"Thank you all for coming tonight as I launched my new cosmetics line the Secret Seduction by Jaydah," saad ni Jaydah na nasa stage, habang nagsasalita ay napatingin siya kay Kent na matamang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit gusto niya ang mga tingin na iyon ng binata ngunit hindi siya nagpadala doon at itinuloy ang mga sasabihin pa niya.
"Uhmm, sana po ay suportahan ninyo ang produktong ito, you know, bago ako nag come up sa ideas na ito, I worked with so many successful people in the US when it comes to skincare and cosmetics kaya makasisiguro po kayo sa quality ng products and sa mga shades which is very in na in ngayon for the strong independent ladies out there, available na po siya sa mga Malls and may branch din tayo na malapit dito so, sana po mag enjoy kayo, iyon lang, thank you thank you so much!" kaagad na bumaba ng stage si Jaydah nang matapos niya ang speech niya na sinundan naman ng masigabong palakpakan ng mga bisita.
Kumuha naman kaagad ng champagne si Jaydah at ininom iyon. Nagfa-flashback sa isipan niya kung paano siya tignan ni Kent at hindi siya mapakali, nagulat nalang siya nang may biglang bumanggang baso sa wine glass niya.
"Cheers," napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang lalaking kanina pa ay laman ng kanyang isip.
"Cheers," iyon na lang ang nasabi ni Jaydah at yumuko.
"I didn't ruin the night," saad ni Kent.
"Yeah, I know," saad ni Jaydah at saka ininom pa ang natitirang champagne sa wine glass at akmang aalis na ngunit marahan siyang hinigit ni Kent sa braso.
"Don't leave, please," mahinahong saad ni Kent.
"Why Kent?!" saad ni Jaydah na parang nakukunsumi, she hated Kent. She hated those dashing eyes, she hates everything about him ngunit hindi niya maintindihan at ayaw makisama ng kanyang nararamdaman.
"Five f*****g years Jaydah! You owe me an explanation!" singhal ni Kent na hindi na napigilan ang sama ng loob.
"Matagal ng tapos ang lahat sa atin Kent! Tinapos ko na ang lahat ng gabing iyon kaya pwede ba?! Pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko?!" saad ni Jaydah, ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya gustong sabihin iyon sa binata.
Napabuntong hininga si Kent.
"Fine! Tutal pinagmukha mo akong tanga kakahintay at kakahanap sayo ng limang taon kaya mas mabuti pang mawala na lang ako!" singhal ni Kent at saka binato ang wine glass sa sahig na gumawa ng napakalakas na ingay ng tunog ng mabasag na salamin.
"And it's my fault?! Sinabi ko bang hanapin at hintayin mo ako?!" singhal ni Jaydah, hindi niya na mapigilan pa ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata ngunit umalis na si Kent.
Pinagmasdan niya lang ang binata habang bumababa ng hagdan. Kung alam lang sana nito ang sinapit niya sa States noong nalaman niyang buntis siya at si Kent ang ama ng bata, siguro ay hindi gayon ang reaksyon nito ngunit mas pinili niyang manahimik at isikreto ang lahat.
Natapos ang pagdiriwang at ngayon ay magkasama si Jaydah at Coop sa kwarto at naghahanda na para matulog.
"Mommy, why do we have to pretend that I'm not your legitimate child?" tanong ni Coop sa ina.
"Because there are some bad guys here Baby, and I'm just protecting you. Pag nalaman kasi nila na tunay kitang anak ay malalagay sa peligro ang buhay nating dalawa. Do you understand?" tanong ni Jaydah sa anak.
"Yes, Mommy, those bad guys, are they like Uncle Kent?" tanong ni Coop.
"Uhm, yes, kaya wag kang lalapit sa kanya," saad ni Jaydah.
"But Uncle Kent is nice, Mommy, I like him," saad ni Coop.
Nahaplos naman ni Jaydah ang puso niya sa sinabi ng anak.
"Yes he's nice but still, he is one of those bad guys Baby, so you must stay away from him," mahigpit na utos ni Jaydah sa anak.
Kung alam lang nito kung gaano madurog ang puso niya ng mga oras na iyon sa sinasabi ni Coop. Hindi niya gustong itago kay kent ang lahat ngunit iyon lang ang nakikita niyang paraan upang malayo ang buhay nila sa peligro.
"Come on Baby, it's time to go to bed," saad ni Jaydah sa anak, sinunod naman siya ni Coop at humiga.
Hinaplos haplos ni Jaydah ang ulo nito hanggang sa makatulog ito at nang makatulog ito ay bumaba siya sa kusina at kumuha ng champagne sa wine rack at ng glass wine, binuksan niya iyon at saka uminom.
Inakyat niya iyon sa itaas at maingat na pumasok ulit sa kwarto nila ni Coop. Umupo siya sa sahig at sumandal sa kama habang umiinom.
"f**k this family, f**k this life," saad niya sa sarili habang umiinom.
Pagod siya dahil sa launching ng bago niyang cosmetics line ngunit ayaw siyang patulugin ng konsensya. She had to lay down and cry all night just to get some sleep.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Coop. Natanaw niya ang bote ng champagne at ang basag na wine glass, habang ang inang si Jaydah ay mahimbing na natutulog, maingat siyang bumaba ng kama at niligpit iyon, pinulot niya isa-isa ang mga malalaking bubog at winalis naman ang maliliit at saka tinapon sa trash can, sanay na siyang magising ng ganon dahil lumaki siyang nasasaksihan na ganon ang nanay niya, umiinom tuwing gabi habang umiiyak. Hindi maintindihan ni Coop kung bakit ginagawa iyon ng ina ngunit isa lang ang alam niya, iyon ay malungkot ito.
Nagpalit siya ng damit pagkatapos maglinis dahil nakapantulog pa siya, kinuha niya ang laruan niyang eroplano at ang remote control nito at saka lumabas.
Habang pababa ng hagdan ay napansin niya ang isa sa mga kasambahay nilang si Desiree.
"Good morning Ate Desi," bati niya sa kasambahay.
"Good morning, Coop, gutom ka na ba?" tanong sa kanya ng kasambahay.
"Uhm, no not yet but.. can you prepare some hangover pills for Mommy when she wakes up?" tanong ni Coop sa kasambahay.
"Bakit Coop? Nag inom ba kagabi ang Mommy mo?" tanong ng kasambahay.
"Yes," simpleng saad ng bata.
"Okay, I will prepare it," tugon ng kasambahay kay Coop.
"Thanks Ate Desi, you're the best!" saad ni Coop at saka siya dumiretso sa labas, malawak kasi ang bakuran ng mansyon ng mga Angeles.
Para sa kanya, isa itong napakalaking playground ngunit natanaw niya sa di kalayuan si Kent, papasok ito ng mansyon at may dalang suitcase, kasama ang iba pa niyang mga kasama. Nakasuot ito ng shades. Bigla siyang nagulat ng tumama rito ang pinapatakbo niyang eroplanong laruan at tumumba ito sa kinatatayuan.
"Aw! f**k!" singhal ni Kent dahil tinamaan siya ng eroplanong laruan sa ulo.
Nagulat naman ang mga kasamahan ni Kent na sina Elliot at Amir.
"Mr. Consigliere!" saad ni Amir na kaagad na inalalayang tumayo si Kent.
"Tang'ina, masakit iyon! ayos ka lang?!" tanong pa ni Elliot na naalarma na.
Ilang sandaling hindi nakatayo si Kent dahil sa sakit kahit na inalalayan na siya ni Amir.
Napatingin silang tatlo kay Coop habang ang bata naman ay walang emosyon na tumingin sa kanila.
"You f*****g son of a b–" naputol ang mga sasabihin pa ni Kent ng awatin siya ni Amir.
"Boss! Pagpasensyahan mo na Boss! Bata eh!" saad ni Amir.
"You're the one who gets in the way!" singhal ni Coop.
"Aba't talagag sumasagot ka pa huh?! Bastos kang bata ka! Do you have a death wish huh?!" singhal ni Kent na nagpupumiglas kay Amir.
"Tama na Boss! Bata yan!" singhal ni Amir.
"Oo nga, wag mo na patulan, narinig ko apo daw yan ni Tatang, baka mamaya ay mapasama pa tayo dahil sa batang yan," saad naman ni Elliot.
"Hindi! Tuturuan ko ng leksyon ang makulit na bata na yan!" singhal ni Kent na inis n inis na.
"Bring it on! Uncle! Nyenyenyenye!" pang aasar pa ni Coop habang nakadila sa kanila.
"Aba talagang! Halika rito!" singhal ni Kent at nang makawala siya kay Amir ay kaa niyag hinabol ang batang si Coop na ngayon ay mabilis na tumatakbo sa bakuran.
"Hays, tara na nga, hayaan mo ang kolokoy na yan," saad ni Elliot at saka iginiya si Amir papasok ng mansyon.
***
Nagising naman si Jaydah na wala sa tabi niya si Coop, napailing na lang siya dahil alam niya ng naglaro na naman iyon sa bakuran, sanay na siya sa anak niya kung kaya't nag shower na siya at nagbihis. Papasok na kasi siya sa bago niyang opisina. Unang araw niya iyon bilang CEO ng kanyang sariling cosmetics line.
Paglabas niya ng Mansyon ay naabutan niyang naglalaro sa bakuran si Coop kasama si Kent. Pinapatakbo ni Kent ng eroplanong laruan habang si Coop naman ay sinusundan kung saang direksyon iyon mapunta.
"Coop, Baby," saad ni Jaydah na lumapit sa kanila.
Kaagad na lumapit si Coop kay Jaydah at niyakap ito.
"Mommy, where are you going? Iiwan mo ako?" malungkot na tanong ni Coop sa ina.
"For a while lang Baby huh, babalik din ako kaagad, Mommy needs to go to work, nandyan naman si Ate Desi, you can play with her, okay?" saad ni Jaydah sa anak.
"Okay, can you buy me a happy meal? I like it," saad ni Coop.
"Okay, I will buy you one when I got home, bye Baby, kiss Mommy," saad ni Jaydah at saka ngumuso sa bata.
Tinugon naman iyon ni Coop, habang si Kent ay tahimik lang na pinapanuod sila, maya maya ay napansin nilang papalapit sa kanila si Don Juancho.
"Uncle," saad ni Jaydah.
"Jaydah Hija, mukhang bihis na bihis ka ah," saad ni Don Juancho na tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Uhm, opo, unang araw ko sa cosmetics line ko," saad ni Jaydah.
"Ah ganon ba, Kent, bakit hindi mo ihatid si Jaydah? Tutal eh unang araw niya ngayon sa trabaho," saad ni Don Juancho.
"Naku, hindi na ho Uncle, kaya ko naman po at saka nandyan naman si Eric, he will drive me to my office," saad ni Jaydah.
"Well, Eric is not around, nagpaalam sa akin kaninang umaga na masama daw ang pakiramdam niya kaya sige na, pumayag ka ng ipagmaneho ka ni Kent," saad ni Don Juancho.
"Pero hindi niya naman ho trabaho ito Uncle, at saka baka busy po kayo, okay lang po Uncle, ako na lang po ang magmamaneho. Aalis na ho ako" saad ni Jaydah at saka naglakad palabas.
Tumaas naman ang kilay ni Don Juancho at saka inabot kay Kent ang susi.
"Habulin mo na," saad ni Don Juancho.
"Tatang naman eh, ayaw nga magpahatid, masyadong ma-pride, tss," saad ni Kent.
"Sige na, para makapag usap kayo ng masinsinan," saad ni Don Juancho.
"Fine, pasalamat ka at malakas ka sa akin, Tatang," saad ni Kent at hinabol si Jaydah palabas.
Napakunot naman ang noo ni Jaydah nang makita niya si Kent sa likuran niya na tumatakbo palapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jaydah rito ngunit hindi siya pinansin nito at dumiretso lang sa driver's seat.
"Tara na!" singhal ni Kent na dumungaw pa sa bintana ng kotse.
Wala namang nagawa si Jaydah kundi pumasok nalang sa loob ng kotse.
"So uh, where to? Miss?" tanong ni Kent na inistart na ang kotse.
"Sa Eastwood," simpleng saad ni Jaydah.
"Okay," saad ni Kent at sinimulan ng magmaneho.
"I'm sorry about last night, I didn't mean to say that," saad ni Jaydah.
"It's fine, hindi naman ako pwedeng mawala eh, at saka makikita at makikita mo talaga ako sa mansyon sa ayaw at sa gusto mo, ngayon pa na investor na namin si Tatang," saad ni Kent habang naka focus sa daan.
"But still, I'm sorry," saad ni Jaydah.
"Are you gonna tell me now why you left the country and came back after five years?" tanong ni Kent.
"Magulo isip ko non Kent, hindi ko alam kung anong gagawin and I'm so damn scared," saad ni Jaydah.
"Scared of what, May? Scared of me? Sinabi ko na sayo diba? I can't quit my job, dito lang ako magaling, at ito na ang nakasanayan kong trabaho noon pa," saad ni Kent.
"I know…" saad ni Jaydah.
"Kung hindi mo matanggap iyon hanggang ngayon then just hate me forever," saad pa ni Kent na masama na ang loob at mahigpit na ang hawak sa manibela.