Chapter 4

1531 Words
Ares brought a wine he took from the bar counter that divides his sala and kitchen. Lumapit ako sa kanya sa may bar counter at umupo sa stool. Magkaharap kami ngayon habang nakatayo siya. "How come you want to be my bodyguard?" nagtataka kong tanong sabay simsim sa red wine na inabot niya sa akin. "I just want to. No reason," aniya. "And why do you want me to be your maid?" tanong ko pa ulit. "Pambayad mo sa utang mo sa'kin," he said simply. I have never washed my own clothes ever. I have never clean the dishes in our house ever. I have never experienced cleaning a house ever. I looked at my new polished nails. "Kung ayaw mong gawin—" I cut him off. "Gagawin ko. Just give me a few minutes to think," wika mo. "Let me mourn for my nails first," dagdag ko pa. Napailing at napainom na lamang ng wine si Ares dahil sa kaartehan ko. Matapos ang limang minutong pag-iisip—medyo teary eyed pa nga, ay nagsalita akong muli. "I have a question," wika ko. Tumango si Ares bilang tugon. "Hanggang kailan ako magiging maid mo?" "I pay one hundred thousand pesos for my monthly bills. I paid a million pesos for you. Exclude the damage of my sports car. I'll give you ten months for your service," sagot ni Ares. "What?! Ang tagal! Akala ko one month lang!" Ares gave me a flat look. "Let me go back to that chinese man—" "Sige na, sige na! Okay na. Ten months is okay," saad ko kaagad bago pa niya maitapak ang paa niya para lumabas ng bahay niya. "Good. Now, let me give you my conditions," aniya. "Go on," sambit ko sabay lagok sa natirang wine sa wineglass ko. "We're gonna live in together. I will drop you off and pick you up daily from your company. I will become your personal bodyguard—" "Why?" "Don't assume too much. What I meant about that is, kung nasaan man ako, dapat nandoon ka rin. If I go to a bar, you have to come with me. Simple," wika niya. "Hindi kita bodyguard kung gano'n," sambit ko saka siya inirapan. "Bodyguard mo ako sa company mo, that's all. This is not about you, Celeste. This is about your debt to me." "Whatever," inis kong sambit. "Magdala ka na ng gamit mo dito bukas. Your room is beside mine." Lumapit si Ares sa akin. "We're going to a bar tonight. I'm gonna meet my friends there," aniya pa. "Wear something sexy," he said in a low tone that made me shiver. I did what I was told. I went back to the penthouse to get some clothes. Mabuti na lang at wala si mom. I'll explain to her later na mag-move out na ako sa bahay. Bumalik ako sa bahay ni Ares dala ang isang maleta na puno ng gamit ko. Nag-shower ako sa bathroom na connected pala sa kwarto niya. I made sure na ni-lock ko ang pinto niya dito sa banyo bago ako naligo. Alam kong maganda ako at sexy pero alam kong hindi naman ako gusto ni Ares. Paano niya magugustuhan ang babaeng lubog sa utang? Nang matapos ako ay nag-ayos ako. The b*tch in me started to kick in. I hate feeling undesirable. Marahil ay dahil ako ang nag-iisang anak na babae at nasa akin ang lahat ng atensyon. With that, I wore my sexy red dress na hapit sa katawan ko. V-neck ito kaya lawit ang cleavage ko. Tinernuhan ko ito ng black heels. Wavy ang pagkakakulot ko sa buhok ko with light makeup on my face. I made sure na kapansin-pansin rin ang red lips ko. Nang matapos ay bumaba ako sa sala. Ares was busy on his phone when he looked up to me walking downstairs. Nang makababa ay lumapit ako sa harapan niya nang tumayo siya. Bigla akong nakaramdam ng init sa paraan ng pagtitig niya sa akin. As if he's eating me in his mind. He looked hot with his black shirt and pants. Simple pero ang lakas ng dating niya. Hindi man lang niya ako kinausap at basta na lamang siyang lumabas ng bahay pasakay sa sports car niya. Ilang minuto lamang ang dumaan nang makarating kami sa isang high end bar na tinatawag na Prisma bar. Tila ba ma usual table sila dito ng mga kaibigan niya dahil kilala na siya ng bouncer nang makapasok kami. Doon kami sa may mezzanine at saktong natatanaw ang dancefloor sa ibaba at ang pwesto ng dj. "Wala pa ba sila? I mean, your friends?" I asked Ares habang pinagbubuksan niya ako ng beer. "Napaaga lang tayo ng konti," aniya. He glided the beer on the table papalapit sa akin. Kinuha ko naman yon at nagsimulang uminom. Pagkatapos niyon ay hindi na ako pinansin ni Ares. Seryoso lamang itong nakasandal sa kinauupuan niya habang nakatingin sa ibaba sa right side niya. Hanggang sa may isang magandang asian na babae na dumaan sa gilid niya at tila namukhaan si Ares. "Ares? Is that you?" wika ng babae. Alam kong wala dapat akong isipin na kung ano pero agad kong naikumpara ang sarili ko sa babae. Matangkad ito at mukhang isang modelo sa ibang bansa. She's wearing a pink sexy dress with white heels. Naka-ponytail pa ito ng mataas. Tumingin naman si Ares sa gawi ng babae at ngumiti ito sa kanya. "Sabrina?" sambit ni Ares. "Oh my gosh, it's really you!" wika nung Sabrina. Tumayo si Ares at hinalikan siya sa pisngi ni Sabrina. At hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Maybe it's because nae-echepwera ako rito. Halata namang may gusto itong Sabrina kay Ares dahil sa paraan ng paghawak nito sa braso niya. May pahaplos pa. "Can I go to your house tonight?" wika ni Sabrina. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I'm sure as hell she's thinking what I'm thinking na gagawin nila! "Oh, babe, I thought I'm gonna clean the dishes tonight?" bulalas ko. I wanted to slap myself right f*cking now. Bakit ko ba iyon sinabi?! Napatingin silang dalawa ni Ares sa akin. Kumunot ang noo ni Sabrina habang si Ares naman ay unti-unting ngumingisi. What's with that smirk? Ibinali ni Ares ang tingin niya kay Sabrina. "I'm sorry, Sab. I have Celeste in my house." "Oh," ani Sabrina at saka niya ako sinamaan ng tingin. "No worries. I'll see you around. It's nice to see you again," aniya pa at saka na umalis. Nakahinga naman ako nang makaalis na ito. "So, you're going to start cleaning the dishes tonight?" pang-aasar ni Ares, hindi pa rin nawawala ang ngisi niya habang nakatingin siya sa akin. "I can't afford to hear dirty noises from your room. Eww. I'd rather clean the dishes," maarte kong sambit. Iinumin ko sana yung beer ko nang mapansin si Kiel na paakyat rito sa mezzanine. Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung saan ako magtatago. Agad niya akong napansin at madaling nilapitan. Too late for me to hide. "Celeste Marie?" ani Kiel sa tabi ko. "Oh, Kiel. N-nandito ka pala," wika ko at tumawa ng pilit. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba—" "Ah! Ano kasi!" Mabilis akong tumayo at niyakap siya. "Mamaya na, Kiel may kasama ako," bulong ko sa tainga niya. "Babe, are you two timing me?" biglang sambit ni Ares. Napahiwalay ako ng mabilis kay Kiel. Hindi naman maipinta ni Kiel ang mukha niya. His reaction is saying, 'what the hell is this guy talking about?' Tumayo si Ares at hinila ako palayo sa kaibigan kong si Kiel. Saka na lang ako nagulat sa sunod na ginawa ni Ares. He kissed me on my lips. It wasn't just a quick kiss. He devoured my lips in front of my freaking best friend! The kiss took about ten seconds bago lumayo si Ares sa akin. I looked at Kiel. Nakanganga ito sa aming dalawa ni Ares. I would be having the same reaction kung ganito rin ang mangyayari sa kaibigan ko. Kiel knew everything about me. He knew that I don't have a boyfriend nor fling and yet heto si Ares. "Sorry. I just gotta make sure that my babe is getting enough dose of her medicine," Ares said with a satisfied smirk on his face. “What in the world is fvcking happening?” tulalang sambit ni Kiel habang nakatingin kay Ares. May rahas akong humiwalay kay Ares at hinila ang kamay ni Kiel. Tumalikod kami kay Ares. “Kiel, I’ll explain it later, please just go,” hindi mapakaling wika ko. “Are you dating Ares freaking Montenegro?” pabulong niyang tanong. “No, he’s— he’s my bodyguard,” nahihiya kong sagot. Sumeryoso ang mukha ni Kiel. “No, Celeste Marie, I’m not gonna buy that sh*t. Either explain now or I’m going to tell tita Alena about your damn debt. You choose,” Kiel warned. He knows I’m scared to tell my mom about my debts, and now he’s using that card on me. Ano na ang gagawin ko nito? I’m stuck between these two guys who are making my life a living hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD