NAGMADALI ako sa pag-alis sa shop pagkatapos ng tawag ni Russel. Hindi ko na naipaliwanag ng maayos kay Aaliyah ang dahilan kung bakit ako umalis dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko sa kakaisip kay Russel. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Agad akong bumaba ng tricycle pagkatapat na pagkatapat sa bahay nina Russel. Halos takbuhin ko ang gate nila at paulit-ulit na nagdoorbell. Nagmamadaling lumabas ang kasambahay nila at pinagbuksan ako. “Ate Lilet si Russel po?” I was literally nervous. At halos yugyugin ko sa balikat ang kasambahay nila. “Nasa taas ho, sa kwarto niya. Nag-aalala nga ako at kanina pa ‘yon doon. Umiinom.” Nanginginig din ang boses niya. Kaya naman agad akong pumasok sa loob ng bahay nila. “Nasaan po sina Tita at Tito?” “Kahapon pa sila wal