Sobrang lakas ng kabog ang aking dibdib habang papunta kami sa hospital ni Melay. Nang marinig ko ang nangyari kay Inay ay agad kong hinila ang aking katapid. Panay rin ang dasal ko na sana ay maging maayos ang lagay ng Nanay ko. Ngayon ko pa lang makakasama ito tapos may masama pang nangyari rito. Hindi ko tuloy napigilan ang luhang umalpas sa aking mga mata. Pagdating sa hospital ay agad kaming nagtanong sa nurse na nasa salubong namin ng akinv kapatid. Sinabi nitong kasalukuyan pang ginagamot ng mga doctor ang Inay ko. Kaya naghintay muna kami sa waiting area. Agad ko namang tinanong ang aking kapatid kung ano ba talaga ang tunay na nangyari kay Inay. Hanggang sa magsimula na itong magkwento sa akin. “Nagyaya kasing magsimba si Inay. Tapos bibili raw siya ng ulam para iluto ang pab