Shine’s POV I was about to hug him, but he stepped back. Yung excitement ko napalitan ng konting kurot. Napatingala ako sa kanya, nagtataka. Nakita kong napalinga siya sa paligid. “Babie, why? Don’t you miss me–” “Your family must be around here somewhere. Why don't we go somewhere else?” Binaling niya ang tingin sa ‘kin. Tila nabunutan ako ng tinik. Oo nga pala, sa sabik at saya kong makita siya nakalimutan kong nasa paligid lamang ang pamilya ko. “Baby, are you coming with me?” Untag niya muli sa ‘kin ng ‘di ako umimik. “Of course, Babie!” “Then, let’s get out of here?” “Saglit lang, paano si Kuya Ben?” “Sa gusto niyo po o sa hindi, magiging third wheel niyo po ‘ko,” si Kuya Ben ang sumagot at bahagyang ngumiti. “Whatever, Ben,” saad na lamang ni Gavin. Tinignan niya ‘ko. “