Chapter 6

2385 Words
HINDI SUMAMA si Dale sa celebration party ng kanyang mga ka-grupo. Mabilisan siyang naligo sa bahay niya at inihatid ako sa shop. Pero si Susan ang nagproxy sa kanya. Napailing na lang ako habang tinitingnan siya paalis. Kaya hanggang sa makarating sa shop ay siya pa rin ang iniisip ko. Binuhay ko ang ilaw sa kusina at ibinaba ang sling bag ko sa gilid ng stainless na counter. Hinarap ko si Dale na kapapasok lang at iniikot ang mga mata sa kabuuan ng maliit na baking area namin. Mas nagmukha siyang presko ngayon sa suot niyang white v-neck shirt at maong pants. “Okay na ko dito, Dale. Umuwi ka na at magpahinga..” Sabi ko sa kanya. Alam ko namang pagod siya sa laro tapos nagmaneho pa siya para ihatid ako dito. Mag-aalas dose na rin ng gabi. Tiningnan niya ako at kumunot ang noo. “Mag-isa ka lang dito?” Puna niya. Tumango ako at napatingin sa paligid. “Oo. May deliveries kasi bukas ng umaga at kailangang magawa na iyong mga cupcakes. Ganito talaga kami kapag umaga kailangan at kailangan ding bagong luto ang inorder.” Paliwanag ko. Humalukipkip siya. “Ilan ba ang gagawin mo?” “300 pieces.” “Tapos mag-isa ka lang uuwi? Delikado na sa labas. Hihintayin na lang kita.” “Kaya ko na. Sanay na ako at saka pagod ka kaya galing sa laro. Umuwi ka na lang at magpahinga.” Pagtataboy ko sa kanya kahit na medyo natuwa ako dahil hindi ko kailangang umuwi mag-isa. Pero pagod ‘to e. Umiling ito at humila ng upuan katapat na stainless counter namin. Pinagpahinga niya ang sarili doon na parang walang balak umalis. “Hindi. Dito lang ako at sasamahan kita or I’ll wait for you,’ Tiningnan ko siya, at talagang seryoso ang mukha niya. Napailing na lang ako at ngumiti. Who am I to refuse? Nagsuot ako ng apron sa aking baywang at kinuha ang papel kung saan nakasulat ang orders. Though kabisado ko na ang gagawin ko ay mas minabuti ko pa ring isulat sa papel para sigurado, “Ano’ng maitutulong ko Miss Baker?” “Hmm, may mixer naman ako dito so, kahit ikaw na lang ang magpasok sa oven.” Sabi ko habang nagsusukat ng cake flour. “Magpasok? Diyan ako magaling!” Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya. Pero tinaasan niya ako ng kilay at pumangalumbabang pinapanood ako. “Hindi mo na gets ‘no? Ang inosente mo kasi.” Makahulugang sabi niya. Kaya mas lalong kumunot ang noo ko. “Bored ka ba? You can use my laptop. Nasa labas lang ‘yon.” “Okay lang?” Natawa ako. Wala namang big deal doon. “Kaya nga pinapahiram ko sa’yo e. Kunin mo na lang.” Pagkasabi ko no’n ay lumabas na siya, pagbalik ay dala na ang laptop. Umupo siya sa dating pwesto at nakita kong kinalikot na ang laptop ko. I continued working. Ilang sandali rin akong naging abala sa paghahalo ng mga sangkap ko. Napaghalo ko na ang dry and wet ingredients ko nang tingnan ko siya. Parang ang seryoso ng mukha niyang nakatutok sa screen ng laptop. “Ano’ng ginagawa mo?” Bigla kong tanong. He looked at me. “Facebook.” Binalik ulit ang mga mata sa computer. “May f*******: ka?” Malamang. Siya pa ba? I mentally laughed at my question. “Yours.” Napangat ako ng tingin sa kanya. “Ano?!” Ngumisi siya. “Tinitingnan ko ang profile mo at news feed mo. Ang cute nga ng profile photo mo e!” As if on cue ay binaba ko ang mga hawak kong molding tray at nilapitan siya, f*******: account ko nga ang pinapakaelaman niya! He’s checking my album photos! He’s currently scanning my travel albums. Iba't-ibang lugar pero karamihan ay mga beaches ang background. I was only wearing a high waisted maong shorts and a bikini bra. Hindi naman ganoong ka revealing ang suot pero baka minamanyak na ko ne’to! Piningot ko siya sa kanyang tainga kung kaya’t bahagya siyang napaangat sa kanyang kinauupuan. “Ikaw ha! Sinisilipan mo ko ‘no? Bakit iyan ang tinitingnan mo?” Sabi ko habang pinipingot siya. He looked hurt pero medyo magaan lang naman ang ginawa ko. “Aray! Aray! Aray ko naman JJ! Ang sakit!” Nakangiwi niyang sabi. “Masakit talaga kung hindi ka sasagot sa tanong ko. Bakit mo ko sinisilipan?” Turo ko pa sa pictures. Napapikit pa siya kunwari sa sakit. He opened his left eye. “Ano’ng sinisilipan? E, nakapost nga ‘yan sa f*******: mo e. Iyong friends mo pwedeng makita ako hindi?” Binitawan ko ang tainga niya nang mapagtanto ko ang point niya. Nga naman. Hinawakan pa niya ang kanyang tainga. “Kung ako ang kasama mo sa mga panahon na ‘yan? Hindi ka makakahawak ng kamera.”I heard him whispered. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “At bakit?” Tiningala niya ako. His deep eyes changed. Bahagya akong napaurong sa tema ng pagkakatingin niya sa’kin. Kinabahan ako. May kakaibang bilis ng puso ko. “Because I’m possessive Jam July..” He said in a low baritone voice. Hindi ko natanggal ang tingin ko sa kanya. It became hard for me to pull my gaze away from him. He gazed back without blinking his eyes. Sa kanyang sinabi parang nagbago ang tingin ko sa kanya and I can’t even find a name for it. It was foreign. “Mukha mo!” Bulyaw ko kaya napaigtad siya. Tinanggal ko ang tingin sa kanya dahil hindi ko na kinakaya ang bigat nito. Too much to handle. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko habang naririnig ko siyang tumatawa. I tried to bring back my normal pulse pero pagkahawak ko pa lang sa molde ay nanginginig pa ang aking mga kamay. I still feel the heat from his intensed eyes. “s**t!” I whispered. Concentrate Jam, concentrate. Muli kaming nanahimik ng ilang sandali. I could only heard the tick-tock of the clock, ganoon katahimik. Kung ‘di lang natapos ang pagmimixing ko hindi sana ganito ka-awkward. “Sino si Russel?” He asked unexpectedly. I sighed. “Bestfriend ko.” “Bestfriend mo lalaki?” May taka na pagtatanong niya. Napatingin naman ako sa kanya. “Oo. Bakit?” “Akala ko si Aaliyah ang bestfriend mo?” “Pareho ko silang bestfriend.” Tumaas ang kilay niya pero sa laptop pa rin nakatingin. “Kailan pa kayo naging magkaibigan?” “Si Russel since high school at si Aaliyah magti-three years pa lang.” Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa mapuno ang isang molde. Nang matapos malagyan ay saka ko tinawag si Dale. “Montejo 14 halika na rito.” Parang nagulat pa siya ng tawagin ko siya. “Halikan na?” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Kaunti na lang iisipin ko ng manyak talaga ‘to e. But then he laughed and stood up. “Joke lang ha? Baka madurog mo na ang tainga ko. Gwapo nga wala namang tainga!” Natawa ako sa sinabi niya. “Yabang nito. Paki pasok na sa oven Montejo 14.” Utos ko. Kinuha niya nga ang mga tray at inilagay sa oven. I set the time at pagkatapos ay gumawa na ko ng frosting. Bumalik ulit siya harap ng laptop ko. “Why do I feel na may ginagawa kang kalokohan diyan?” “Because I’m using your laptop?” Pilyo nitong sagot sa’kin. Inirapan ko na lang siya at nagfocus sa ginagawa. Marami ring cupcakes ito. Ganoon lang ginawa namin hanggang sa matapos ako. Nag-aalok siyang tumulong sa paglalagay ng frosting pero umayaw din siya dahil hindi niya maayos ang lagay. Sinobrahan ko ang gawa ng cupcakes para sa kanya. Dahil sinamahan niya ko. He even missed their team's celebration. Madaling araw na ng matapos ako. He helped me to store the cupcakes in the fridge. Naglabas ako ng platito at tasa para sa kape. Tumayo na ako sa tabi niya habang nag oonline siya. “May f*******: ka ba?” Tanong ko bago sumimsim ng kape. He took a bite on his cupcake. Umiling siya. “Igawa mo ko.” “Madalas ka sa bar pero wala kang f*******:?” He looked at me. “Compliment ba ‘yan?” I shrugged it off. “Mayaman ka ba?” Napahinto siya sa pagnguya at parang nagulat sa tanong ko. Wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko pero parang nag-iba ang timpla niya. “Hindi ba mahal doon sa mga bar? O ‘di kaya siguro..miyembro ka ng sindikato ‘no?” Bigla siyang pumihit ng tawa. Sa sobrang tawa ay namula pa ang tainga niya. Nginiwian ko siya dahil hindi naman ako natatawa. Baliw. Tinuro niya ang laptop. “Igawa mo na lang ako ng account at baka mamaya paghinalaan mo pa akong maligno!” Sabi niya habang tumatawa. Sira ulo. Lumapit ako para makagamit ng laptop. Tangka pa siyang tatayo para paupuin ako pero tinanggihan ko. Madali lang naman ‘to. Tinatanong ko siya sa mga kailangang i-fill up. “Work?” Tanong ko. “U-Unemployed.” Napatingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. “May pang-bar pero wala kang trabaho?” Nagkibit balikat siya. “Kare-resign ko lang. Saka tatanan mo nga ‘yang kababar mo. Hindi naman madalas ‘yon..” “Ah..monday-wednesday-friday at saturday lang.” Tudyo ko. “Minsan kailangan din nating mag-unwind..” Binalik ko na lang ang tingin ko sa laptop. “Baka nangangawit ka na?” Pag-aalalang sabi niya. “Keri lang!” “Keri?” Natawa ako. “Keribels!” “Ha?” Mas lalo akong natawa. Hindi niya ako maintindihan kasi. Pero napaigtad ako ng malakas nang kilitiin niya ako! That was my biggest fear! “Dale ha!” “Bakit? Hindi ko kasi maintindihan e..” Kiniliti niya na naman ako kaya napatili ako. Lumayo ako pero hinapit niya ang baywang ko. Kakakawag ko ay niyakap niya na ko sa baywang. Kumalma ang tawa ko nang mapansin kong nakatingala na siya sa’kin. Sumeryoso ang mukha niya. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Knowing that his face was just an inch away from my breast! “Magugustuhan mo kaya ako kahit hindi maganda ang trabaho ko?” He suddenly asked. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang tanong na iyon. Pero parang seryoso iyon sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Parang may mga kulisap sa aking tiyan dahil sa pagkakalapit namin. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. He even licked his lip. I swallowed. Para na akong naaalipin. Bigla akong bumitaw sa kanya at uminom ng kape. Nagflash sa utak ko ang eksena sa bintana niya. When he was half naked. Napailing ako. Hinarap ko ulit ang laptop at sinubukang ipagpatuloy ang ginagawa pero sa gilid ko ay nakikita ko pa rin ang paninitig niya sa akin. “Ano’ng ilalagay ko sa profile photo mo?” Pag-iiba ko sa usapan. “Ako na lang maglalagay niyan.” “Okay.” Pagkatapos ay sinara na namin ang browser at pinatay ang laptop. Inubos na lang namin ang aming mga kape para makauwi na. “You have frosting on your lips..” Turo niya sa sariling labi. Sinubukan kong punasan iyon pero parang hindi siya nakuntento at siya na ang nagpunas sa aking labi. And before I can say thank you, nagitla ako nang isubo niya ang daliring pinunas sa akin. Natulala ako sa kanya. “Indirect kiss pa lang ngayon. Sa susunod direct kiss na.” Then he winked at me. Hindi ako kaagad nakatulog matapos niya akong ihatid sa bahay. Iyong tagpo namin sa shop ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Ang kanyang imahe, ang kanyang mga mata, ang init ng kanyang balat. Maaga pa ko papasok pero hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako makatulog. I YANKED my phone out para magbukas ng social account. Meron agad akong friend request and it’s from Dale Montejo. Napaupo ako nang makita ko ang profile photo niya. It was me! My lips parted while staring at the photo. Kinuhaan niya ako ng picture habang naglalagay ng frosting sa mga hilera ng cupcake. Nagustuhan ko ang anggulo niya sa pagkuha ng litrato sa’kin pero bakit ako ang nilagay niyang profile display photo? I accepted his friend request. And he was online just 10 minutes ago. Hindi pa rin siya natutulog? Sabagay wala naman siyang trabaho bukas. INILAGAY ko sa box ang mga cakes na idedeliver ni Greg. Katatapos ko lang maglista ng mga naubos nang ingredients para bukas makabili agad. Bumalik ako sa harap ng laptop nang makareceive ako ng text message galing kay Dale. Dale: May gagawin ka mamaya? Ako: Wala naman. Bakit? Dale: Sunduin kita paglabas mo. May tickets ako pangsine. Ako: Dapat magtipid ka at para may budget ka. Wala ka pangwork ‘di ba? Dale: May nakatabi na ko para doon. Sunduin kita diyan. Ako: Bahala ka. Nakangiti ako pagkababa ng phone sa mesa. I felt like an idiot all of a sudden. Parang kay bagal ng oras dahil gusto ko nang makaalis dito. Mayroon akong excitement na nararamdaman sa aking dibdib. Bandang alas sais ay umalis ang huling kumakain. Binaliktad ko agad ang nakasabit na board sa pinto. Nagmamadali akong pumasok sa loob para magpaalam kay Aaliyah. Ngunit bago pa ako makapasok doon ay nagring ang cellphone ko. Russel Calling... Pagkakita ko pa lang ng pangalan niya ay biglang nagbago ang mood ko. Bumalik ang ala-ala ng huli naming pagkikita. Alam ko busy siya sa pag-alis niya nitong mga nakaraang araw. Pero hindi niya kasi ako kinakamusta man lang. Anyway, I still miss him. “Hello..” Sagot ko. “Jam..” Nangunot ang noo ko nang nahimigan ko ang boses niya. I heard this many times. “Russel lasing ka ba?” “Jam..Jam please help me. I need you,” Nabasag ang boses niya. Kinabahan ako. Ito ang unang beses na tumawag siyang umiiyak. Sa sobrang alarma ko ay nataranta na ako! “Russel nasaan ka? Pupuntahan kita!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD