Temptation 2 √

3989 Words
MANILA, PHILIPPINES "DIYOS KO! EMILY, anak, ikaw ba 'yan...?" luhaang wika ni Mauricio nang makita ang nag-iisang anak na babae. Kakarating lang ni Emily sa Pilipinas. At wala siyang pinagsabihan ni isa man na uuwi siya pagkalipas ng apat na taon. Gusto niyang masurpresa ang pamilya. Naging emosyonal naman si Emily at napaluha. "Opo, papang. Ako ho ito..." tumakbo siya papunta sa ama at niyakap ito ng mahigpit. Hindi naman makapaniwala si Mauricio na nahahawakan na niya ngayon ang kinapapanabikang anak na babae. "Masaya ako't naalala mo kaming dalawin dito. Sobrang miss na miss ka na namin, anak..." nagpahid ng luha ang ama ni Emily pagkasabi n'yon. "Oo nga pala. Bakit ikaw lang? Nasaan ang asawa mo?" nagtatakang tanong nito. Hindi malaman ni Emily ang sasabihin. Alam niyang magagalit sakaniya ang magulang kapag pinaalam niyang iniwan na niya ang asawa. Matibay kasi ang paniniwala ng mga ito na ang mag-asawa ay hindi dapat nagbubuklod at inaayos ang problema. Pero ayaw naman niyang magsinungaling sa pamilya. Tama na ang panahong tinikis niya ang mga ito para sa pagmamahal niya kay Cruz. "N-Naghiwalay na kami, papang. H-Hindi na ako babalik doon. Kaya naman permanente na ako rito sa Pilipinas..." Natigilan naman ang ama at nanlalaki ang mga mata. Kumibot kibot ang labi nito, tanda nang may gustong sabihin pero hindi na lamang nagsalita. Minabuti na lamang ng matandang lalaki na tanungin ang anak sa mga susunod na araw, dahil nakatitiyak itong napagod ang anak sa mahabang biyahe mula Germany hanggang Pilipinas. Umuwi si Emily sa Pilipinas na walang mga kasagutan ang kanyang katanungan. Dahil wala namang sinabi sakaniya ang asawa. At parang wal naman itong pakialam kahit iiwan na niya ito. Hindi man lang siya nito pinigilan at tinanong kung ano ang balak niya sa kanilang relasyon. Pero ngayon ay parang ayaw na niya nga talagang malaman ang isasagot nito. Dahil tiyak niyang masasaktan lamang siya kapag narinig ang isasagot nito. Alam naman kasi niyang kung mahal at importante siya rito ay hindi nito hahayaan maghiwalay sila. Pero sa nakikita niya, approve pa rito kung tuluyan na silang mag kanya-kanyang buhay. Mahal na mahal niya si Cruz. Alam niya 'yon sa sarili niya. Pero tama nga ang kasabihang sometimes, love just ain't enough. May mga bagay na mas importante pa kaysa sa terminong pag-ibig. At gaano man kamahal ni Emily ang asawa ay alam na niya kung kailan dapat nang sumuko. Hindi purque mahal niya ito ay hahayaan niyang ganito na lamang ang trato nito sakaniya o magtiis sa kakarampot na atensyong ibinibigay nito sakaniya. Hindi niya deserve 'yon. Deserve niya ring pahalagahan, i-pamper at mahalin... mga bagay na hindi niya naranasan sa pagsasama nila ni Cruz. Madalas kasi siya ang give ng give, never siyang nag-take sa relasyon nila. "Ayaw kong sumabatan ka sa desisyon mo, pero paguusapan din natin 'yan sa mga susunod na araw," ani ng Papang niya. Napangiti si Emily. Napakaunderstanding talaga ng magulang niya, kaya nagsisisi siyang pinagpalit niya ang mga ito kay Cruz. "Thank you, papang..." Niyakap siya nito ng mahigpit. "You're always welcome, my princess." "Sana naman this time anak, makapiling ka namin ng matagal. Natatakot akong pag gising ko wala ka nanaman. Lagi kaming nangungulila sa'yo kahit sabihin mong nagvi-videocall tayo. Iba pa rin kapag personal ka naming kasama..." lumabi ang ama niya. Parang nilamutak ang puso ni Emily sa nakitang sakit na dinudulot niya sa magulang. Ngayon niya lang na-realize 'yon. Dahil noon, walang ibang importante sakaniya kundi makapiling ang asawa. "Nangangako ako, papang. Makakasama niyo po ako ng matagal. Hinding hindi na po tayo maghihiwalay..." tila salita sa hangin na lamang ang huling sinabi niya. "Siya nga pala anak, baka lang magulat ka, ha? Simula noong inatake sa puso ang mommy mo ay hindi na ako masyadong naging tutok sa kompanya natin. Mas gusto ko kasing alagaan siya. Aanuhin ko ang kompanya at yaman, kung ang sarili kong asawa ay hindi ko maalagaan?" ani papang niya. Tinamaan doon si Emily. Magkaibang magkaiba nga ang kanyang asawa sa papang niya. Ang papang niya ay kayang isuko ang responsibilidad at kompanya nito para lamang sa kalusugan ng kanyang ina. Samantalang ang asawa niya, nagkamatayan na lahat ng alaga nilang hayop at sariling anak, trabaho pa rin nito ang importante rito. Wala itong realisasyon! Kaya naman mas naghimagsik ang kalooban niya at naisip na tama lang ang desisyon iniwan ito. "Kung ganoon ho, sino ho ang nangangalaga ngayon ng kompanya?" takang tanong niya. Natitiyak niyang hindi ang mga kapatid na si Emira at Emiko ang mangangalaga ng mga iyon. Isang bokalista ng banda si Emiko at si Emira naman ay isang model at sumasali sa mga beauty pageants. Malabo sa dalawa ang humawak ng kompanya nila. Wala itong mga interest doon. Nagningning ang mga mata ng ama niya. "Wala kang dapat ikabahala, Emily. Kahit hindi na ako masyadong tutok sa kompanya gawa ng karamdaman ng ina mo'y alam kong nasa mabuting kamay ito. Si Dante ang pansamantalang nangangalaga nito at siya'y tinalaga kong temporary CEO... parehas dalaga pa ang iyong mga kapatid. At natitiyak kong hindi rin naman tatanggapin ng asawa mo na pangalagaan ang kompanya natin." Sa pangalang binanggit ng ama ay hindi naiwasan hindi ma-excite ni Emily. Ang tinutukoy nitong Dante ay ang kababata niya o mas magandang tawaging kapit-bahay nila. Hindi niya ito ka-edad at ang talagang magkakabata ay ito at ang kanyang Ate Emira. Magkaklase ang dalawa at inakala nga nilang magnobyo noon. Madalas naroroon ang lalaki noon sa bahay nila, mag best-friends kasi ang dalawa. Pero nang magkaroon ng nobyo ang ate niya, ay nalaman nilang hanggang magkaibigan nga lang talaga ang mga ito. Napangiti pa si Emily nang maalala ang itsura ni Dante. Naging crush niya ito noon. Kasi naman ay total opposite ito ng mga lalaking bida sa mga sinusulat niyang nobela. Isa siyang romance writer. At si Dante ang lalaking madedepina na ruggedly handsome. Ito ang klase ng lalaki na walang kaarte-arte sa katawan at nababagay mangalaga ng isang rancho. Tall, dark and handsome! Namiss niya rin ito. Naging mabait naman kasi ito sakaniya at naging close sila. Hindi niya naiwasan hindi usisian ang ama. "Kamusta na nga pala si Dante, papang? May asawa't anak na ba siya?" Natawa naman ang ama. "Si Dante? Naku! Wala. Single na single. Ewan ko nga ba r'yan sa batang 'yun. Wala yatang balak mag-asawa. Simula nang mamatay ang kapatid na si Dandre ay naging seryoso na. Paano ba naman, naiwan sakaniyang pangangalaga ang kambal na anak nito." Nanlaki ang mga mata niya. "Ho?! Patay na si Kuya Dandre?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Oo. Isang car-accident. Kasama ng asawa niyang Arlene. Pasalamat at hindi kasama ang dalawang kambal ng gabing iyon. Kaya naman naging instant daddy itong si Dante." May kung anong kamay ang humaplos sa puso ni Emily sa narinig na iyon. "Well, umaasa akong isa siyang responsableng ama," nagpapatawang sabi niya. "Of course, I am. I'm a great father of the twins, Emily." isang baritonong boses ang sumagot sakaniya. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Emily at napalingon sa may-ari ng boses na iyon. Hindi siya makapaniwalang sobrang laki ng ipinagbago ni Dante. Oo alam niyang magandang lalaki ito, pero may kakaiba rito... basta! Hindi niya ma-i-explain. "Dante!" tili niya. "Oh my gosh! Fatherhood suits you!" totoong sabi niya. Hindi ito mukhang stress na tatay. Katunayan, he looks hotter. Napangisi ito at ibinigay sakaniya ang nakakalokong ngiti nito na ginagamit nito sa mga kababaihan. "Thanks, Emily. I'll take that as compliment. Welcome home, after four years..." Binuka nito ang dalawang braso na parang nagaanyayang yumakap siya. Hindi naman na siya nag-inarte at sinugod ito ng yakap. Natutuwang tiningala niya ito. "Thank you, Dante. Yes, I'm home at last..." Sinuklian siya nito ng mahigpit na yakap. "Yeah... finally, you're at... home," mahinang sabi nito. Isiniksik ni Emily ang sarili sa binata. Sa piling ng mga malalapit niya sa buhay, pakiramdam niya ay babalik na ang lahat sa dati. Ito lang naman ang gusto niya, ang maging masaya, payapa at kumportableng buhay. Hindi niya kailangan ng kayamanan... ~ MULA SA MAHIMBING na tulog ni Emily ay nagising siya sa dahil may lumundo sa kama niya at dinaganan siya. Kaya naman kahit ang bigat bigat pa ng mga mata niya at may jetlag pa siya sa biyahe ay wala nang nagawa ang babae kundi pilitin ang sariling dumilat upang tignan kung sino man ang nangbubulabog sakaniya. Halos mapatili siya nang makitang dalawang batang babae ang ngayon dinudumog siya at balak yata siyang pisatin. Inakala niyang nanaginip pa rin siya kaya naman aligagang bumangon siya ng kama at tinawag ang kasambahay nila. "Didith!" sigaw niya sa kasambahay na matagal nang naninilbihan sakanila. Humahangos naman na dumating ito. "Kurutin mo nga ako," utos niya. "Po?" bakas ang kalituhan sa mukha nito. "Kurutin mo kako ako, nanaginip pa ba ako?" Natawa naman si Didith. "Ma'am, hindi po kayo nanaginip. Gising na gising na po kayo," Kumunot ang noo niya. "Kung gayon, sino ang dalawang batang 'yan at binulabog ang tulog ko? Dinaganan ako," sabay turo sa dalawang bata na nasa kama niya at nakatingin sakaniya. Hindi naman siya naiinis o nagagalit. Nagtataka lang talaga siya kung sino ang mga ito. Impossibleng anak ito ng mga kapatid niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Didith nang makita ang dalawang bata. "Naku, pasensiya ka na ma'am. Hindi namin napansing nakaakyat na pala rito ang makukulit na chikiting na ito..." naiiling na sabi nito. Napatango si Emily. "Kaninong anak 'yan? Huwag mo sabihing anak mo--" Natatawang iwinasiwas ni Didith ang kamay. "Si Ma'am naman patawa. Kutis palang, malayo nang maging ina nila ako. Baka kayo pwede pa. Hindi ko po sila anak. Anak po sila ni Sir Dante. Bago ho pumunta kasi o pumasok sa kompanya si Sir, lagi niyang iniiwan dito ang dalawang bata," Napa 'ahh' sa isip si Emily. So ito pala ang mga batang tinutukoy na anak ng kapatid ni Dante. Ang mga naulilang bata ni Kuya Dandre. "Bakit dito pa? I mean, wala ba siyang kinuhang yaya para sa mga bata? Kailan pa naghirap si Dante?" takang tanong niya. "Nakailang yaya na po si Sir Dante, ma'am. Kaso nadala na yata si sir. Paano, 'yung una, malikot ang kamay, nagnakaw sa bahay. 'Yung pangalawa naman, nagkagusto kay sir at hindi na maalagaan ang bata. Patay na patay kay sir! At heto namang pangatlo, inuuna pa ang pakikipagtext at pakikipag-phonepal sa boyfriend na kano, hindi inaalagaan ang mga bata, muntik nang malunod sa swimming pool. Kaya naman nagpasya ho ang magulang niyo ma'am na pwede namang sila na lang ang mag-alaga sa dalawang bata. At marami naman pong kasambahay dito," mahabang paliwanag nito. "Oh...kay," Tanging nasabi na lamang ni Emily at napatingin sa dalawang bata na sa tingin niya ay magta-tatlong taon na. Kahit ilang beses niyang sinabi sa sarili na huwag tumingin sa dalawang bata, hindi niya naman napigilan ang udyok ng isipan. Ayaw na niyang tumingin sa mga bata, dahil tuwing titingin siya sa mga ito ay naninikip ang dibdib niya at nakakaramdam ng ibayong sakit at pait doon. Palagi niyang naalala ang kanyang munting anghel na si Angelo. Ang anak niyang kay daling binawi ng panahon. At mali pa nga yata ang ginawa niyang pagtingin sa dalawang bata, dahil nang tumingin din ang mga ito sakaniya ay nakaramdam siya ng ibayong suntok sa puso. Pakiramdam niya'y may koneksyon din siya sa dalawang bata. Ngumiti ang dalawa at humagikgik. "Mama...!" sigaw ng mga ito at muling humagikgik. Nanlaki ang mga mata ni Didith. "Ma'am...! Tinawag ho kayo ng mga bata ng mommy. Nakakatuwa naman po," nagniningning ang mga matang sabi ng kasambahay. Pumasok si Didith sa loob ng kwarto niya at kinuha ang dalawang bilugin at siksik na mga batang babae. Nang magkatapat sila sa labas ng kwarto ay itinaas ng dalawang bata ang mga braso nito na parang gustong magpabuhat sakaniya. Hindi maiwasan ni Emily na manuyo ang lalamunan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Humihingi siya ng saklolo kay Didith kung ano ang dapat gawin. Ngunit bukod sa natutuwa ang mga mata ng bata at ni Didith, ang nakikita niya lang sa mga ito ay ang pag-asam na buhatin niya nga ang dalawang bata. Huminga ng malalim si Emily at wala namang masama kung gagawin niya ang sa tingin niya'y gusto ng mga ito. After all, wala namang kasalanan ang mga bata sakaniya para kaayawan o iwasan niya ang mga ito. Wala siyang dapat ikatakot. Alam niyang sariwa pa ang pagkamatay ng anak niyang si Angelo, pero alam niyang hindi rin matutuwa sakaniya ang anak kung magiging aloof siya sa ibang bata dahil lang sa natatakot siya muling ma-attach sa mga bata at iiwan din siya pagkatapos. Alam niyang dapat niyang matutunan mag move-on. Hindi man ngayon, bukas o sa isang linggo... but she knows, that someday... kailangan niya talagang mag-move on. Hindi naman ibig sabihin n'yon ay kalilimutan na niya ang namayapang anak. Kailangan niya lang magpatuloy mabuhay. Alam niyang iyon din ang nanaisin mangyari ng namatay na anak. Inabot ni Emily ang dalawang bata na kanina pang naghihintay na bigyan niya ng atensyon. Nangangatal pa ang mga labi niya at nanginginig pa siya habang binubuhat ang mga ito gamit ang tig-isang braso. Medyo may kabigatan ang mga ito, pero kaya naman niya. Nang ma-i-angat niya ang mga ito ay parang may mga isip itong sumubsob sa dibdib niya. Nakatingin lang sakanila si Didith. Sa pagkakataon na iyon, hindi naman maipaliwanag ni Emily ang nararamdaman. Emily felt their warmth. At bakit ang sarap sarap niyon sa pakiramdam? Nawala ang uneasiness niya kanina at tuluyan nang napanatag ang loob niya. Gusto niyang maiyak dahil pakiramdam niya ay naging ina ulit siya. Namiss niya ang pakiramdam na buhat buhat ang anak. At may taong nagpaparamdam na mahal at kailangan siya. Nag-init ang mga sulok ng mata niya. Ngunit pigil pigil niya ang sarili na huwag maiyak. Ayaw niyang mag-drama. Nagulat pa si Emily nang maya-maya ay mas naging emosyonal sakaniya si Didith. Nawala tuloy ang page-emote niya. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Parang naiiyak kana?" takang tanong niya sa kasambahay. Napangiti si Didith. "Pasensiya na, ma'am. Hindi ko maiwasan hindi maging emosyonal. Ang ganda niyo po kasing tignan. Para kayong mag-iina. At natutuwa po ako kahit papaano para kay Alessandra at Cassandra. Kasi ho, buwan pa lang sila noong mamatay ang totoong magulang nila. Kay aga nilang naulila sa magulang. Mabuti na lamang ho at nand'yan ang kanilang Tito Dante. Pero hindi naman din po naging madali kay sir ang lahat... lalo dahil wala naman pong alam si sir sa pagpapamilya at pag-aalaga ng bata. Napakalaki ng adjustment ng ginawa ni sir. Gayunman, napalaki niya pa rin naman po ng maayos ang kambal. Hindi na iyakin, at ngumingiti na rin. Hindi katulad dati... at nakakatuwa pong magaan ang loob sainyo ma'am. Kasi hindi 'yan sila basta basta lumalapit sa estranghero," Tumino sa isipan ni Emily ang pangalan ng kambal. Alessandra at Cassandra. Magandang pangalan. Bagay na bagay dahil sa napakagandang mukha ng mga bata. Hindi rin niya maiwasan ang hindi malungkot para sa sinapit ng dalawang bata. Sa tulad niyang isang ina, nakakalungkot isiping mas nauna pa ang kanyang anak mawala kaysa sakaniya. Ngunit, kung titignan naman niya ngayon ang sitwasyon ni Alessandra at Cassandra ay kawawa rin ang mga ito dahil sa sanggol pa lamang ang mga ito ay naulila na at hindi nabigyan ng pagkakataon makilala kung sino ang magulang nito. Suddenly, Emily's heart ache for them. Na para bang alam niya at naiintindihan niya ang klase ng sakit na 'yon kahit ngayon pa lamang niya nakita ang dalawang kambal. Nasasaktan siya ngayon hindi para sa sarili o kay Angelo, kundi para sa dalawang inosenteng kambal. Sabihin mang ngayon niya lang nakilala ang kambal ay kilala naman niya ang pamilya nito. Hindi sila naging close ng kapatid ni Dante na si Dandre, dahil malayo ang pagitan ng edad nito sakanilang magkakapatid. Gayunman, naging close ito sa ama niya dahil minsan ding nagkabusiness-partner ang dalawa. Kilala niya rin ang asawa ni Dandre bagamat hindi sila nagkaroon ng pagkakataon mag-usap. Pero sa nakikita naman niya noon, ay parehas mabait si Dandre at ang asawa nitong si Arlene. Wala itong kaaway at mabait na kapitbahay. Kaya sa tingin niya rin biglang nagbago ang image ni Dante dahil sa biglang pagkakaroon nito ng responsibilidad. Sino ba naman kasing hindi magbabago kung isang araw ay mamatayan ka ng kapatid. Si Dandre at Dante na lamang ang nag-iisa sa buhay. Patay na ang mga magulang nito. At heto pa, may bonus pang dalawang chikiting. Kahit yata sinong loko lokong lalaki ay mapapatino sa oras dahil may bata nang involved, at mga babae pa. Sa nakikita kasi ngayon ni Emily, si Dante ay larawan ng isang responsableng ama at tatay na tatay na talaga ang galawan. Hindi na ito binata kung mag-isip. Na parang asawa mo. Pamilyadong tao na, pero isip binata pa rin. Sabi ng isang bahagi ng utak niya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili sa mga iniisip. Hindi niya dapat ikompara si Dante at Cruz. Magkaiba naman ang mga ito. May mga katangian din naman ang kanyang asawa na tiyak niyang wala kay Dante. Sige, ipagtanggol mo pa ang asawa mo. Sabi ulit ng kontrabidang bahagi ng utak niya. Kaya siguro rin, tinanggap ni Dante ang pagiging temporary CEO dahil matured na ito mag-isip at iniisip ang kapakanan ng kambal. Dati rati kasi, wala namang alam si Dante kundi ang tumambay sa bahay nila, gumimick kasama ang Ate Emira niya at magpa-pogi lang sa mga babae. Ngayon, ibang iba na talaga ito! Paulit ulit, Emily. Ilang beses mo nang nasabi 'yan! Gusto nang manggigil ni Emily sa sarili. Pero sa totoo lang, bilib talaga siya sa binata. Siya ngang isa lamang anak na si Angelo noon, pero nahirapan pa siya noon. First-time mom kasi siya at walang ideya sa pagaalaga ng bata. Kaya alam niya ang hirap ng pagiging isang magulang, kaya naman hands down siya sa mga lalaking tulad ni Dante na kayang i-give up ang bachelor life para sa isang responsibilidad. "Ah, sige Didith. Gawin mo na ang dapat mong gagawin, ako na muna mag-aalaga sa mga bata," aniya. Nagulat man ang kasambahay ay hindi na ito nagreklamo pa. "Sige po, tawagin niyo na lang kami kung may problema o may kailangan kayong tulong." at umalis na ito. Nagpasya naman na si Emily na huwag nang bumalik sa pagkakahiga. Mahaba haba na rin ang naging tulog niya at mag-a-alas otso na rin. Hindi na siya nagabalang magpalit ng damit o maghilamos, bitbit niya ang mga bata habang pababa ng hagdan, hindi niya namalayang may ngiti siya sa labi habang ginagawa iyon. ~ MABILIS NA LUMIPAS ang mga oras. Hindi na nga namalayan ni Emily na halos buong araw pala niyang inalagaan ang kambal. Parang kay bilis lang ng bawat pagpatak ng segundo. Magaan at hindi sakit sa ulo alagaan ang dalawang bata kaya nagtataka siya bakit palpak ang mga yayang nagalaga sa mga ito. Saktong ala-sais na ng gabi at bahagya nang inaantok ang dalawang bata na humilig sa dibdib niya. Pinaghehele niya ito at nasa sala sila. Wala pa ang mga magulang niya. Ang Ate Emira naman niya ay kakauwi lang kanina at nagkagulatan pa sila. Nagkaroon sila ng kamustahan at kaunting kwentuhan, maya maya pa ay umakyat na ito sa kwarto dahil ayon dito kailangan nito ng beauty rest. Hindi pa niya nakikita ang kapatid na si Emiko, ayon sa mga kasambahay ay madaling araw na ito umuuwi dahil sa mga gig nito. Kaya naman solo nila ang sala ngayon. Nang mapansin ni Emily na papikit na talaga ang mga bata ay inihiga na niya ito sa malambot na L-Shape sofa nila. Inayos niya pa ang pagkakahiga sa mga ito upang hindi mahulog. Nangingiting tinignan niya ang mga ito nang makitang kaunti na lamang ay talagang gugupuin na ang dalawang bata sa antok. Doon biglang may tumikhim sa likuran niya. Awtomatikong napalingon naman si Emily at nakita niya si Dante. Nakabusiness attire suit ito at mukhang pagod ang mukha sa mahabang araw nito sa opisina. Ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nitong taglay. Nangingibabaw pa rin ang s*x appeal nito. Nanlaki ang mga mata niya. "D-Dante, ikaw pala..." hindi alam ni Emily kung paanong ipapaliwang kay Dante kung bakit siya ang nagaalaga sa mga anak nito. Pero sa nakikita niya, mukhang hindi naman hinihingi ni Dante ang paliwanag niya. Parang natutuwa pa nga ito sa nakikitang scenario. "Emily... pinapatulog mo ang mga bata?" Napalunok si Emily sa ganda ng boses ni Dante. Buong buo iyon at lalaking lalaki. Wala sa sariling napatango siya. At muling tinignan ang kambal na ngayon ay payapa nang natutulog sa sofa. Kay gagandang mga bata. "Ang gaganda ng anak mo, Dante." puri niya. "Oo nga, sa tingin ko'y mas nagmana sila kay Kuya. Magagandang bata nga," sang-ayon naman nito. Emily can't help but to agree. Naniniwala siyang mas nanalaytay nga ang dugong Basilio sa mga bata kaysa kay Arlene. Bagama't nakuha ng mga bata ang mala porselanang kutis ng namayapang ina. Ngunit ang kabuuan ay kay Dandre nagmana. Kaya naman kung pagtatabihin ay parang anak talaga ni Dante ang kambal dahil kamukha ni Dandre si Dante. "Yeah right," sagot niya. Napangiti ito sa sinagot niya at tumingin sa dalawang bata. Mababakas sa mukha nito ang pagkaproud sa mga "anak". At dahil doon ay mas napangiti si Emily sa kaisipang talagang tatay na mag-isip si Dante at anak talaga ang turing nito sa dalawang bata. For a few seconds, maganda ang ambiance sa pagitan nilang dalawa. Tumingin sakaniya si Dante na parang may halong admiration, habang tinitimbang ang chemistry nila ng anak nito. She can't help it, but to smile. Pero agad din iyong nawala nang maalala niya ang namatay na anak at si Cruz. Kung buhay pa kaya si baby Angelo, ganito rin kaya sila kasaya ni Cruz? Titignan din kaya siya ni Cruz ng katulad ng binibigay ni Dante na tingin na may halong admiration sa pagaalaga sa anak nito? Magiging mabuting tatay din ba si Cruz sa anak nila paglaon? Mga katanungan ni Emily sa isipan na hanggang kaisipan nalang ngayon. Dahil wala na siyang anak. Patay na si Angelo. Pero bago pa siya makahuma ay agad siyang sinagot ng kontrabida niyang isip. Ikaw nga na asawa pa lang, hindi na matignan ng ganyan at mabigyan ng oras. Ang maging ama pa kaya sa anak mo, Emily? Nakaramdam ng kakaibang pait sa kaisipan na iyon si Emily. Napabuntong-hininga ang babae. At pilot nalang inalis sa isipan niya ang mga pangit na kaisipan na pilit nagsusulsol sa kanyang utak. Afterall, at the end of the day, ang tao ay iba iba. Hindi puwedeng maging si Juan si Pedro. At si Pedro ay si Juan. Ang bawat tao ay iba iba ang ugali, pamantayan at kaisipan. Hindi naman dahil sa nakikita niyang responsableng ama at tao si Dante ngayon ay worst na ang kanyang asawa. Maayos at matinong tao rin ang asawa niya. It just happened that, si Dante ay iyong tipo ng tao na nakita na nila ang redemption nito. From playboy to goodboy. Mula sa pagiging iresponsable, sa pagiging responsableng ama. Experiences made Dante change. Dahil kung hindi, hindi nito maalagaan ng maayos ang naiwang anak ng kapatid nito. Kaya naman sa ayaw nito o sa gusto ay ang mga bata na ang priority nito ngayon. Sa kaso naman ng asawa nuya, ay wala itong experiences o pagbabago na makakapag-realize dito na ng ibang bagay. Si Cruz naman ang tipo ng lalaki na career-oriented man. Na lahat ay kayang i-give up para lamang sa pangarap at trabaho. At alam naman iyon ni Emily simula't sapul pa lamang. Kaya hindi siya dapat maginarte ngayon at bigyan ng battle of comparison ang dalawa. Ngunit gaano man ang pagtatanggol na gawin niya sa asawang si Cruz, marami pa rin siyang iniisip na mga bagay na inasam niyang sana matupad ngunit alam niyang mas malabo pa iyon sa pagulan ng niyebe sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD