KINABUKASAN ay naging normal lang ang pasok ko sa bakeshop. Ako ang humahawak sa cashier habang si Aaliyah ay nagbebake ng ilang orders. Kapag walang pending orders ay pareho kaming nasa cashier lang din. Kwentuhan o kaya ay maghahanap ng bagong ideya para sa design. Paminsan-minsan ay sinisilip ko ang phone ko kung may text si Russel. Mula nang umalis ako kina Joan ay hindi pa niya ako kinakausap man lang. Pero siguro dahil iyon sa pag-alis niya. Paano ang magandang trabaho niya dito, iiwan niya rin? Tumunog ang bell ng pinto na hudyat na may customer kaya binaba ko na ulit ang phone ko. Inihanda ko na ang matamis kong ngiti. “Good afternoon Sir--” I froze. Para akong namatanda ng mapagsino ko ang lalaking pumasok sa shop. Ang hot at bagong kong kapitbahay!
Shit. Hot talaga? Natulala ako. He looked like a model in front of me, nakapamulsa at nakangusong tinitingnan ang laman ng estante namin. Hindi ko maiwasang pasadahan siya ng tingin. Mukha pa'ng bango-bango niya. He’s wearing a blue and white checkered polo. Itiniklop pa ang magkabilang manggas hanggang siko. Matched with a black pants. Isang tingin pa lang sa kanya ay malalaman mo ng pala labas nito sa gym e. Hakab sa malapad nitong dibdib at seksing puwitan. Damn it! Pinikit ko agad ang mga mata kong pakiramdam ko ay nagkakasala na. At teka, paano siya napadpad dito? Naalala pa niya kaya iyong titigan namin? Sana ay hindi dahil ngayon pa lang gusto ko nang kumaripas ng takbo!
“One sliced of Mango Graham Cake please..” Parang nanuyot pa ang lalamunan ko ng marinig ang boses niya. Mababa at baritono. Bagay na bagay sa kanya.
“O-Okay Sir. Dine in or take out sir?” I was even stuttering! Oh, damn.
Tumaas ang gilid ng labi nito. “Dine in. And add one green tea please, Thanks.” Sabay abot niya ng bayad.
“Iseserve na lang po Sir.”
He almost smiled. “Okay, thank you.”
Habang kinukuha ko ang order niya ay hindi ko maiwasang tingnan pa rin ang kapitbahay ko. Maging ang ilang babaeng kumakain ay tinitingnan na din siya. Nag-angat siya ng tingin sa’kin kaya nagulat ako, para akong napapasong nag-iwas agad ng tingin sa kanya. s**t naman Jam, Umayos ka!
Inilagay ko sa tray ang cake at tea niya at dahil nagdedeliver pa ang nag-iisang tauhan namin ay ako na ang kailangang magserve nito sa kanya. Pumintig ang puso ko, maisip ko pa lang na lalapit ako sa kanya parang maaalala niya kung sino ako. Busy siya sa pagtingin sa phone niya nang nilapitan ko siya, kaya tumukhim muna ako.
Nag-angat siya ng tingin sa’kin. He smiled. Pumintig na naman ang puso ko. “Mango Graham cake and green tea Sir.” I almost stutter. At buti na lang ay hindi nanginig ang boses ko.
“Salamat.” He said. Tiningnan niya ako pero panandalian ko lang siyang tiningnan dahil hindi ko kaya. Pakiramdam ko malulunod ako kapag nagtagal ang mga mata namin sa isa't isa na kahit ilang segundo lang.
Pagkalapag ko ng pagkain niya ay umalis na ko agad. Hindi naman ako ganito sa mga customer namin e. Minsan chinichika ko pa sila kung ano’ng masasabi nila sa cakes namin. Pero sa kanya, talagang nilayasan ko kaagad.
Pagdating sa pwesto ko ay hindi na ko halos mapakali dahil napapatingin ako sa kanya. Tumigil yata ang oras dahil parang ang tagal niyang kumain. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin din sa’kin, kapalit no’n ay parang hinahalukay ang tiyan ko. Abnormal na yata ako. Buti na lang at maraming customer ngayon at naglilista pa ako ng mga order online.
Binubusisi ko ang ilang orders ng may magsalita sa gilid ko. “Miss..” Baritonong boses niya.
Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Kumalabog na naman ang dibdib ko dahil dinudungaw niya ako mula sa counter. Tumikhim ako at inayos ang postura. “Yes, Sir. Do you need anything?” Tumayo pa ko.
Ngumiti siya. “Gusto ko sanang bumili ng isang buong cake ng kinain ko kanina, may available pa ba kayo?”
“Ah, Check ko lang po sa fridge Sir.” Mabilis akong pumasok sa loob at tinungo ang fridge. Muntik ko pang hindi makita ang flavor ng cake na kinain niya. Kinuha ko iyon at inilabas. Pagkalabas ako at naabutan kong nakalakipkip na naman siya at nakanguso. Tumuwid lang ng tayo nang makita ako. Nilapag ko sa harap niya ang cake na gusto niya. “Last one sir. Ibalot ko na ba?”
Tumango lang siya sa akin ng hindi binababa ang tingin sa cake. “Yes, please.” Kinuha ko ang cake at dinala sa likod para i-box. But I felt heat at my back. Para bang tinititigan ako habang nakatalikod. Kaya halos manginig ang mga kamay ko sa pagriribon ng box. Pumikit ako at nag-concentrate sa trabaho. Pagharap ko sa kanya ay naabutan kong seryoso ang mukha nito.
Kumunot ang noo ko. Nagbayad siya at umalis na ng shop. Hindi ko natanggal ang tingin ko sa likod niya habang papaalis siya. Even his sexy back was so attractive. Nawala lang ang tingin ko sa kanya ng lumapit ang customer na lalaki at umorder din ng isang buong cake. Pagkaalis ng customer ay siya namang tunog ng cellphone ko. Nagtext na naman si unknown number.
+639751433000: Mas maganda ka pala sa malapitan, Jam July.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Iilan na lang ang customer at puro mga estudyanteng babae pa. Kinilibutan ako. Ibig sabihin nanggaling dito ang unknown texter ko? Malinaw sa message niya. I felt goosebumps when he wrote my name. Halos hindi ko na nakalimutan ang text na ‘yon kanina. Kahit nang nasa bahay na ko at iyon pa rin ang gumugulo sa isip ko. Inisip ko pa nga isa-isa ang mga customer namin. Wala pa naman kaming mga CCTV camera para mareview ko ang mga kahinahinalang customer kanina. Kailangan kong magdoble ingat at baka masalisihan ako.
KINABUKASAN ay nagising ako sa malalakas at malalanding tawa ni Susan. Pati ang mga hagikgikan ng kambal ay naririnig ko. Tiningnan ko ang wallclock at nakita kong ala-sais y medya pa lang ng umaga. Tumayo ako at naghilamos lang. Lumabas ako ng kwarto ng hindi tinitingnan ang itsura ko sa salamin. Ni hindi pa nga ako nagbabra. Dahil alam ko namang sina Aaliyah at Susan lang ang nasa baba. Makapal naman ang T-shirt ko kaya hindi rin naman mapapansin ng kambal. Natutulog akong nakasuot ng short shorts at malaking tshirt at braless para kumportable. Sa hagdanan pa lang ay naririnig ko na ang tawa ni Susan mula sa kusina. Nang lingunin ko ang labas ay nakita kong naglalaro ang kambal kasama ang Mommy nila.
Nakatayo si Susan sa tabi ng lamesa habang nakatungo sa ilalim ng lababo. “Goodmorning Susan..” Inaantok ko pang sabi. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig.
“Goodmorning din ate Jam! Almusal ka na.” Maligayang-maligaya niyang sabi sa akin.
Tumango ako sa kanya at saka humarap. “Mamaya na. Sinong kausap mo diyan?” Lumapit pa ako ng kaunti para silipin ang tila may nagkukumpuni doon, pero napatalon ako sa gulat ng biglang tumayo ang lalaki mula doon kaya naman natapon sa dibdib ko ang tubig sa baso ko.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin. “Morning po!” Ayan na naman ang baritono niyang boses. Medyo basa rin ng pawis ang balikat at dibdib niya.
Naestatwa ako. Bakit siya nandito?
“Ate, barado kasi ang lababo natin. E, sakto namang ang mabait nating kapitbahay ay marunong gumawa, kaya nagpresinta si Koya Dale.” Humagikgik pa siya pagkatapos. Napaawang ang labi ko. Para akong natuklaw ng ahas. Lalo na ng humakbang ito papalapit sa akin at naglahad ng kamay.
“Hi Jam, Dale Montejo..Ako iyong bago diyan sa harap niyo.” Pakilala niya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad sa akin at sa gwapo niyang mukha. Kumunot ang noo niya. Ilang segundo pa ang lumipas at saka ko lang inabot ang kamay niya. Nakangiti siya pero naramdaman ko ang higpit ng hawak niya at bahagyang pagpisil sa kamay ko.
“J-Jam July.” Tanging nasabi ko.
Ngumisi siya at umigting ang panga. “Nice to meet you Jam July..” Tila kakaibang hagod ang naramdaman ko ng sabihin niya ang pangalan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa at pabalik. Ngunit mas umigting ang panga niya kasabay ng paggalaw ng adams apple niya ng magawi ang mata niya sa aking dibdib. s**t!
Basa ang damit ko at wala akong bra!
Uminit ang mukha ko ng dahil sa pakiramdam ko ay nasilayan niya ang dibdib ko. Awtomatikong pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko. Halos sumabog ang mukha ko sa hiya! “Aakyat lang muna ako sa taas!” Sabay talakod sa kanila. Pagpasok ko sa kwarto ay halos pagsasampalin ko ang aking mukha para maibsan ang kahihiyan. Pero wa-epek! Inipit ko na lang ang mukha ko sa unan at impit na tumili. Pakiramdam ko napagsamantalahan na ko kanina. Bakit ba kasi ang aga-aga nandito siya? Okay lang sana kung tulo-laway ako kaysa halos makita na niya ang kaluluwa ko! Paano kung iniimagine niya ang bakat kong dibdib? s**t! s**t! s**t!
SIMULA ng araw na iyon ay iniiwasan ko talagang magkrus ang landas namin ni Dale Montejo. Even his name suits his sexy ass, dammit! Ang sabi ni Susan ay madalas ay nagja-jogging sa umaga si Dale. Minsan ko na siyang nakita sa terrace no’n kaya alam ko na ang oras na iiwasan ko sa umaga. Nasa bakeshop ako hanggang alasyete. Sabay kaming uuwi ni Aaliyah. Wala naman siya ng ganoong oras dahil parang wala siya sa bahay niya.
Kulang tatlong linggo ang lumipas ng huli kong nasilayan si Dale, at kahit papaano ay nalusaw na ang hiya ko. May kaunting pag-iinit sa mukha ko pero tolerable na naman din. Ngunit kapag kakain at bibili siya sa bakeshop ay todo-iwas pa rin ako. Binibigay ko kay Greg ang kaha at magkukunwaring magpupunas ako ng mga mesa o magkakalikot sa laptop. Sila lang naman ni Susan ang close at hindi kami pero ramdam ko ang paninitig niya palagi. I just shrugged off my shoulders and dismiss his blank stares.
Saturday night. Nagkakape ako sa terrace at nag-oonline ng makita ko ang paghinto ng isang mamahaling motorsiklo sa katapat na bahay. Napanguso ako. Hindi naman ako maalam sa mga motor pero mahahalata namang mamahalin ang isang iyon. Malaki at agaw-pansin ang porma. Nagtanggal ng helmet ang lalaki at mas lalong kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong si Dale pala ‘yon. May ilang taong napadaan at nakipag-apir sa kanya. Sikat? Pagkatapos ay binuksan ang gate para ipasok ang maporma niyang motor sa likod ng isa pang sasakyan.
Ano kayang trabaho nito? Nagko-call center? Broker? Manager? Para kasing big time.
Nang mawala siya ay nagfacebook na lang ako ulit. Ini-upload ko sa f*******: page ng bakeshop ang mga nadeliver naming cakes. Parami ng parami ang nagpapagawa ng cakes namin. Nakakatuwa. Bumukas ang ilaw sa katapat kong bintana. Napatingin ako doon. Nakabukas ang bintana kaya nakita ko kaagad ang bulto ni Dale. Nanlaki ang mga mata ko ng maghubad ito ng pang-itaas. Nakatalikod siya sa akin pero nasa tapat naman siya ng bintana. What the? Hinubad niya ng tuluyan ang puting T-shirt na suot! Napainom ako ng kape sa bilis ng t***k ng puso ko. Dahil ang kapitbahay kong hot ay half-naked na sa bintana niya! Kumuha ito ng damit at pumasok sa banyo. s**t. Pinagpawisan ako ng malapot at nagpaypay ako gamit ang ilang papel.
His sexy back, his broad shoulders, his waist, his..shit! Kapag bumalik siya at nakahubad pa rin ay papasok na ko sa loob!
Pinagpatuloy ko na lang pag-online. Nalibang ako at nakalimutan panandalian ang nakaka-stress kong kapitbahay. Nakikipagchat na rin ako sa mga malalapit kong kaibigan. Kung ano-anong kwentuhan ang ginawa namin hanggang sa makita ko sa newsfeed ang bagong post ni Russel. He posted a photo of a luggage. With a caption, 'I’m ready, hon!'
May kung ano’ng kumirot sa dibdib ko. Akala ko immune na ko sa sakit pero hindi pa pala. He haven't talk to me until now. Sobrang busy pala niya sa pagsunod kay Joan sa Dubai. Hindi ako naglike o nagcomment man lang sa post niya. Nawalan ako ng ganang magsocial media dahil sa post niya kaya nicheck ko na lang ulit ang e-mail ko para sa mga nag-iinquire. Ilang sandali pa ay nagring ang phone ko.
+639751433000 calling...
Kinabahan ako no’ng una pero naisip ko dapat na talagang kausapin itong unknown texter ko para matauhan. “Hoy! Kung sino ka mang impakto ka, tantanan mo na ko a! H’wag na H’wag ka nang magtetext sa akin kung hindi ipapatrace kita! May boyfriend ako at kapitbahay ko lang kaya kapag hindi ka tumigil isusumbong kita talaga!” Sigaw ko sa linya. Hindi ko na naisip pa ang mga sinabi ko bago sabihin.
Ilang segundong tahimik lang ang nasa linya. Kumunot ang noo ko.
Magsasalita sana ako ulit ng bigla itong sumagot. “Hi Jam. It’s Dale. ‘yong bago mong kapitbahay. Tingin ka sa harap.” Tumingin ako sa harap ko at saka ko muling nakita sa kabilang terrace din si Dale at nakatingin sa akin. Napaawang ang labi ko, daig ko pa ang nakakita ng maligno.