Shine’s POV “Let’s go, now,” saad niya at bumaba ng sasakyan. Napalingon ako sa bintana sa gilid ko at napatingin sa labas. Napakunot noo ako ng makitang sementeryo ang pinaghintuan namin. Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto. “Why are we here?” I curiously asked. “Remember, I told you earlier that I want you to meet someone close to me?” Seryoso nyang saad habang nakatitig sa mga mata ko, masaya siya ngunit may bakas ng lungkot ang mga mata niya. Kinuha niya ang isang kamay ko. “Here?” Paninigurado ko. Marahan siyang tumango. “Let’s go, I’m excited to finally introduce you to them,” hindi ko alam kung matutuwa, kakabahan, matatakot o mawiwirduhan. Naghahalo ang emosyong nararamdaman ko. Hindi na ako nagtanong pa at sumunnod sa kanya ng akayin niya ‘ko pababa. Lumapit muna kami sa sasak