Tatlong buwan? Gosh! Nanghihina ako nang ibaba ko na lang ang telephone. Lumapit ako sa harap ng bintana at nakikita kong sobrang lakas ng ulan sa labas ng bahay. Sayang ang tatlong buwan na wala akong trabaho. Nag-iipon pa naman ako ngayon ng pera. Dahil gusto kong matapos na ang bahay namin. Inuna ko kasi ang pagpapagawa ng maliit ng tindahan ng Inay ko. Nagbigay rin kasi ako ng puhunan sa aking Inay. Sabagay may trabaho naman ang aking katapid kaya alam kong hindi nito pababayaan si Inay. Okay na rin siguro na wala akong trabaho para makauwi muna ako sa Isla Holland. Tiyak na matutuwa nito si Inay oras na umuwi ako roon. Napalingon naman ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng silid na ito. At muling uniluwa ang lalaki. “Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kinakain ang mga pagkai