MULI KO NA LANG tiningnan ang papel na hawak-hawak ko. Para kasing ako ang mauunang mababaliw kaysa sa lalaking ito. Sino bang baliw na tao ang bibigyan ng puti na papel at sasabihin na basahin daw kahit wala namang nakasulat. Itong si Mr. Z lang talaga ang may tama ang utak. Naramdaman kong lumapit sa aking tabi si Mr. Z. Medyo lumayo ako sa lalaki lalo at dumikit ang balat nito sa aking balat. Tila kasi nakuryente ako nang dumaiti ang balat nito sa akin. Muli akong tumingin sa lalaki. “Puwede bang bukas ko na lang ipagpatuloy ang pagbabasa ko. Ano . . . Kasi . . . PARA kasing sumakit ang ulo ko dahil sobrang haba pala na babasahin ko. Nahihilo rin ako at parang mahihimatay rin ako---” “Pirmahan mo na lang, SPO 3 Gatchalian. Kapag pumirma ka riyan, puwede ka nang makalabas sa bahay