Chapter 13

1164 Words
Nagising si Jaydah na masakit na masakit ang ulo niya at katabi niya na sa higaan ang anak na si Coop. Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi kagabi at ang tanging naaalala niya lang ay nag iinom siya sa Bar. “Good morning Mommy, I love you,” malambing na sambit ng batang si Coop na hindi pa rin idinidilat ang mata ngunit nakangiti ito. “Good morning Baby, I love you too, do you know how Mommy got home last night?” tanong niya sa bata. “Oh, I called Uncle Kent to drive you home,” saad ni Coop na naghihikab pa ngunit nanlaki ang mga mata ni Jaydah sa gulat sa tinuran ng anak. “What?! Coop, Anak, you can’t just do that! Don’t ever call that man again okay?! I told you already, right? He’s dangerous!” singhal ni Jaydah na pinapagalitan ang anak. “But Mommy, I’m desperate, hindi ko alam kung kanino lalapit, ang tagal mo umuwi,” saad ni Coop. “I’m so sorry Baby, basta wag na wag mo ng tatawagan ang lalaking iyon, maliwanag ba?” “But Mommy, Uncle Kent is not dangerous because if he’s a bad guy he wouldn't take you home safe, right? And… I know he’s in love with you,” “In love? Saan mo naman nakuha ‘yan? How did you know that?” “The way he looks at you Mommy, it’s like the way I look at you because I love you Mommy,” “What?” saad ni Jaydah na natatawa sa anak. Kamukha na nga ng tatay, ang galing din mambola, hays. Saad ni Jaydah sa isip. “He’s not in love with me Baby, okay?” “He is,” “He’s not,” “He is!” “He’s not! “He is Mommy! Yes, he is!” “He’s not!” saad ni Jaydah na natatawa na lang habang palabas ng kwarto ngunit napatalon siya sa gulat ng biglang bumungad sa harapan niya si Kent. “Uhm, morning,” bati nito. “Good morning,” “Uncle Kent!” sigaw ng bata at saka tuwang tuwa sinalubong si Kent sa pinto na may malapad na ngiti sa mga labi. “Hey Kiddo!” bati ni Kent sa bata. “Hi five!” saad ni Coop at inapiran naman siya ni Kent. “Wow huh, close kayo?” tanong ni Jaydah sa dalawa. “I was telling Mommy that you’re in love with her,” saad ni Coop. Napangiti naman si Kent ng dahan dahan. “What? Who told you that?” tanong ni Kent na iiling iling habang nakangiti. “Don’t deny it Uncle Kent, I know you love Mommy,” saad ni Coop. “Sira ulong bata,” saad ni Kent na natatawa. Natawa na lang din si Jaydah habang sinusundan si Kent sa may pasilyo at bumaba sila ng hagdan. “Baliw yang anak mo,” saad ni Kent na hindi maalis ang ngiti sa mga labi. “I bet he’s not wrong about it,” saad ni Jaydah. “Oh please, tignan mo nga, kahit yung bata alam na mahal kita, ikaw lang naman ‘tong ayaw,” saad ni Kent. “Thankyou for taking me home last night,” saad ni Jaydah, nagulat naman si Kent ng bigla siyang yakapin ng dalaga. “Yeah, no problem,” saad ni Kent ngunit napatingin silang dalawa ng mapansin nila si Don Juancho na nakatayo sa di kalayuan at nakatingin sa kanila. Kaagad na kumalas si Jaydah sa pagkakayakap kay Kent. “That’s my cue, chineck ko lang kung maayos ka, aalis na ako,” “Okay, ingat, salamat ulit,” “Yeah, anytime,” saad ni Kent at saka tuluyan ng bumaba sa hagdan upang salubungin si Don Juancho. “Greetings, Don Juancho,” saad ni Kent. “Siya nga pala, kamusta ang ipinagagawa ko sayo?” tanong ni Don Juancho. “Kaya nga ako pumunta dito Tatang eh, parang hindi ko ata kakayanin, mukhang mahihirapan akong ligpitin ang taong iyon,” saad ni Kent na nagsindi ng sigarilyo. Nasa veranda na sila ngayon at nag uusap. “Anong mga kailangan mo? Ibibigay ko agad agad,” “Tatang naman, walang ganyanan, baka bumigay ako nyan,” “Insists,” “Hindi niyo sinabi sa akin na may malaki pala siyang property malapit sa Great Gatsea Cruise line, kailangan ko ng bahay malapit doon Tatang, maliit na apartment lang at pagkatapos ay magpapanggap akong aplikante para makapasok doon,” “Sige, kukuha tayo,” saad ni Don Juancho. “Ang bilis mo kausap Tatang ah, sige, at saka ano na rin CCTV, binoculars at saka camera saka isang laptop,” saad ni Kent na hiningi ang lahat ng kailangan niya. “Ano pa?” tanong pa ng matanda. “Iyon lang muna, Tatang, salamat po,” saad ni Kent. “Kailan mo kailangan ang mga yan?” tanong pa ni Don Juancho. “Syempre sa lalong madaling panahon Tatang,” saad pa ni Kent. “Okay,” saad ni Don Juancho at saka kinuha ang cellphone niya at may tinawagan. Tahimik niya lang itong pinagmamasdan habang may kausap. “Oo, isang apartment, kung merong katabi mas okay, basta yung pinakamalapit, oo at saka meron pa kumuha ka ng magandang klase ng CCTV, binoculars, isang camera at isang laptop,” saad ni Don Juancho sa kausap sa kabilang linya na naririnig ni Kent. Maya maya ay tinakpan nito ang cellphone at tinanong siya. “Anong klase ng camera daw?” “DSLR po Tatang,” saad ni Kent at muling bumalik sa kausap at ipinaalam iyon at saka ibinaba ang tawag. “Okay na, hintayin mo na lang daw,” saad ni Don Juancho. “Wow naman Tatang ang bilis ah, sige, dito na lang muna ako,” saad ni Kent at saka dumiretso sa kusina. Saktong naabutan niya doon ang mag ina at ang kasambahay na si Ate Dessi. “Ate Dessi, pagtimpla mo naman ako ng black coffee, please, salamat,” pakisuyo ni Kent sa kasambahay. “Anong akala mo sa mansyon namin? Coffee shop?” sarkastikong saad ni Jaydah habang umiinom ng orange juice. “Don Juancho told me to stay for a while,” saad ni Kent. Sa di kalayuan ay natanaw nila si Coop na masaya at masiglang naglalaro sa bakuran. “You did a great job raising a son, he’s independent and confident… like me,” saad ni Kent. Lumabi si Jaydah dahil mukhang nakakaramdam na si Kent sa ugnayan nila ni Coop. “Tinuro ko iyon sa kanya kasi… hindi naman habangbuhay may maaasahan tayo at saka… alam mo naman kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako Kent, kaya habang bata pa ay tinuturuan ko na siya,” paliwanag ni Jaydah. “Maganda naman iyon, alam mo, siguro kung… hindi ka umalis baka…” “Enough Kent..” saad ni May na napakapit ng mahigpit sa glass na may lamang orange juice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD