kay Alejandro," saad ni Elliot. "Oy, anong hiningi mo sa gagong iyon?" tanong ni Kent. "Wala ka na doon, tara na!" singhal ni Elliot at saka dumiretso na sa SUV, sinundan naman siya ni Amir at Jumbo. "Hoy! Bumalik kayo rito! Hindi pa tayo tapos mag usap!" singhal ni Kent na naiinis. Tinawanan lang ni Siobeh si Kent. "Ayan, bumabalik na sayo yung mga pinag gagagawa mo sa akin, kinakarma ka na ngayon, binabastos ka na rin ng mga tao mo," saad ni Siobeh na tatawa-tawa. "Tss! Bahala ka na nga dyan! Aalis na ako!" singhal ni Kent kay Siobeh. They hit the road that afternoon. Nauna nilang puntahan si Alejandro Clemente. Isa sa mga kilala ring mafia boss na halos ka-edaran ni Siobeh, kamamatay lang ng ama nito at ito na ang tumayong boss simula non. For Siobeh, Alejandro is a brother she never had dahil matagal ng magkasosyo sa negosyo ang ama nito at ang ama niya at ngayong sila na ang humahawak ng kani-kanilang crime families ay ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang ituloy ang nasimulan ng kanilang mga ama. "Here's your yeyos, Bro," saad ni Kent na inabot kay Alejandro ang package. Kinuha ni Alejandro iyon at inilagay doon ang daliri niya at saka tinikman kung talagang iyon ang hinahanap niya. "Thanks," saad ni Alejandro ng makumpirmang maayos ang package. "Boss, yung hinihingi ko, baka naman," saad ni Elliot. "Ah, Oo nga pala, wait," saad ni Alejandro at saka ibinigay kay Elliot ang isang wristwatch. Natawa si Kent. "Ano yan Boy? Kung anu-ano namang hinihingi mo kay Boss," saad ni Kent. "Gago! Hindi basta basta relo yan! May tracking device yan sa loob," singhal ni Elliot habang sinusuot ang relo. "What for?" tanong ni Kent. "Inutos din ito ni Boss Siobeh sa akin, siya ang magsusuot nito, tine-testing ko lang," paliwanag ni Elliot. "Hay, bahala nga kayo, pagkatapos mo dyan tara na! Kasi si Don Juancho, hinihintay 'tong package niya," saad ni Kent na sumakay na sa SUV. Nang matapos ang transaksyon nila kay Alejandro ay bumyahe na sila ngunit hindi nila inaasahang may susunod sa kanila, iyon ang mga assassin na tumutugis kay Alejandro. Isang babaeng naka-motor ang kasabayan nila sa kalsada. "Boss! Ang baril mo, bilis! May sumusunod sa atin!" singhal ni Jumbo kay Kent. Kaagad namag hinugot ni Kent ang baril niya ngunit naunahan sila ng assassin at saka pinaputukan ang loob ng sasakyan. Nagmadaling magmaneho si Amir ngunit sadyang napakabilis ng babaeng assassin at halos kasabayan na nila. "Damn it!" singhal ni Elliot at saka dumungaw sa bintana at pinaputukan ang babaeng assassin, hindi niya puntirya ang katawan nito, kundi ang motor minamaneho nito upang hindi sila masundan ngunit hindi niya iyon natamaan. "f**k! Gago naman yan! Bakit ngayon pa 'to! Hindi pa tayo tapos sa trabaho!" singhal ni Kent at saka dumungaw sa bintana at siya naman ang nagpaputok ngunit ginantihan din sila nito at natamaan si Jumbo sa tagiliran. "Jumbo! Jumbo! f**k! s**t! s**t! s**t!" inis na saad ni Kent. "Ayos lang ako Boss, malayo sa bituka, daplis lang," saad ni Jumbo na nanghihina. "Daplis mo mukha mo! Humanda sa akin 'yang assassin na yan!" singhal ni Kent habang pinapatamaan ulit ang babaeng assassin ng baril na hawak niya. Natamaan niya sa wakas ang gulong ng motor nito at saka iyon tumilapon sa bangin pababa sa dagat. "Sapul! Ayos!" singhal ni Amir habang nagmamaneho. "Kayong tatlo mauna na kayo bumalik sa headquarters, ako na lang ang magde deliver nito kay Don Juancho, at saka yang tama ni Jumbo gamutin kaagad," saad ni Kent sa mga kasama. "Yes Boss," saad ni Elliot habang naglalagay ng pressure sa tagiliran ni Jumbo. Nang makarating sila sa mansyon ng mga Angeles ay ibinaba lang nila si Kent sa gate at saka umalis. Pagpasok ni Kent ay nabigla siya dahil maraming tao ang nandoon, mukhang may party sa loob ng mansyon ngunit hindi iyon ang pakay niya kundi si Don Juancho kung kaya't tahimik siyang dumaan sa mga bisita. Pawis na pawis pa siya at halatang galing sa engkwentro, nakasalubong niya ang ampon ni Don Juancho na si Kevin. "Vin, si Tatang?" tanong ni Kent. "Nasa office niya," saad ni Kevin. "Sige, salamat," saad ni Kent ngunit na-curious siya sa kung ano ang nagaganap na party sa mansyon. "Wait. Anong meron?" tanong ni Kent kay Kevin. "It's Jaydah's product launching," saad ni Kevin. Nang marinig niya ang pangalan ay napatango na lang siya kay Kevin at saka pumasok na sa loob. Kilala niya ang dating kasintahan, gusto nito ay simpleng buhay lang, malayo sa kinagisnan niyang magulong mundo. Kaya rin siguro nakipaghiwalay ito sa kanya ay dahil doon. Nang makapasok si Kent sa loob ng opisina ni Don Juancho ay napasin nito ang hapong hapong anyo nito. "What happened, son?" tanong nito kay Ket. "Eh.. ano kasi Tatang eh, may nakasalubong kaming assassin, ayon, nagkaroon ng engkwentro," paliwanag ni Kent at saka hinalikan ang kamay ng ginoo, tanda ng paggalang. "Hm, mainit kayo sa mata nila?" tanong ni Don Juancho. "Hindi kami Tatang, si Alejandro," saad ni Kent. "Tsk, tsk, binalaan ko na siya tungkol dyan eh, ang batang iyon, lapitin ng disgrasya," saad ni Don Juancho na binuksan na kaagad ang dala-dalang suitcase ni Kent. Kagaya ng ginawa ni Aejandro ay tinikman din iyon ng matanda. "Hm, this is good, papasa na ito sa merkado," saad ni Don Juancho. "Thank you Boss, I'll be off now," saad ni Kent na at akmag aalis na ngunit pinigilan siya ng matanda. "Wait, why don't you enjoy the rest of the night and join us for dinner, I'm sure Jaydah would love that," saad ni Don Juancho. Nangiti naman si Kent sa tinuran ng matanda. "Tatang, past is past, baka mainis lang si May sa akin pag nakita niyang nandito ako, narinig ko event niya raw ito eh," saad ni Kent. "Don't worry about her, you are my visitor kaya wala silang magagawa, now, make yourself presentable and wear this," saad ni Don Juancho at saka inabot kay Kent ang isang pares ng suit. "Salamat po Tatang," saad ni Kent. "Just go to one of the guest rooms there, relax, take a shower, groom yourself and have a glass of champagne," saad pa ni Don Juancho. "Yes, I will do that," saad ni Kent at saka na dumiretso sa mga guest rooms. Nakita niya ang isang bakanteng kwarto doon kung kaya't pumasok na siya doon at sinimulang hubarin ang mga damit niya upang maligo. Kaagad siyang pumasok sa shower at saka inenjoy ang maligamgam na tubig na ngayon ay dumadampi na sa kanyang katawan. Habang naliligo siya ay nakita niya ang batang si Coop sa loob ng bathroom, pumasok ito at hinubad ang pantalon at umihi sa toilet bowl ngunit bigla itong sumigaw at nagtatatakbo palabas nang makita siya. "Ahhh! Mommy! Mommy!" sigaw ng batang si Coop. "Hoy! Bata! Bumalik ka rito!" singhal ni Kent at saka kumuha ng tapis upang itakip sa kanyang katawan at sinundan si Coop. "What is it, Baby huh? Akala ko mag c cr ka lang?" narinig niyang tanong ni Jaydah sa bata. Nagkatinginan sila ni Jaydah paglabas ni Kent sa bathroom. Kaagad na bumaba ang tingin ng dalaga sa ma-abs at mala adonis nitong katawan habang si Kent naman ay hindi mapigilan ang paghanga sa angking ganda ng dalaga, naka orange silk dress kasi ito at bagay na bagay ang suot na damit sa itim na stilettos nito ngunit kaagad niyang binulyawan ang mag-ina. "That kid again! Naliligo ako! Bigla ba naman pumasok sa bathroom!" singhal ni Kent. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" tanong ni Jaydah sa kanya. "Ininvite ako ni Tatang, ayaw ako pauwiin anong gagawin ko?!" singhal din ni Kent. "Tss, fine! just don't ruin the night. This event is important to me," paliwanag sa kanya ni Jaydah. "Mommy! I saw uncle Kent's birdie," saad ni Coop. Napakunit naman ang noo ni Jaydah sa sinabi ng anak. "What?" tanong ni Jaydah sa anak. "I saw his birdie and it's not just an ordinary birdie it's so huge, it's a coc–" pinutol na ni Jaydah ang mga sasabihin pa ng anak sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito. Nagulat kasi siya sa mga pinagsasasabi ng bata. "Don't say that Baby! That's bad!" saway ni Jaydah. "The kid is not lying, you know that," saad ni Kent na tatawa-tawa habang nagpupunas na ng katawan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jaydah. "I'm sorry, Uncle Kent, will you forgive me?" saad ni Coop, sincere ito sa paghingi ng sorry. "Fine," saad niya sa bata habang nagbibihis, ginulo niya pa ang buhok nito. "Friends?" tanong ni Coop at saka nilahad ang kamay kay Kent. Hindi alam ni Kent kung ano ang mararamdaman niya ngunit masaya siyang nakipag kamay rito. "Friends," saad ni Kent at saka nakipag kamay sa bata at napatingin naman siya kay Jaydah na ngayon ay masama na ang timpla na nakatingin sa kanya. "Okay, that's enough, Baby, come on, the launching will start soon," saad ni Jaydah at saka inakay ang anak. Ngunit bumalik ito sa kwarto dahil nakalimutan nito ang dala-dalang purse na nakalagay sa kama. Hindi niya na sana papansinin pa si Kent ngunit nakatingin ito sa kanya kung kaya't lumapit siya rito. "Look, Kent, I need this night to be perfect. I don't even know why you're here but please, just please, don't ruin it," pakiusap sa kanya ni Jaydah. "I won't," saad ni Kent at saka nag drawing ng halo sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD