KUNG ano’ng excited kong mag-ayos at maghanda dahil niyaya niya kong lumabas, siya namang tamlay ko sa loob ng sasakyan niya ng malaman ko kung saan kami pupunta. Linggo pa naman ngayon at sana pala ay nagpaiwan na lang ako sa bahay para makipaglaro sa mga inaanak ko. But here I am now, Russel dragged me out para lang pumunta sa bahay ng girlfriend niya. Tulungan ko daw siya para makipagbati ito sa kanya. Sus.
“Are you thinking kung ano’ng sasabihin mo sa kanya, Jam?” Tanong niya habang nagda-drive. Sa labas lang ako nakatingin dahil nagcocontemplate pa ko sa sarili ko kung paano ko ipapaintindi na ginagawa ko dahil bestfriend ko siya at tangina mahal ko siya. Pinapatay ko rin ang kamalayan ko sa pagiging martyr at baka ipabaril pa ko.
“Oo. Sira ulo ka kasi.” Bulong ko pero alam kong narinig niya iyon kaya narinig kong tumawa siya.
“That’s the reason why I love you!” Natigilan ako. I love you raw? Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi siya habang nagmamaneho. Tama ba ang dinig ko? Mahal niya raw ako? Biglang nabuhay ang natutulog kong kaibuturan sa loob-loob ko.
“I’m so lucky having a bestfriend like you Jam. That’s why I love you! Sino pa bang malalapitan ko para bumalik sa’kin ang babaeng pinakamamahal ko? E’di ang bestfriend kong maganda! Naks! O, kotang-kota ka na sa’kin kaya galingan mo mamaya ha? Love you.” He said while pouting his lips at me. Imbes na matuwa ako ay nabwisit lang ako lalo. Humalukipkip ako at timingin na lang ulit sa labas
“Ewan ko sa’yo! Basta last na ‘to a. Kapag nakipagbreak ulit sa’yo yan tantanan mo na o ikaw ang gumawa ng paraan.”
“Opo! Promise. I will never let her go. I swear. Basta galingan mo arte mo?” Tumango na lang ako bilang sagot. Ito lang talaga ang role ko sa kanya.
Kaibigan. Kung ano’ng saya niya ngayon, siya ring pagkawasak ko. How I ended up like this? I am burning inside. I will be stuck as his bestfriend forever.
May kausap siya sa phone nang marinig kong tumunog din ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko na naman ang pamilyar na unregistered number. Another mysterious text.
+6309751433000: Goodmorning! Have a blast day ahead. Dreamed of you last night.
Nagtayuan yata ang balahibo ko sa batok at kinilibutan. Ano ba ‘to, stalker? He dreamed of me daw, e’di kilala niya ko at nakita na niya ko? Hindi ko tuloy maiwasang matakot sa taong ito.
Ako: Who are you?
Hininto ni Russel ang sasakyan sa harap ng isang flower shop. I almost rolled my eyes at him. Taktiko nga naman ng mga lalaki. Pero, deep inside, pinangarap ko ding bigyan niya ko niyan. “Ako na lang ang bababa. Hintayin mo na lang ako dito!” Aniya. Tumango na lang ako sa kanya. Wala rin naman ako sa mood at baka utusan pa niya kong ipili ang girlfriend niya ng bulaklak. My attention suddenly caught by hearing my phone's message tone. Nagreply si unknown number.
+6309751433000: I’m your admirer.
Okay. Hindi ako interisadong makipaglokohan o makipagtextmate sa taong ‘di ko personal na kilala. Hindi ko gawain iyan. Siguro dati naengganyo ako pero natauhan naman na ako ngayon dahil nabatid kong walang matinong tao ang manliligaw sa text lang. Walang feelings ang nabubuo sa kakapindot sa cellphone. Kaya nga takang-taka ako kung bakit may mga nagpapaligaw sa text e. Puro pabebe lang naman ang mga iyon pero walang mukhang maihaharap kapag nakipagmeet na. It is too risky. Iyong iba nga, face to face na hindi pa mapansin e, itong text-text pa. I’m not against to this, but I’m not a pro either. Halos kinse minuto ang tinagal ni Russel sa loob ng flower shop bago siya bumalik. Isang malaking bouquet ng red roses ang binili niya.
“Mukhang mahihirapang alagaan ni Joan ito ah. Ang galante..” Tudyo ko. Ang swerte mo Joan sa Russel ko, bwiset.
“Okay lang na hindi niya pagtuonan ng pansin ang pag-aalaga diyan. Tutal, materyal lang naman ‘yan. Ang gusto ko lang, maintindihan niya ang kung gaano ko siya kagusto sa tabi ko.” Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata niya. Those deep brown eyes that I admired discreetly, it was misty and emotional right now. He must be..He must be really serious about Joan. At iyon na yata ang pinakamasakit na reyalidad kaysa sa nalaman kong bakla pala ang unang naging crush ko. s**t. Parang tinarak ang puso ko habang inaalala ko ang mga mata niya.
Sa byahe ay panay ang daldal niya, pati iyong pagkapanalo ng paborito niyang NBA player na si Lebron ay kinuwento pa niya sa’kin. Wala pa naman akong kahilig-hilig sa basketball maliban sa Gilas.
Hanggang kailan pa kaya ako magiging ganito? Paano ba nagsimula? Hindi ko alam. Basta isang araw, nagising ako at nang makita ko siya ay mahal ko na. Naalala ko pa iyong sinabi sa’kin ng kaklase nu'ng college. ”Walang mag bestfriend na lalaki at babae ang hindi nagkakainlove-an.” Pwera na lang siguro kung bakla o tomboy ang isa sa kanila. Pero sa kaso ko, may mahal na siyang iba.
PANGALAWANG doorbell at saka bumukas ang gate ng bahay ni Joan.
“Jam? Kamusta? Napadalaw ka..” Nakangiting bati sa’kin. Hindi pa ako nakakapagsalita ng tingnan niya ang nasa likuran ko. Doon nagbago ang itsura niya, nawala ang ngiti niya.
Joan is beautiful. She has a body to die for. Mala- modelo ang katawan niya na pwede ring ipanlaban sa Binibining Pilipinas. Kapag nasa bahay nga ako at nagsasalamin. Sinisipat ko ang mga binti ko at tsinecheck kung madadaan pa sa cherifer e.
Humalikipkip siya at tiningnan ng masama si Russel. “At ano’ng ginagawa dito ng hinayupak mong bestfriend? Naku a, Jam kung nagpunta kayo dito para gamitin ka niya sa’kin, nagsasayang lang kayo ng oras niyo. Pupunta pa rin ako sa Dubai sa ayaw o sa gusto ng bestfriend mong sira ulo!” Sabi niya sabay irap kay Russel.
“Joan sweetie..Please pakingggan mo naman muna ako. I’m so sorry, patawarin mo na ko.” Pagsusumamo ni Russel na parang bata. Hawak-hawak. ang bulaklak na ayaw namang tanggapin ng nobya.
“Paano ako makikinig sa’yo kung ako nga pinagsasarahan mo ng tainga mo! Ayaw mo kasing lawakan iyang pag-iisip mo Russel!” Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag na naman ako pumunta dito. Para akong saksi sa dalawang taong nagsasabong, and watching Russel begging for her..para akong dinudurog.
Napalunok ako at tumikhim. Huling beses ko na talagang gagawin ito para sa’yo Russel. “Joan, hear us first, please?” Malumanay kong sabi. Ilang segundo pa ay niluwagan niya ang gate at pinapasok kami.
“Sweetie, patawarin mo na ko. Hindi ko sinasadya na mag-away tayo. Alam mo namang ayokong nalalayo ka sa’kin ‘di ba? Kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ko ng sinabi mo sa’kin ‘yang tungkol sa Dubai. You can’t blame me, I want you to stay..”
“Pero sana intindihin mo rin ang mga pangarap ko Russel. Hindi lang sa’yo umiikot ang mundo ko at mayroon akong gustong marating. Opportunity itong natanggap ko at makakatulong sa pamilya ko. I can’t blame you, yes! Because You’re my boyfriend. But I want you to understand what I wanted to do. I love you but...”
Parehong nagtitigan lang ang dalawa. Nakita ko ang sakit sa mukha ni Russel. Alam ko na wala talagang makapipigil sa pag-alis ni Joan. Hindi rin siya sumagot sa sinabi ng girlfriend niya. Para bang iyon na ang katapusan niya. “He’s willing to wait, Joan.” Ako na ang sumagot para sa kanya. Dahil parang nanigas na siya sa kinauupuan niya. Alam kong nawawalan na ng pag-asa si Russel. Dahil hindi niya makuha ang gusto niya. Napatingin sa’kin si Joan. Tulad niya, malamlam na rin ang mga mata niya. Pareho silang nasasaktan at sana hindi nila makita ang nilalaman ng mga mata ko.
I swallowed. Bahagya akong ngumiti kahit na kumikirot at mabigat ang dibdib ko. “He loves you so much Joan. Kung ang pag-alis mo ang magpapaligaya sa’yo, handa siyang maghintay sa pagbabalik mo. Kilalang-kilala ko iyang lalaking iyan. Hirap lang iyan tanggapin ang desisyon mo pero deep inside, walang gagawin iyan kundi ang hintayin ka.” Iyon din ang ginagawa ko sa kanya.
“Pero..taon ang aabutin ko doon. Okay lang ba iyon sa’yo?” Tanong niya kay Russel na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukurap sa katititig kay Joan.
“Susunod ako sa’yo doon.” He stated.
Halos sabay kaming napabaling at nanlaki ang mga mata kay Russel. What? Pati siya aalis na rin? Bakit ‘di niya binanggit sa’kin? Plano niya ba ito o biglaan lang? Parang nalipat sa’kin iyong sakit na naramdaman niya. Naiiyak ako pero kailangan kong pigilan para hindi sila makahalata.
“Baby..” Tawag ni Joan. Bumaba ang mga mata ko sa mga kamay nila nang abutin ito ni Russel at masuyong hinalikan. Lumandas ang luha sa pisngi ni Joan. At nang makita ito ni Russel ay agad niyang pinunasan. Nag-iwas ako ng tingin. Parang may mga batong nakaharang sa aking lalamunan. Walang patutunguhan pa ito.
Aalis na siya. Iiwan na niya ko. Ha! Akala mo naman ako ang girlfriend kung makapag-isip. I heaved out a deep sigh. What else can I do now? Wala. At dahil sa pakiramdam ko ay okay na sila at kailangan na ng quality time, tumayo na ko at tinapik na lang sa balikat si Russel. Hindi naman niya ko nilingon dahil ang buong atensyon niya ay nasa kanyang girlfriend. Lumabas na ko at nagpasyang umuwi na lang. Masyado pang maaga para magluksa at ayokong masayang ang linggo ko dahil sa heartbroken na naman ako with the same man. How's that? Dahil hindi na niya ko maihahatid ay tumungo na lang ako sa sakayan ng bus. Uulitin ko na lang ulit ang ginawa ko dati.
Ang mag-move. Kahit na walang nakakaalam ng pighati ko. Wala naman akong pinagsasabihan tungkol sa nararamdaman ko kay Russel. He’s only my bestfriend even kay Aaliyah. Pero ewan ko doon.
Minsan kapag nasa bahay si Russel ay iba ang tingin niya sa’kin. Ewan! I trust her naman.
Halos antukin ako sa byahe dahil sa mga love songs na pinatutugtog. Gumalaw lang ako ng tumunog ang message alert tone ng phone ko.
+639751433000: Hi..
I furrowed my brows. Siya na naman. Sino ba ‘tong anonymous texter ko.
Ako: Who are you? Bakit ba text ka ng text? Wala ka bang magawa mo sa buhay mo?
I didn’t mean to be mad or ruthless, pero baka mamaya mang-gagantyo lang ‘yan.
My phone beeped again.
+639751433000: Woah! Wait there, are you mad? I’m just trying to be friendly. Just asking for a chance? Can we?
Napaismid ako. Naramdaman ko kasi ang pagiging edukado nitong tao.
Ako: Sino ka? Paano mo nakuha ang numero ko? Bakit ka nakikipagkaibigan sa text? Kilala ba kita? Taga-saan ka? Ano’ng trabaho mo? Wala ka bang kaibigan?
Sent.
+6396751433000: Isa-isa lang sweetheart, mahina ang kalaban. I can’t tell you where I got You’re number dahil nangako ako sa kanya. I kept my promises. But I do know you.
Nanindig ang balahibo ko ng tinawag niya akong sweetheart. What the? May endearment agad-agad? Ang creepy na niya at kilala pa niya ko? Naku ha! Baka stalker ko na ‘to.
Ako: Ang creepy mo, baliw ka ba?
Pagminamalas ka nga naman, brokenhearted ka na nga, nakatagpo ka pa ng isang baliw! Ano ba naman ‘yan o.
+639751433000: Ouch! Ang sakit naman no’n. Iba pala ang dating ko sa’yo. Pero ang cute mo. Kanina pa nga kita gustong makita.
Namilog ang mga mata ko pagkabasa ng huling text niya. Saan? s**t! Baka may binabalak na ‘tong masama sa’kin a!
Ako: Hoy Mister Stalker-manyak! Tantanan mo ko! Hindi ko ibibigay ang puri ko sa’yo! May boyfriend na ko at kapag sinumbong kita do’n tapos na ang maliligayang araw mo! Matakot ka na!
Pinagbubura ko rin ang mga text niya dahil talagang natatakot na ako. Saan kaya niya ako hinihintay? Sa bakeshop? Sa bahay? Inisip kong maigi. Kung sa bakeshop, hindi ko kasi masyadong kilala ang mga tao sa paligid doon. Bukod sa mga suki namin at dayo. Kung sa bahay naman..kilala ko ang mga kapitbahay namin. Ultimo si Kapitan ay kilala namin. So malabong may stalker ako doon. Kaya malamang sa bakeshop iyon naghihintay at mas madalas ako doon. Pumara ako at bumaba sa bus. Sumakay na ko ng tricycle para makauwi sa bahay. Naging palatingin din ako sa kalsada at baka may kahina-hinala akong mapansin. Malapit na ko sa bahay nu'ng nagtext na naman siya.
+639751433000: Akala ko single ka? Sabi niya single ka.
Binura ko ulit ang text niya. Hindi na ko nagreply para matigil na siya. Tinago ko na ang phone ko at pumara sa tapat ng bahay.