Chapter 6

1628 Words
“What does that mean?” Nagtataka kong tanong sa kanilang tatlo. Pilipat-lipat ang tingin ko sa kanila. I even crossed my arms on my chest, demanding an explanation. Tila nagising naman sa realidad sina Collin at Theo nang magtanong ako. “Ah, Ares is talking nonsense, Celeste. Don’t mind him,” wika ni Theo at tumawa ng pilit. “Nako, mukhang ubos na yung beer mo. Heto, pagbubuksan kita ng isa pa,” aligagang sambit ni Theo. These guys are acting weird. Tumayo si Ares kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Nakaangat ang mga mukha namin sa kanya. “I’m just going downstairs,” wika niya. Hindi niya kami hinintay na magsalita at saka na siya nagsimulang lumakad pababa ng mezzanine. Nang malapit na siyang makababa ay nagdesisyon akong tumayo at sundan siya. “Excuse me, bababa lang ako,” sambit ko sa dalawa. Hindi ko na rin sila hinintay na makapagsalita pa at dumiretso ako pababa. Sakto namang papunta sa restroom si Ares ngunit binilisan ko ang paglalakad ko na halos patakbo na. Nang maabutan ko siya ay hinila ko ang kamay niya at iniharap siya sa akin. “Ares, wait—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ang bewang ko palapit sa kanya. Muntik na pala akong mabangga ng isang malaking lalaki na papasok sa restroom ng mga lalaki. “Watch your steps, Cc. This is not your house,” wika ni Ares. Inilayo ko siya sa akin hindi dahil naiinis ako sa kanya kundi dahil naiilang ako. I hate him and I feel weird whenever I’m near him. Never have I imagined myself being close to him like what he did earlier. And that’s a lie. He is Ares fvcking Montenegro. The sexy devil from my batch. “Why are you following me?” he asked. “What does tagged mean? Yung sinabi mo kanina. What does that mean?” seryoso kong tanong. Ares didn’t answer. He just stared at me as his jaw clenched a little. Then, he spoke. “It’s just a nonsense term. Meaning, ako ang nagdala sayo rito, meaning, they cannot get you from me.” I snorted. “Excuse me? You don’t own me, Ares. No one owns me!” “Relax,” natatawa niyang sabi. He chuckles very sexy and I find it hot. Goddamn. “Don’t sweat about it.” But I do. It’s not just a simple term to me. But I don’t wanna beat myself up about it, so I just let it go. “Are you coming with me inside the restroom?” nakangisi niyang sambit. I scowled at him. “Eww! Bastos!” “What are you? Ten? Hindi ako naniniwalang hindi ka pa nakakita ng—“ Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya kaya hindi ko na siya hinayaan pang ipagpatuloy iyon. “Ares! What the hell?! You’re gross!” sigaw ko sa kanya at saka ko siya iniwan sa kinatatayuan niya. That guy is so gross and I hate it! Sa pagbalik ko sa table namin ay napansin kong masinsinan ang usapan nina Collin at Theo. Hindi nila namalayan na naroon na ako sa likod nila and I heard Collin said something ngunit naramdaman na nila ang presensya ko. “…Ares is gonna be in trouble if he keeps Celeste,” wika ni Collin. Ramdam ko sa kanyang boses ang pag-aalala. Hindi ko gaanong naintindihan ang kanyang sinabi dahil sa ingay dito sa bar ngunit sigurado akong narinig ko ang pangalan ko. Napatingin sa likod si Theo at tila nagulat na nandito na ako sa likod nila. Dumiretso ako sa kinauupuan ko. Both of them stopped talking na para bang ayaw nilang marinig ko ang pinag-uusapan nila. “Guys, bababa lang ako,” wika ni Collin. Tinapik niya si Theo sa balikat. Umalis si Collin pababa at pinanood ko siya hanggang makarating siya sa restroom. “Uh, Celeste,” tawag ni Theo sa akin. “Cc na lang,” wika ko. “Okay. Cc, how come magkasama kayo ni Ares? Paano kayo nagkakilala?” tanong ni Theo. Bago ko siya sinagot ay kinuha ko sa table ang beer ko at lumagok muna. “He’s my batchmate in college. Kilala ko na siya noon pa pero hindi naman kami nag-uusap. I just know him by name and face pero hindi naman kami nag-uusap. Well, things have changed.” “Medyo weird lang kasi wala namang kaibigan na babae si Ares. He wouldn’t befriend a woman. Like he will never makes friends with any women. He either you know screw them or ignore them,” Theo explained. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Theo. Ares doesn’t like me. Sure ako doon. May utang lang ako sa kanya na kailangan kong bayaran kaya magkasama kami. He wouldn’t think of me that way. He doesn’t like me. “I guess, tables have turned,” wika ko kay Theo at pilit na tumawa. I can’t tell him that I have a debt to Ares. Nakakahiya. Theo just looked at me, then he smiled. “I guess so.” “Ikaw, paano mo naging kaibigan si Ares? Like, how?” “Uhm..” naiwas ng tingin si Theo ng panandalian ngunit sumagot rin. “Ano.. naging kaklase ko siya sa training.” “Oh.. anong training?” Theo laughed nervously. “About combat training. You won’t understand but yeah. Doon kami nagkakilala.” “That’s cool. You guys know how to defend yourselves. May kapatid ako si Markus. Taekwondo naman siya. Black belter,” I said na may halong konting pagmamalaki. My brother is really good at it kaya malakas ang loob kong magmalaki. “Wow, good for him,” ngiti ni Theo. I could feel that Ares’ friends are nice people.. maliban sa kanya mismo. Paano niya naging kaibigan ang mga ganitong tao gayong siya ay kabaligtaran nila? Napansin ko na lumabas na si Collin sa restroom kasama si Ares. Seryoso at tila wala na sa mood si Ares habang si Collin naman ay tahimik sa likod niya. Both of them walk upstairs hanggang sa makarating sila dito sa table namin. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan. Ares leaned his back on the couch and stared at the bottle of beer on the table. “Teka, bakit parang pinagsakluban kayo ng langit at lupa diyan? Shouldn’t you be enjoying the night?” wika ko sa kanila. Ako naman ang tumayo at ibinaba ang manggas ng dress ko dahil konti na lang ay makikita na ang butt ko. This dress is tight and short. Agaw pansin. The three guys in front of me lifted their faces to look at me. “Damn, girl,” wika ni Theo. I felt admired and it felt good. I smiled at him. “I’m going to the dancefloor,” wika ko. Sakto namang nagpalit ng kanta ang dj at iyong nakakaindak na. Bumaba ako at ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa akin. Sa pagbaba ko sa dancefloor ay kaagad na may umaligid sa akin na dalawang lalaki at sumayaw sa likod at harapan ko. “Hey, girl,” wika nung lalaki sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko lang ang sarili ko na sumayaw. Wala pang dalawang minuto ay may humila sa kamay ko. It’s Ares. “What the heck are you doing?!” pagpupumiglas ko sa mahigpit niyang hawak sa pulso ko. Nawala ang pagmamaktol ko nang mapansin ko sina Theo at Collin na naghihintay sa tabi ng hagdan dito sa ibaba. “Ano ba!” iritang sigaw ko kay Ares nang makalapit kami kina Theo at Collin. “Sorry, Cc. Ako ang nagsabi kay Ares,” ani Collin. “What’s happening?” naguguluhan kong tanong. “We’re just protecting you from those assholes,” sagot pa niya. “And I think it’s not safe for you to dance in there alone. You’re too beautiful and.. stunning in that dress.” Dapat ay mahiya ako sa sinabi ni Collin ngunit sanay na akong sinasabihan ng ganoon. “Why thank you,” wika ko. “You’re too full of yourself, don’t you think?” wika ni Ares. “Alam mo, panira ka palagi. Will you just shut up?” inis kong sambit kay Ares at sinamaan pa siya ng tingin. “Whoa..” Collin and Theo reacted in unison as if they didn’t expected that comeback from me. “Sassy,” Ares said with a smirk. “As much as I wanna watch you two fighting, kailangan na naming umalis ni Theo,” ani Collin. “That quick? Kararating niyo lang, ah,” sambit ko. “Uh, emergency,” wika ni Collin, pagkatapos ay tiningnan niya si Ares. “They come to my house oftentimes, makikita mo sila ulit,” ani Ares. I smiled at the two. “It’s nice to meet you two,” wika ko. “Same here. See you around,” ani Collin. Theo waved his hand at me at saka na sila tuluyang lumakad palabas ng Prisma bar. Tumingi ako kay Ares. He’s looking at the two guys na umaligid sa akin kanina. Pagtingin ko doon sa dalawang lalaki sa bar counter, nakatingin rin sila sa gawi namin ni Ares na tila pinapanood kaming dalawa. “Let’s get out of here,” wika ni Ares at saka na naman niya hinila ang kamay ko palabas ng bar. Nang makasakay kami sa sports car niya ay nagsalita ko na nagpatigil kay Ares sa pag-start niya ng engine ng sasakyan. “Ares, anong nangyayari?” Hindi siya sumagot at nagtinuloy sa pag-switch on ng makina ng sasakyan niya. “You’re talking nonsense.” “Those two guys who tried to hit on me. Nakita ko silang nakatingin sa atin na parang pinapanood tayo. Tell me I’m wrong.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD