WALANG-KURAP siyang nakatingin din sa akin. Gabi na pero ang repleksyon ng ilaw mula sa balcony niya nagdedepina sa mga matang nakatitig sa akin. “I-ikaw ‘yong nagtetext sa akin?” Ako ang unang bumasag sa linya. Nakita ko ang paggalaw ng gilid ng kanyang labi. Lumunok siya at ilang segundong hindi nagsalita. Umangat ang kamay at napakamot ng batok. Why does it looks sexy? Para bang nahiya siya bigla sa akin.
“Sorry. Natakot ba kita? G-Gusto ko lang kasing makipagkilala..”
Sumandal ako sa upuan. “At sino naman ang nagbigay sa’yo ng numero ko?”
Ngumiti siya. “Ayokong ipahamak siya. Sa’kin ka na lang magalit, Jam July..” He huskily said. Parang hinalukay na naman ang tiyan ko ng sabihin niya ang buong pangalan ko. Para bang may kung ano’ng magic sa mababa niyang boses.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. May hula na naman ako kung sino ang sinasabi niyang source niya. Gusto ko lang sa kanya magsabi. “Hindi naman sa magagalit ako. Pero oo, medyo.” Napaawang ang labi niya. Nais kong matawa sa itsura niya, nagbibiro lang naman ako.
“Sorry na. Wala naman talaga akong balak na lokohin ka o ano. Bago lang kasi ako dito kaya gusto kong makipagkaibigan sa inyo. Sorry na talaga..please?” May halong lambing sa kanyang boses. I bit my lower lip. Sumobra ba ko? Para kasi talagang may takot na sa mukha niya. Hindi ako kaagad nakasagot kaya parang hindi na ]siya mapakali sa kanyang kinakatayuan. “Jam July...” Lambing na tawag niya.
Napanguso ako. “Joke lang! Sige na.”
“You’re not mad?”
Umiling ako. He seems harmless naman. He smiled. “So, bakit hindi ka kaagad nagpakilala sa’kin, sa'min?” Siya naman ay humilig sa itim na barandilya sa harapan niya, tinitingnan pa rin ako.
“Natatakot akong kausapin ka.”
Kumunot ang noo ko. “Ha? Bakit?” Well, hindi na naman bago iyon sa akin. Sabi ng iba kong kaibigan ay mukha daw akong suplada. Baka ganoon din ang impresyon niya sa’kin.
He tilted his head a bit. “Remember no’ng naglilipat pa lang ako ng gamit ko dito, lalapitan sana kita pero tinakbuhan mo ko.” He sexily chuckled. Natigilan ako at nag-init ang pisngi. He remembered! Kumalabog ang dibdib ko ng maalala ko ang araw na iyon. Walang habas ko siyang tinitigan at nakipagmatigasan din ako ng tingin sa kanya. Masyado kasi akong nag-enjoy sa pag-eexamine sa kanya kaya ganoon.
Naramdaman ko naman ang hiya dahil siya na ang nagbanggit. Nang tingnan ko siya ay malaki na ang ngiti niya. Nag-iwas ako ng tingin. “Ah..iyon ba? Ano, kasi..nagmamadali kasi kami ng araw na ‘yon. Hindi naman ako tumatakbo no’n.” Bahagya pa akong tumawa para magsilbing suporta sa sinabi ko. Heck! Sinisilaban na nga ako ng araw na ‘yon e.
Sumeryoso ang mukha. “Pero Jam, may boyfriend ka na talaga? Kapitbahay?” May kung ano’ng bumundol sa dibdib ko ng tanungin niya ko no’n. Magsisinungaling pa ba ako? Syempre dala ng emosyon ko kanina kaya kung ano-anong naiisip ko dahil akala ko talaga stalker siya.
And I even thought of him when I said those. Tumikhim ako. “Wala akong boyfriend. Tinatakot lang kita. Akala ko kasi stalker ka or something. Basta!” His trademark smirk s***h smile showed. There were hint of happiness on his perfect sculptured face. Kahit sa malayo ay matayog ang kanyang matulis na ilong. He looks like half foreign pa nga, matangkad pa siya.
He bit his lip. I’m almost thinking that this is his ways of flirting. “Akala ko talaga meron. Buti na lang..” Hindi niya pinagpatuloy ang sasabihin. Parehong napataas ang mga kilay ko. Sensing his words, I know may something doon. Pero ayokong i-encourage siya. Well, if ever na manligaw siya, wala naman akong masasabi sa kanya dahil gwapo siya. Instant celebrity nga siya sa lugar namin dahil sa pigura niya. Dagdag pogi points pa iyong pagiging independent niya. De-kotse pa at motor. Kumbaga sa normal prince charming ay pasadong-pasado siya. Ayokong mag-assume pero kasi sa kilos niya ay mahahalata naman ‘yan.
Mula no’n ay naging constant textmate kami ni Dale. Hindi ko na minamasama pa ang pagtetext. Mabait naman siya at madaldal din. Minsan ay nasa bahay siya at nakikipaglaro sa kambal. Kilala na rin siya ni Aaliyah. Sumali rin siya sa liga ng barangay. Hindi siya tinantanan ng kapitan namin at ng coach nila kaya napasali na rin. Iyong ba namang mukha niya ang gawin niyang puhunan ay talagang makatawag pansin. Sa akin pa siya nagpaalam kung sasali o hindi. Takang-taka naman ako. Para bang ang sagot ko ang magiging ugat ng pagsali niya. But I said yes, anyway.
SABADO ng hapon ay kasalukuyan akong nanonood ng TV ng magvibrate ang phone ko.
Dale: JJ..
Napangisi ako. He gave me a pet name. JJ na lang daw itatawag niya sa’kin dahil nahahabaan daw siya sa pangalan ko. Hinayaan ko na lang.
Ako: Oh?
Mabilis na nagreply si Dale sa text.
Dale: Help naman. Paano magluto ng adobong manok?
Natawa ako sa text niya. Iyong last time na nagtanong siya kung paano magluto through text ay nakita kong nagpadeliver siya ng pizza. I knew, dahil binilan niya rin kami. Tinapon niya lang kasi ang niluto niya. Palpak daw.
Ako: Punta ako diyan.
Tumayo ako at pinuntahan si Aaliyah sa kusina na kasalukuyang naghahanda ng niluluto. Kasama niya si Susan. “Aaliyah, papaturo magluto si Dale, puntahan ko lang.” Paalam ko. Nag-angat ng tingin sa’kin ang dalawa.
Ngumiti si Aaliyah. “Walang problema Jam. Sige lang.”
“Nako ate Jam ha. Baka iba ang maluto ninyo!”
Inirapan ko si Susan. “H’wag kang malisosya ha Susan! Nagpapaturo lang yung tao.”
“E, kasi sa’yo lang palaging panay dikit ni Koya Dale. Nandito naman ako!”
“Sige na Jam umalis ka na, sinusumpong lang ‘to.”
“Si ate talaga! Kwentuhan mo na lang ako ng tungkol sa tatay ng kambal mo. Siguro pugi ‘yun ‘no!” Oo, saksakan ng gwapo! Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaya lang baka ayaw pang ipaalam ni Aaliyah.
Cellphone lang ang dala ko at lumabas na ng bahay. Tinawid ko lang ang kalsada para makarating sa gate ng bahay ni Dale. Nagdoorbell ako at parang nasa tapat lang 'ata siya ng pinto niya at bumukas agad ‘yon. Nakangiti niya akong pinagbuksan ng gate. Nagkakamot pa siya sa ulo niya habang pumapasok ako. “Naabala ba kita?” Nahihiya niyang sabi.
Humalukipkip ako sa gilid. “Naaawa lang ako sa manok na kakainin mo baka madouble dead!”
“Ito naman. Syempre ‘di ko forte iyon. Tara na sa loob.” Paanyaya niya. Sumunod ako sa kanya kaya nagawa kong pagmasdan ang likuran niya. He’s wearing a black shorts paired with white round neck T-shirt. Ang linis-linis niyang tingnan at ang maninipis na buhok sa kanyang makinis na binti ay nakakadagdag sa total-package niya.
Malinis at maayos sa bahay si Dale. Ang itim niyang sofa ay pinareha sa mga puting throw pillow. Ang kanyang lemesita ay itim din. May malaking flat screen TV naman siyang nakahang sa dingding. Minimal ang kagamitan at puro itim o puti lang ang kulay ng bahay niya. Bachelor typed house.
Sumunod ako sa kanya sa kusina at tiningnan ang mga sangkap niya. Nakita kong buo pa ang manok niya kaya hiniwa niya muna. “Ikaw lang naman ang kakain ‘di ba? Hmm..mga apat o limang pirasong manok muna ang lutuin mo. Tapos ‘yong iba itabi mo muna sa freezer.” Sabi ko sa kanya. Ibig kong matawa dahil seryoso ang mukha niya habang naghihiwa ng manok. Inilabas ko naman muna ang ibang sangkap. Tinalupan ko ang bawang sa kanyang tabi. “Ayan, nabigyan ng hustisya ang manok!” Sabi ko dahil nakita kong maayos ang pagkakahiwa niya rito.
Tiningnan niya ang ginagawa ko. “Lahat ba ‘yan?” Tukoy niya sa isang buong bawang na tinatalupan ko.
“Syempre hindi. Gusto mo bang madami?”
Nginitian niya ako. “Yes, please JJ.” Matamis niyang sabi. Inirapan ko. Kumuha ako ng kutsilyo at pinipi ang bawang bago hiwa-hiwain. “Sanay na sanay ha..”
Ngumisi ako. Sinimulan kong turuan siyang magluto ng adobo. Ako ang gumawa at pinapanood niya lang ako. Sinasabihan ko rin siya ng mga dapat at di dapat gawin. Tulad ng huwag haluin agad ang ulam kapag nilagay na ang suka. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking noo. “Pagkulo niyan at paglambot ang manok. Kainan na!” Nakangiting sabi ko.
“Ano pang alam mong lutuin?” Tanong niya habang nagliligpit ng gamit.
Humilig ako sa counter island at nag-isip. “Pwedeng sinigang, tinola, nilaga, afritada, kare-kare. Hindi naman ganoong kadami. Mas gusto ko kasi ang baking.” Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit sa’kin at pinunasan ang pawis ko gamit ang tissue. Dinampi-dampi niya iyon sa aking noo at leeg. Napatigil ang paghinga ko at dumagundong ang dibdib ko. Seryoso na naman ang mukha niya na para bang piece of art ang pagpunas ng pawis. Nais ko sanang maging normal sa ginagawa niya pero ang paglapit ng mukha niya, ang pagtama ng kanyang mabangong hininga at pagdampi ng kanyang balat ay parang kuryenteng nagpapatindig ng balahibo ko.
I swallowed. He was too closed.
“Ang dami mo pa lang alam na lutuin.” Sabi niya. He was more like amused and not bothered because of our position. I tried to be funny para maiba ang ihip ng hangin.
“So, pwede nang mag-asawa ‘no?” Pabirong sabi ko. Pero imbes na makitawa siya ay nag-iba ang mukha niya. Dumilim ito at numipis ang pagkakalapat ng kanyang labi. Kumunot ang noo ko. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko nang lumapit pa siya sa’kin at tinungkod ang isang kamay sa edge ng counter island. Umiwas ako sa nakakasunog niyang tingin pero yumuko pa siya para hanapin ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko sa lakas ng pintig nito. I was too uneasy infront of him.
“Mag-aasawa agad? Stop thinking about that. Walang batas na kapag marunong magluto pwede ng mag-asawa, at sino naman ang aasawahin mo?” Tila inis na sabi niya. Nalito ako sa tila pang hahamon niya.
“Kasabihan lang naman ‘yon. Syempre ang mga dalagang marunong ng magluto ay maaasahan sa kusina at pasado ng magkapamilya. Ganoon naman dapat ‘di ba? Tapos, ang lalaki uuwi galing trabaho. Pagsisilbihan na siya ng misis niya. That’s the idea of a good wife.”
Tumaas ang kilay niya. “At sino naman ang asawang lalaki?”
“Dale I was referring in general.”
“Pero sabi mo pwede ka nang mag-asawa. Ibig sabihin may napupusuan ka na?” Natahimik ako. Why do I feel he took that too seriously. Though I have never see Russel in that state. Iyong siya ang uuwi galing trabaho at sasalubungin ko sa bahay. Siguro ay masyado pang maaga para sa ganyan.
“Gusto mo na bang mag-asawa?” Tanong niyang muli. I stunned. Gusto ko nga ba? I shrugged it off.
“Hindi pa..”
“But You’re 26. It’s acceptable though,”
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Paano mo nalaman ang edad ko? Stalker ka talaga ‘no? Aminin!” Humalukipkip ako kaya bahagya siyang lumayo sa’kin.
“F-Friends tayo sa f*******:. Malamang makikita ko birthday mo.” Oh! are we friends?
Tumabi siya sa gilid ko na para bang hinihintay ang pagluto ng ulam. Tinusok ko ang tagiliran niya. Aba, walang kiliti at ang tigas ah! “E, bakit ikaw wala ka pang asawa? 29 ka na kamo, tapos wala ka kahit nobya?” Pang-aasar ko. Hindi niya ko nilingon.
“Naghahanap pa ko ng tyempo, baka matakot e.”
“Naks! Iyang mukhang ‘yan! Humahanap pa ng tyempo?”
“Baby steps..” Mahinang sabi niya.
“Ano?”
Tiningnan niya ko. “Baby steps. Para magkababy kaagad.” Nanlaki ang mga mata ko. Hala siya, humahalay na! Sinuntok ko nga sa braso niya.
“Pakasalan mo muna bago gumawa ng baby! Loko!”
He smirked. “Okay. Sabi mo e..”
Nang maluto ay inaya niya akong doon na kumain dahil malungkot daw mag-isa. Nagluto rin sa bahay si Aaliyah kaya parang nanghihinayang ako. Sa huli ay dinala na lang namin ang nilutong ulam at sa bahay namin pinagsaluhan. Pagkatapos ng hapunan na iyon ay nakita kong umalis pa ng bahay si Dale. Malalim na ang gabi pero gagala pa? Kaya bago matulog ay tinext ko siya.
Ako: Gabi na. Nasa labas ka pa?
Pagkababa ko ng phone ay pumuwesto na ko para makahiga. Pagkahiga ko ay siya namang ring ng phone ko.
Dale calling...
“Hello?” Ngunit maingay na tugtog mula sa paligid ang sumalubong sa’kin. Nasaan siya? Bar?
“Hello JJ!” Pasigaw na sabi niya.
“Ang ingay naman, nasaan ka ba?”
“Bar, nagkayayaan lang ng barkada. Stalker kita ‘no?”
Natawa ako. “Sira! Nakita lang kitang umalis, stalker kaagad? Feeling nito..” Narinig ko pa sa background ang pagtawag ng lalaki kay Dale na tila pinapalapit. “Sige na. Ibaba mo na. Pakasaya ka diyan.”
“Hugot ba ‘yan? Uuwi na lang ako kung ayaw mo ko dito?”
“Tse! Baliw mo! Sige na.”
“Hindi masaya dito. Wala ka e.”
Kumunot ang noo ko. “Ang lakas ng trip nito. Ba-bye na nga.”
He chuckled. “Okay. Matulog ka na. Goodnight Jam..”
“Pakasaya ka diyan. Goodnight.”