Chapter 5

1678 Words
“Kiel, don’t do this, please,” pangungulit ko kay Keil. My face looked worried and pleading as I look at my best friend. Nakatingin sa akin si Kiel ngunit halata sa mukha niya na he’s torn between him telling my mom about my problem o hahayaan niya akong mag-explain sa kanya pagkatapos nitong nakita niya. I took a glance at Ares na ngayon ay nakaupo na. Nakadekwatro pa ito at nakapatong ang kanyang siko sa armrest ng kanyang upuan, habang nakapatong ang kanyang hinlalaking daliri sa kanyang baba at ang kanyang hintuturo sa kanyang sentido. His head is tilted while he’s looking at me. Nakatitig lamang ito sa akin at chill na naghihintay sa usapan namin ni Kiel. Ibinalik ko kaagad ang tingin ko kay Kiel. “Cc, what have you done?” Frustrated na sambit ni Kiel sa akin. “Kiel, I promise I will tell you everything later on. Huwag ngayon, please..” Kiel heaved a sigh. “Fine.” Lumiwanag ang mukha ko at nagtu-twinkle pa ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Kiel. Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ang pulso ko para mas ilapit niya pa ako sa kanya. He took a glance at Ares first bago siya bumulong sa akin. “Alam mong kilala si Ares sa community natin. He’s a dangerous guy. You are selling yourself to the devil himself,” ani Kiel. “Kiel, I understand where you’re coming from. Just let this night pass and I’ll will tell you what happened.” “You better, Celeste,” Kiel warned. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo ang sinabi niya. He let go of my hand. “Nag-aalala lang ako sayo. Lalo na ngayon na kasama mo si Ares. Please, be careful around him. Mas lalo kong naisip yung sinabi mo na baka bukas makalawa dead ka na,” aniya pa. I held Kiel’s hand and pulled him towards me to hug him. I don’t care if Ares is seeing me being sweet to Kiel. Ramdam ko na kaagad ang malamig na tingin ni Ares sa aming dalawa ni Kiel ngunit hindi ko iyon pinansin. Kiel is more important than Ares because if it weren’t for Kiel and my other friends, baka nasa kangkungan na ako ngayon. “Thank you, Kiel. I will be careful. I promise.” I kissed Kiel’s cheek ngunit nagulat ako nang mag-react siya at pinunasan ang kanyang pisngi. “That’s gross, Cc. Somebody like Ares kissed you tapos hinalikan mo ang pisngi ko,” maselan na sambit ni Kiel. Natawa naman ako sa reaction niya. “Sorryyy.” “Sige na,” ani Kiel. “Kung kaya lang kitang tulungan ngayon, alam mo namang hindi ako magdadalawanf isip na tulungan ka. It’s just sad.” “Kiel, don’t say that. Alam mong ikaw ang pipiliin ko kahit anong mangyari,” wika ko. Kiel just stared at me. The way he looks at me now is like he’s been in love with me since then. Ngunit hindi ko na naproseso ng maayos ang reaksyon niya nang magsalita si Ares. “Aren’t you done talking to her?” wala sa mood na sambit ni Ares kay Kiel. Sumeryoso ang mukha ni Kiel at saka niya tinapunan ng tingin si Ares. Hindi siya sinagot agad ni Kiel. Both of them just stared at each other na tila may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nilang dalawa. “I’m watching you, Ares,” Kiel warned. Pagkasabi niyon ni Kiel ay tumango siya sa akin bilang paalam at saka na siya tuluyang umalis. Nang makababa si Kiel sa mezzanine ay nakahinga na ako ng maluwag sabay napapikit pa at pasalampak na umupo sa kinauupuan ko kanina. Nabaling ang atensyon ko kay Ares nang bigla siyang natawa at ngumisi habang pinapanood ang mga tao sa ibaba. Ganoon pa rin ang kanyang pagkakaupo. Nakadekwatro at nakapatong ang kaliwang siko sa armrest ng leather couch na kinauupuan niya. His middle finger is resting horizontally on his lips. Fvck. He is damn sexy for a devil. “What are you laughing at?” Kunot noo kong tanong sa kanya. “I’m laughing at that guy,” aniya. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. “Excuse me? That’s my best friend, for your information.” Ngumisi si Ares na mas lalong nagpakunot sa noo ko. This guy really knows how to get into my nerves. I swear to god I will wipe his handsome face if given a chance. Bigla kong naalala ang paghalik niya sa akin kanina at nanlalaki na naman ang mga ko habang nakatingin sa kanya. As if he knows what I’m thinking, nagsalita siyang muli. “The god of war kissed you and you don’t like it? Girls beg for these lips, you know?” Simpleng wika niya at doon na niya ako tiningnan. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ares looks calm and silent ngunit sa talas ng observation niya sa paligid ay may nararamdaman akong pangamba para sa sarili ko. At ngayong nakadikit na ako sa kanya, alam kong ako na ang certified enemy ng mga kababaihan dito sa lugar namin. “Who told you to do that?” Inis kong sambit sa kanya. “No one,” simple niyang sambit. “Kung gusto mo, bawas na sa utang mo sa akin yon. Less ten thousand,” aniya. I leaned aggressively on the table at nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. “Totoo ba yan? Really, really? Like freaking real?” “Yes,” sagot nito. “So, nine hundred ninety thousand na lang ang utang ko?” tanong ko pa. “Yes,” sagot na naman niya. “Isn’t it easy? Just kiss me and you’ll get less ten thousand in minutes,” ngisi niya. Ang bilis ng kabog ng puso ko sa sinabi niya. I may be liberated but selling myself to the devil is far from my expectations. “Or if you let me kiss you, instant less ten thousand,” dagdag pa niya. “Are you out of your freaking mind, Ares? Do you think papayag pa akong halikan mo ako ng ganon? And do you really think na hahalikan kita? In your dreams,” wika ko at saka pinaikot ang mga mata ko. “All I’m saying is,” aniya at saka inilipat sa kanila ang nakadekwatro niyang paa, “kung gusto mo lang. I’m just trying to lessen your problems.” Nagkibit-balikat pa ito. Pero napaisip rin ako sa sinabi niya. Pero hindi talaga. No. Ayoko. But he’s a good kisser. Damn the best. I mentally slap myself again for thinking that. “No, thank you,” wika ko sabay ngumiti ng peke sa kanya at pinaikot na naman ang mga mata ko sa harapan niya. “Ang tapang mo,” he said amazed. “Kanino ka nagmana?” “From my grandpa,” sagot ko. “Don’t mess with the Alejandro clan, Ares. If something bad happened to me because of you, magtago ka na. My grandpa Menandro will find you even in hell,” I warned him. Ares laughed out loud na ikinakunot na naman ng mga kilay ko. He doesn’t seem to look afraid nor scared. This guy is really something else. “Says the loving Celeste who asked for my help. Keep kidding yourself, Cc,” wika ni Ares sabay kuha sa beer niya na nakapatong sa mesa at nilagok ito. “Are you insulting me?” naiinis kong tanong. “No, I’m just stating facts,” presko niyang sagot sabay sandal muli sa kanyang couch habang nakatingin sa akin. Wala na akong sinabi at saka ko na lang rin kinuha ang beer ko sa mesa at nilagok iyon ng diretso. Makalipas lamang ang limang minuto ay may dalawang lalaki na lumapit sa table namin at saka umupo kaagad ang isa. “Ares, bro! Sorry na-late,” wika ng isa na umupo kaagad sa couch sa right side ko na medyo mahaba. He’s wearing a white t-shirt and a black maong jacket. Medyo wavy ang kanyang quiff hairstyle. He has a nose ring na maliit na diamond. “May tinapos lang na assignment,” wika naman ng isa na nakatayo na ngayon ay papaupo na sa tabi ng may nose ring. By the looks of it, parang gusot ang black leather jacket nito. There’s also a smudge of dry red paint beside the pocket on its right side. But all in all, he looks okay. He looks kind and responsible, not to mention, handsome. Singkit iyong may nose ring at ito namang isa ay mukhang may lahing American. Napatingin iyong may nose ring sa akin. Kinalabit niya sa binti yung mukhang half American. Now, both of them are staring at me. “That’s my maid. Celeste,” pakilala ni Ares sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Ares. He really knows how to destroy my mood. Mamaya ka sa akin! “Hi, Celeste. I’m Collin,” pakilala nung half American. Inilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko iyon at nakipag-shakehands sa kanya. I smiled at him. “Nice to meet you.” “Call me, Theo,” wika naman nung may nose ring. “Are you, by any chance, single?” aniya tila na-mesmerized sa akin. “Theodore, she’s not available,” wala sa mood na wika ni Ares. Luminga si Theo sa kanya. “Badtrip ka naman, dude. Alam mong ayokong tinatawag ako sa pangalan ko,” maktol ni Theo. “She’s mine, Theo. She is tagged,” seryosong sambit ni Ares. Nanlaki ang mga mata ng dalawa na nakatingin kay Ares. Then, Collin looked at me with sympathy. Bigla namang nanahimik si Theo matapos niyang marinig ang sinabi ni Ares. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ares. Anong ibig niyang sabihin na tagged ako? Isa ba akong item na may tag? Do I look like a slave to him? Pero bakit pakiramdam ko iba ang ibig sabihin niya? And these two friends of him know what is the meaning of that word?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD