Chapter 3

1553 Words
Kumunot ang noo ni Ares. Hindi nawawala ang seryoso niyang reaksyon which I find sexy ngunit inalis ko rin kaagad iyon sa isip ko. Tila hindi agad rumehistro sa kanyang isip ang sinabi ko. Yeah, I just called him ‘babe’ na para bang matagal na kaming mag-jowa sa ganitong sitwasyon. Sino bang hindi magtataka sa gano’n. Nasa likod ko si Jerry Tan habang nakatutok sa pisngi ko ang baril niya. Sana pala tinanggap ko na yung free registration kung saan nag-aaral ng taekwondo si Makki noon, napatumba ko na sana ang chinese na ‘to kanina pa. I mentally sighed at the thought of it. I watched Ares as he put his gun down on the table. Katulad ko ay pinapanood rin siya ni Jerry Tan. May kinalkal si Ares sa likod ng pants niya. Lalong kumabog ng kumabog ang puso ko sa dibdib ko nang inilabas ni Ares ang kanyang wallet na puno ng card. Hindi ko maiwasang hindi rin titigan ang mga ugat niya sa kamay niya. I slapped myself mentally for obsessing about his veiny hands. Nanlaki pa ang mga mata ko nang piliin niyang ilanas ang platinum card niya. Is he that rich?! That credit card has no purchase limit! He can buy anything he wants! He looked undecided about the platinum card at halos mahimatay ako sa kaba nang ibalik niya iyon sa wallet niya. Ngunit napanganga naman ako nang ilabas niya ang black card niya. What the hell? Where did he get his money? That card is a debit card and I’m sure as hell that he is way richer that millionaires here in our country. Tinitigan ni Ares si Jerry Tan habang pinapaikot niya ang black card niya sa kanyang mga daliri sa kanang kamay. “How much?” chill na tanong ni Ares kay Jerry Tan. “Seven hundred,” sagot agad ni Jerry Tan. Mabilis akong tumingala at tumingin sa kanya para bigyan ng lukot na reaksyon. “Anong seven hundred? Kalahating milyon lang ang utang ko sayo, ah! Nabayaran ko na yung kalahati!” Humarap ako kay Ares. “Just half a million, babe. Don’t believe this guy!” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. This b*stard. I understand that he’s still upset with me dahil sa nangyari noon. He wanted me to date him after I damaged his sports car pero tinakasan ko lang siya. I can’t like a person that I hate. “I’ll pay you one million,” desididong sagot ni Ares kay Jerry Tan. “What?! That’s too much! Are you insane?!” sigaw ko kay Ares. “One million kapalit ng pananahimik mo tungkol kay Celeste. Hindi siya umutang sayo, hindi kayo nagkakilala, at tatanggalin mo ang record niya dito sa lending company mo. What do you say?” ani Ares. Napaawang na naman ang bibig ko. “Consider it done. Now, give me my money,” wika ni Jerry Tan. Hinila niya ang kamay ko paangat para tumayo ako. Nakatutok pa rin ang kanyang baril sa pisngi ko na tila ba naninigurado. Of course, it’s a big money. Matalino rin itong si Jerry Tan. “Stay there,” aniya pa kay Ares. Lumakad kaming dalawa ni Jerry Tan sa pader na may painting na one foot each sides ang haba. Isinuksok niya ang kamay niya sa likod ng painting at nakarinig ako ng isang beep na tunog. Awtomatikong gumalaw iyong drawer sa ibaba ng painting at lumabas doon ang isang keyboard na parang pang-atm machine. Ang pinagkaiba lamang ay touch screen iyon. Tumingin si Jerry Tan kay Ares. “Ipasok mo ang pera dito,” utos niya. I watched Ares walk towards the thing. Even his walk is damn sexy. Pati ang pag-sway ng mga kamay niya sa gilid niya. What the freak is wrong with me? Ipinasok ni Ares ang black card niya at bago niya pindutin ang password niya ay tumingin muna siya sa aming dalawa ni Jerry Tan. “We’re not looking,” sambit ko kaagad at sabay pa kaming tumingin ni Jerry Tan sa right side. Puro pindot lamang ni Ares ang nadidinig. Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko na ang automated voice na kaboses ni Siri, ‘deposit successful’. Pinindot agad ni Jerry Tan ang kung anong bagay sa likod ng painting at saka na umayos ang drawer pabalik sa maayos na hugis nito at bumalik sa dating pwesto. Tinulak ako ni Jerry Tan papunta kay Ares nang masiguro niyang safe na ang kanyang pera at mala-atm machine niya. “Get out of here now,” ani Jerry Tan sa amin at saka inayos ang sarili. “Kapag hindi ka tumupad sa usapan, sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw,” Ares warned him ngunit hindi na nagsalita pa si Jerry Tan habang nakatitig lamang sa amin. Lumabas kami ni Ares sa lending company habang hila-hila niya ang kamay ko. Nagulat pa ako sa mga goons na nakahandusay doon sa lounge. “They’re dead,” wika ni Ares. “I know. You killed them?” I asked na para bang wala lang sa akin. Marahil ay dahil sa adrenaline ko. Sigurado akong mamaya pa lahat magsi-sink in sa isip ko ang lahat ng nangyari ngayon at mga nakita kong patay na tao sa loob. “I did. They were about to rob this sh*tty place, so I killed them. Then, I heard you screaming,” sagot naman niya na tila wala lang sa kanya ang pumatay. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Salamat sa pagbayad mo ng utang ko. I promise babayaran kita kaagad,” wika ko. Hindi ko siya matingnan sa mukha dahil kanina pa siya nakatingin sa akin. “The last time you said that, tinaguan mo ko,” aniya. Uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan. “Now, I’ll make sure you’re not gonna get away from me,” dagdag pa niya. This time, napatingin na ako sa kanya ng mabilis. “What do you mean?” kunot ang mga kilay ko nang itanong ko yon. “Hindi mo pa nabayaran ang utang mo sa sports car ko. Hindi ka sumipot sa date natin na magsisilbi sanang kabayaran sa pag-damage sa sports car ko. Nadagdagan pa ang utang mo sa’kin ngayong araw. You gotta pay me back now.” “Pero wala pa akong pambayad ngayon!” pagmamaktol ko. “You can pay me starting today,” aniya na tila hindi man lang bothered. “How?” tanong ko with a slight of hope. “Let me be your bodyguard at daytime and you have to be my maid at nighttime, what do you say?” Napanganga na naman ako sa sinabi niya. “A-ano?” “You heard me,” he said simply. “Baliw ka ba?” I asked in a flat tone. Pati mukha ko ay sumabay. “I’m perfectly fine,” aniya pa. Tumingin siya sa kanyang mamahaling relo. “I have a lot of time, you know. We can discuss this in my house later after your work.” “How did you know about my work?” Siya naman ngayon ang nag-poker face sa akin. “Your cosmetics line and your face is all over the ads on TV and youtube. May pambayad ka sa advertisements pero sa utang wala. How weird,” aniya pa. “Excuse me? I can’t just let my company go bankrupt,” inis kong sambit. “Anyway, hindi kita tatakbuhan. If you want me to be your maid every night, fine. Pag-usapan natin mamaya pagkatapos ng work ko. Give me your address and wait me there. Where’s your phone?” wika ko. Kinuha niya sa bulsa ng pants niya ang kanyang phone at binigay niya sa akin. I saved my number there using my long, red nails tapping on the screen of his phone. Then, I dialed my number para mai-save ang phone number niya sa phone ko. “Here,” I said. Ibinalik ko sa kanya ang kanyang phone. “Message me your address. I’ll see you later.” Pagkatapos kong sabihin yon ay pumara ako ng taxi pabalik sa CC Cosmetics. Buong maghapon akong malalim ang iniisip dahil sa mga nangyari ngayong araw. Wala na akong utang kay Jerry Tan pero napalitan naman yon ng panibagong sakit ng ulo. I have to deal with Ares from now on. Hindi ko talaga siya matatakasan lalo na ngayon. Natapos ang trabaho ko at na-receive ko ang message ni Ares. I drove all the way to his modern house and he’s right in front of his door waitinv for me. Nakasandal pa ang kanyang braso sa gilid nito habang nakahalukipkip. I parked my car in his garage beside his sports car na ngayon ay naayos na. Lumabas ako ng kotse at saka lumakad papunta sa harapan niya. “Come in,” ani Ares. Pumasok kami sa loob ng kanyang bahay. Napaawang ang bibig ko dahil sa ganda ng interior ng kanyang bahay. May dalawang samurai pa na nakapa-ekis sa puting wall sa sala niya. White, matte black, and matte gray ang theme ng kanyang bahay. It’s very modern and every material used in this house looks expensive. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin sa dalawang samurai. I just went inside the lion’s den. May the good Lord be with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD