Napaunat ang aking likod nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Mr. Z sa aking tainga. Pakiwari ko’y nagtataasan ang mga mapipino kong balahibo sa aking balat. Gosh ano’ng gagawin kong palusot sa lalaking ‘to? “Uulitin ko SPO 3 Gatchalian. Ano’ng ginagawa mo sa ibabaw ng bubong ng bahay ko? Naninilip ka ba sa akin? O, puwede rin na naghahanap ka ng mga ebidensya upang ipakulong akong muli, right? Ngunit hindi na ‘yun mangyayari babae!” mariing sabi ni Zion Ferrer at medyo kinagat pa nga nito ang aking punong tainga. Mabilis naman akong lumayo sa lalaki lalo at iba ang dating ng pagkagat nito sa aking punong tainga. Parang may kasamang kiliti kasi. Kahit ano’ng mangyari ay hindi ako magsasabi ng totoo sa lalaking ito. Kahit patayin niya ako ay hindi ko sasabihin na kinuhanan ko siya