Chapter 2

2498 Words
Bumalik si Kent sa Aldama Mansion na masama ang loob dahil sa nangyaring sagutan nila ni Jaydah. Nahihiya siya sa sarili dahil ang buong akala niya ay anak nila ni Jaydah ang bata. Bagsak ang mga balikat niyang pumasok sa mansyon kung saan naroroon sa sala si Siobeh at nag aayos ng baril. Naupo siya sa katapat na sofa nito. "Oh, bakit nakabusangot ka? Wag mong sabihing hindi natuloy ang deal natin kay Don Juancho," saad ni Siobeh habang sinusubukan pang ikasa-kasa ang baril. Napabuntong hininga si Kent at nagsalita, "We closed the deal, Boss, the thing is Jaydah's back with a son," Nagulat si Siobeh sa narinig, "Oh? Tapos? Anong nangyari?" "I confronted her and she denied that the child is not mine and she says that he's an orphan," saad ni Kent. Napailing si Siobeh, " And you believe her?" "That's what she said," saad ni Kent at nasapo ang noo. "Oh boy, oh boy," saad ni Siobeh habang umiiling at naglalagay ng mga bala sa baril. "What?" tanong ni Kent. "Nothing. Just nothing," sarkastikong saad ni Siobeh. Siobeh Aldama was Kent's childhood best friend. Simula kasi ng bugbugin at itakwil siya ng ama niyang sugarol, adik at patapon ang buhay ay ang ama nitong si Don Ramon Aldama na ang kumupkop sa kanya. Pinakain, binihisan, pinag aral at binigyan siya nito ng trabaho sa loob ng crime family kung kaya't malaki ang utang na loob niya sa pamilya Aldama, at dahil sa utang na loob na iyon kahit yumao na ang ginoo ay inaalagaan at pinoprotektahan niya pa rin si Siobeh. Sa murang edad ay natuto siya ng kalakaran lalo na at droga ang pangunahing ikinabubuhay nito at pangalawa na lamang ang mga negosyo nitong hotels at restaurants. Binatilyo pa lamang ay natuto na siyang maging drug pusher. Delivery dito, delivery doon at makisama sa mga tao ni Don Ramon. They were like brothers at hanggang ngayon ay nananatili ang magandang samahan nila. For the first time, Kent had a family, he is happy and contented ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakababatang kapatid na babae. He was searching for his sister his whole life. Alam niyang dinala ito ng kanyang ama sa bahay ampunan ngunit hindi nito tinukoy kung saan ang eksaktong lugar kung kaya't nahirapan siyang hanapin ito. "Buti pa tulungan mo sila Eliott at Raven doon sa likod, magdeliver kayo ng package sa mga Clemente," saad ni Siobeh. "Teka lang, maniningil muna ako ng utang, isasama ko si Jumbo," saad ni Kent at saka tumayo at umalis. "Sige, bahala ka, gawin mo kung anong gusto mo, tutal hindi ka naman nakikinig sa akin, tsk tsk!" saad ni Siobeh at umiling-iling. Pinuntahan ni Kent si Jumbo na naninigarilyo sa gilid. "Boy! Tara! Sama mo si Don saka si Amir," saad ni Kent dito. "Ano iyon?" tanong ni Jumbo. "Maningil tayo ng utang," saad ni Kent. "Sige," saad ni Jumbo at saka kumuha ng baril at inipit iyon sa kanyang slacks. He likes Jumbo, dahil kahit na mataba at malaking tao ito ay madali itong kausap at kahit kailan ay hindi nagreklamo sa kanya. "Mr. Consigliere, saan tayo?" tanong ni Don na kaagad na sumakay sa driver's seat at hawak na ang manibela. "Sa Gorgeous Men Bar," saad ni Kent. "Sakto, nandoon ang iba ngayon dahil may meeting ata sila, makakasingil tayo ng utang, tang ina ng mga iyon! Akala nila naka jackpot sila kay Boss Siobeh, porket madaling kausap si Boss, todas 'yang mga gang na yan lalo na 'yang Tre Killaz gang," saad ni Amir. Ang Tre Killaz Gang ay isa ring organisasyon at mahigpit na competitor ng Aldama crime family, ito rin ang dahilan kung kaya't nag invest at nakipag partnership sila sa Angeles Crime Family. Nang makarating sila sa bar na pupuntahan ay saktong naroroon ang lahat. Parang tumigil ang mundo ng mga tao sa Bar ng pumasok sila na para bang maghahamon ng away. Kaagad silang lumapit sa grupo ng gang na naroroon, ang Los Solidos Gang. "Hello, Boys, good to see you everyone," bati ni Kent sa grupo ng mga kalalakihan na ngayon ay nakaupo sa VIP Lounge habang may mga ka-table na mga babae, sa lamesa nila ay may mga baril, drugs, mga prutas at alak. Tinignan siya ng mga ito mula sa kanyang scorpion na tattoo sa kanyang kamay paangat sa kanyang gwapo ngunit tusong pagmumukha. "M-Mr. Consigliere," saad ng isa. Mababakas rito ang malamig na pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Napatingin ito sa nagsalita, it was Mike, na kanang kamay ng gang. Napansin niya ang pakete ng sigarilyo sa bulsa ng coat nito kung kaya't kinuha niya iyon ngunit pagtingin niya ay isa na lang ang laman kung kaya't kinuha niya na iyon at kaagad na nagsindi gamit ang nakita niyang lighter sa lamesa. "Come on, we both know why I'm here," saad pa ni Kent habang humihithit. "Uhm Mr. Consigliere baka pwedeng next week? Wala pa kasi si Boss eh, umalis, nasa Europe," palusot ni Mike. "Tawagan mo, hindi pwedeng hindi mabayaran ngayon, mahaba na ang palugit na ibinigay sa inyo ng Boss ko," utos ni Kent sa kanila. Sinubukang tawagan ni Mike ang Boss niya ngunit hindi iyon sumasagot at cannot be reached ang phone. "Pasensya na ho kayo Mr. Consigliere, wala ho talaga eh, ayaw sumagot," saad ni Mike. "Putang 'ina!" singhal ni Kent at saka hinulog ang sigarilyo at inapakan iyon. "Sige na Boss, next week na lang, alam mo naman tayo eh," saad ni Mike na hinawakan pa ang balikat ni Kent. "Sige, next week na lang, una na kami," saad ni Kent na akmang lalakad na paalis, nagulat na lang ang lahat ng biglang hinugot ni Kent ang baril niyang naka sukbit sa kanyang tagiliran at saka humarap at binaril si Mike. Nanganginig sa takot ang ilang mga kasama ni Mike dahil binaril niya ito sa ulo. "Tell your Boss to pay us within this week, kundi uubusin ko kayong lahat!" singhal ni Kent sa mga kasama ni Mike. Nagsisang ayon ang mga iyon, ang iba ay nagmakaawa sa kanilang buhay. Nagkagulo na sa buong bar dahil sa narinig na putok ng baril ngunit ang Tre Killaz gang ay walang pakialam at umiinom pa rin habang nagkukwentuhan. Wala silang sinsanto kahit na si Siobeh na nag iisang tagapagmana ng Aldama Crime Family. Nilapitan ni Kent si James na leader ng gang at saka yumuko upang ilapit ang kanyang mukha. "James, may I have our money please," mahinahong saad ni Kent. "What money?! f**k you!" singhal ni James at saka tumawa ng malakas nagsitawanan din ang mga kasama nito. "The three hundred thousand dollar contract," saad ni Kent na pinaalala rito kung bakit sila may utang. "Damn it, this boy is trying to humiliate me! Do you know who I am, huh, Kiddo?! Do you f*****g know?!" saad ni James at saka kinuwelyuhan si kent ngunit poker face lang ang mukha ni Kent at tila hindi nasisindak o natatakot sa ginagawa nito. "You owe the Aldama Crime family money so keep your godamn word," saad ni Kent. I. "Mr. Consigliere, please! Dodoblehin po namin ang bayad next week, basta bigyan nyo pa po kami ng palugit," saad ni Mike na nanginginig na. "Boss, dodoblehin naman pala eh," saad ni Jumbo habang humihithit ng sigarilyo. "Fine, next week," saad ni Kent. "Yes! Whoohoo! Thank you Mr. Consigliere!" saad ni Mike na tuwang-tuwa na. Tinapik naman ni Amir si Kent sa dibdib dahil kilala niya si Kent, at hindi ito pumapayag basta basta. Tumalikod na silang apat at akmang aalis na ngunit mabilis na hinugot ni Kent ang baril niya at saka kinalabit ng gatilyo non at tinamaan sa ulo si Mike, bumagsak ang walang buhay niyang katawan sa sofa. Nanganginig sa takot ang mga kasamahan ni Mike. "I need my f*****g money this week or I'll blow everyone's head off! maliwanag ba?! Huh?! Naiintindihan ninyo?!" nanggigil na saad ni Kent. "Opo Boss, Mr. Consigliere!" saad ng mga grupo ng kalalakihan, ang iba ay nagmamakaawa pa para sa kanilang buhay. "Tara na!" singhal ni Kent sa mga kasama. That's their job, ang maningil ng utang, mag proseso ng droga, maghatid ng package at kung anu-ano pang organized crimes sa ilalim ng pamamahala ni Siobeh Aldama. Nang makabalik sila sa mansyon ng mga Aldama ay binilang na nila Kent ang mga perang nasingil nila. Naroon si Siobeh at ang buong grupo. "Two hundred ninety nine, three hundred, yes, three hundred thousand," saad ni Kent na natapos ng magbilang. "Okay, hati-hati," saad ni Siobeh at ibinigay ang parte ng bawat isa. Walang malaki at walang maliit na halaga. Lahat sila ay pantay pantay upang walang maganap na sigalot sa pagitan ng mga kasapi. Maya-maya ay nakatanggap si Siobeh ng tawag mula kay Don Juancho Angeles kung kaya't kaagad niyang pinapunta roon si Kent. Ala's siyete ng umaga na iyon at wala pang tulog si Kent kung kaya't nakasandal siya sa sofa na naroroon habang hinihintay si Don Juancho, hindi niya mapigilang wag mapapikit dahil sa sobrang antok. Maya maya ay may toy car na bumunggo sa paa niya kung kaya't nagising siya ng bahagya at nakita niya ang batang kasama ni Jaydah noong isang araw na ipinakilala nitong ampon niya raw. "Hoy, bata! Halika, sabihin mo sa katulong niyo pahingi ng kape, black coffee ah," singhal niya rito. Lumapit naman sa kanya ang bata. "Pardon? What did you say?" tanong ng bata sa kanya. Napatalikod naman bigla si Kent at bumulong sa sarili. "Putang'ina! english speaking," "I can't understand you, Mister," singhal ng bata sa kanya. "You go there and tell the maids to make me some coffee. I want it black, okay? Black coffee," utos ni Kent sa bata. "Okay," saad ng bata sabay tango at tumakbo papunta sa kusina. Ilang sandali pa ay bumalik ng bata na may hawak na tas ng kape. "Good job, Kiddo!" saad niya sa bata at akmang kukunin na ang tasa ng kape ngunit bigla itong nilayo ng bata sa kanya. "The maids are not around so I'm the one who made this. If you want a cup of coffee then pay me a hundred bucks," saad ng bata. "Ano?! Ayos ka rin huh! Ang bata bata mo pa manggagantso ka na! Wala akong hundred bucks dito, pesos lang," saad ni Kent sabay hugot sa bulsa niya ng isang daang perang papel. Pasalamat ang bata at kailangang kailangan niya ang kapeng iyon ngayon dahil kung hindi ay hindi siya maglalabas ng pera makahigop lang non upang maibsan at mawala ang kanyang pagka antok. "Oh ayan, tang'inang kape 'to, isang daan sana nag Starbucks na lang ako!" singhal ni Kent at nagpalitan sila, binigay ng bata sa kanya ang tasa ng kape at binigay niya rito ang pera. "What's your name, Kiddo?" tanong ni Kent. "My name is Coop Ashton Angeles and you are?" tanong din ng bata na talagang curious sa kanyang pangalan. "Kent Saavedra," simpleng pakilala ni Kent sa kanyang sarili at nakipag shake hands sa batang si Coop. Nakatingin lang ang bata sa kanya ng simulan niyang higupin ang kapeng tinimpla nito ngunit nang mainom niya iyon ay nagulat siya at nabitawan ang tasa ng kape. Naitapon niya pa ang kalahati sa sahig at konti na lang ang natira sa baso. "f**k! Are you trying to kill me huh?! You f*****g bastard?!" singhal ni Kent na nanggigigil sa inis. "What?! You said coffee so I made you a cup of coffee!" singhal din ni Coop sa kanya. "Well this is not a coffee for f***s sake!" singhal ni Kent na napatayo na sa kinauupuan niya at nakikipag away sa bata. "I hate you! You're such an ill mannered person!" singhal ni Coop sabay takbo. "Hey! Where do you think you're going?! You won't get away with this! Come here you punk!" singhal ni Kent at saka kinuha ang tasa at saka sinundan ang bata. Tumakbo ito papunta sa swimming pool at bumungad sa kanya ang kagandahan ni Jaydah. Naka-upo ito sa beach chair at naka two piece swimsuit ito na kulay pula at kurbang kurba ang mala-hourglass nitong katawan, abala ito sa pagpahid ng sunscreen sa kanyang binti ng tumakbo ang batang si Coop papalapit sa kanya. Saglit siyang napatulala ngunit biglang naalala na hindi si Jaydah ang pinunta niya doon. "Mommy! Mommy! The bad guy is following me!" saad ng batang si Coop na nagtatago sa kanyang ina. "What's happening,Baby?" tanong ni Jaydah sa bata ngunit hindi ito sumasagot. "Yang anak mo papatayin ata ako!" singhal ni Kent na galit na galit. "Bakit ba?! Ano bang nangyayari?!" singhal ni Jaydah sa kanya na tumayo at naaalarmang hinarap siya. "Nagpatimpla ako ng black coffee ang binigay sa akin toyo! Putang'ina!" singhal ni Kent na inis na inis. Nasapo ni Jaydah ang ulo at tumalikod kay Kent habang nagpipigil ng tawa, ngunit napansin pa rin iyon ni Kent. "Oh, you think this is funny?! Wala pa akong tulog, tang'ina! Ayan oh! Inumin mo ng maniwala ka!" singhal pa ulit ni Kent at saka binigay kay Jaydah ang tasa. Inamoy niya iyon at napag alaman niyang toyo nga ang laman ng tasa. "Oh, edi good for you, ano?! Nagising ka sa toyo?" saad ni Jaydah na tatawa-tawa. "Alam mo bang siningil pa ako ng isang daan niyan para lang sa kapeng tinimpla niya?! Ang bata bata pa manggagantso na! Disiplinahin mo 'yang anak mo! Lalaking gago yan!" singhal ni Kent. Lumapit naman si Jaydah kay Coop. "Baby, is it true? Uncle Kent here is complaining about the coffee you make because it turns out that it's not a coffee but a soy sauce," paliwanag ni Jaydah sa anak. "I don't know Mommy, the maids are not around and there's no label and he said he wants a black coffee so I assume that it's a coffee already mixed up so I just reheated it," paliwanag ni Coop. "Oh, eh hindi naman pala alam nung bata, ano bang malay niya sa mga gamit doon sa kusina?" saad ni Jaydah kay Kent. Wala na lang nasabi si Kent at nakapamewang na lang at inis na inis pa rin. "Baby, say sorry to Uncle Kent," saad ni Jaydah sa anak. "No! I don't want to! He's a bad guy! Bad guys can go to hell!" singhal ni Kent. "Aba, walang hiya kang bata ka!" saad ni Kent na akmang tatanggalin ang sapatos niya. "Kent! Stop it! Wala namang kasalanan yung bata!" pag aawat ni Jaydah. "Kent!" sigae ng boses ng isang lalaki at pag lingon niya ay si Jumbo iyon at sinesenyasan siya na naroon na si Don Juancho. "Pasalamat ka at nandito na ang pakay ko kundi malilintikan ka sa aking bata ka!" singhal ni Kent at saka dali-daling bumalik sa living room upang kitain si Don Juancho. Hindi naman mapigilan ni Jaydah na matawa ulit sa nangyari. "Mommy, why are you laughing at Uncle Kent?" tanong ni Coop. "Nothing Baby, nothing," saad ni Jaydah at umiling-iling na lang habang hinahaplos ang ulo ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD