"Ano?! Celeste Marie, huwag kang nagbibiro ng ganyan," Kiel warned me. Nagpa-init siya ng tubig para sa instant noodles na dala ko.
"Sana nga nagbibiro ako, Kiel. Pero hindi, eh. Nararamdaman ko may sumusunod sa akin. Hindi naman araw-araw pero ramdam ko."
Umupo si Kiel sa tabi ko. Humiga ako sa balikat niya. He snaked his hand around my waist. "Ano bang nangyari? Bakit ka sinusundan?"
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Nilaro ko ang mga daliri ko at nagsimulang magkwento. "Ano kasi.. nangutang ako ng isang milyon sa isang lending company last year.."
"What?! Cc that's too much! Alam ba yan ng mga magulang mo?" hindi makapaniwalang sambit ni Kiel. Umiling lang ako bilang sagot. "My goodness, Cc. Umabot ka na talaga sa ganon? Why?"
"Hindi ko kasi pwedeng galawin yung pera ng CC Cosmetics dahil kapag ginawa ko yon, maba-bankrupt ang company na tinayo ko. Tsaka pinamahala ko muna kay tita Katie ko yung CC Cosmetics dahil pinapangalagaan ko yon. Nakapangutang ako sa lending company kasi binayaran ko yung isang club dahil sa pagwawala ko sa sobrang kalasingan. Hinipo kasi ako at pinagsasamantalahan nung mga grupo ng lalaki doon.."
"Wala akong natatandaan na may nagkagulo ng ganon Cc," ani Kiel. Palagi ko kasi silang kasama kapag nagka-clubbing kami or nagba-bar.
"Hindi ko kayo kasama that time, Kiel. Kasama ko yung ka-fling ko. Kasama niya yung mga grupo ng lalaki. Hina-harass nila ako, eh. Kahit nakainom ako alam ko yung nangyayari. Siraulo ako kapag nakainom ako, diba."
"Sobra. Palagi ngang sinasabi ni Ingrid na gusto ka na lang niyang ihagis sa dagat," ani Kiel. Huminga naman ako ng malalim dahil totoo naman.
"Pinaghahagis ko sa kanila yung mga bote. Pati mga upuan. Ang dami kong nasira. Pinagbayad ako ng management ng isang milyon. High end kasi yung bar.."
Napamura na lang si Kiel. "Maiintindihan ko pa sana kung ginamit mo sa mabuti ang hiniram mong pera, Cc. Parang naririnig ko na si Ingrid kung naririnig lang niya ang kalokohan mo."
"Oo na. Minus one million ako sa langit," wika ko. Ako na ang nagtuloy sa sinasabi niya.
Niyakap ko si Kiel. "Anong gagawin ko.." naiiyak kong sambit. "Promise, Kiel, last na talaga 'to. Magtitino na ako. Magfo-focus na lang ako sa pagpa-fashion designing ko at sa CC Cosmetics. Just please help me.."
Naawa naman akong tiningnan ni Kiel. "Gusto man kitang tulungan ngayon, wala akong magagawa, eh. Kaya nga gusto kong parentahan ang condo dahil kailangan ko rin. Try to ask Ingrid."
"Nauna ko na siyang kinausap bago si Sera at ikaw. Hindi na rin ako gustong tulungan ni kuya Archer. Kapag nalaman 'to ni daddy baka i-disown niya ako. Love ako ni dad pero wala kasi siyang alam sa mga kalokohan ko," paliwanag ko.
"Sumasakit na rin ulo ko sayo, Cc. Matagal na tayong magkaibigan kaya kahit gusto ka na naming itapon hindi namin magawa. We love you too much."
Hindi ko na napigilan ang maiyak at sumiksik pa lalo kay Kiel. He hugged me back and he started to caress my arm.
"Ano kaya kung magtrabaho akong G.R.O?" wika ko.
"Baliw. Masyado kang expensive para ibenta mo ang katawan mo," asar na sambit ni Kiel.
"Wala na akong ibang maisip na paraan, eh.." sambit ko. Nag-isip si Kiel ng malalim. I know he's going to help me whatever happens.
"Titingnan ko ang makakaya ko, okay? Hindi ko maipapangakong matutulungan kita, but I will try," aniya.
Tumango naman ako ng mabilis at ngumiti ng malawak. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Thank you, Kiel!"
"Huwag ka munang magpasalamat," aniya habang pinipilit niyang huwag ngumiti sa akin. Hinalikan ko siya sa pisngi with a smack sound. Namula siya ginawa ko ngunit kinindatan ko lang siya.
Kinain lang namin ang binili kong instant noodles at saka na ako umalis pagkatapos naming magpahinga ni Kiel. Umuwi ako sa penthouse at saka itinulog ang problema ko. Alam ko kasing tutulungan ako ni Kiel kahit anong mangyari.
Kinabukasan, dumiretso ako sa CC Cosmetics. I wore a terno red blazer and shorts. Naka-puting sleeveless ako sa loob na v-neck. Medyo lawit ang cleavage ko na nakasanayan ko na. Isinuot ko rin ang black stilletos ko na regalo sa akin ni mommy last year sa birthday ko. Nakalugay rin ang straight kong buhok na hanggang bewang.
"Good morning, ma'am," bati ng maganda kong receptionist.
"Good morning," bati ko rin at saka ako dumiretso sa office ko.
The interiors of the CC Cosmetics building is done by the engineers and architects of AA Group. The interiors are very cozy at daig pa nito ang sikat na cosmetics line sa New York.
Sa pagpasok ko ay nakita ko si tita Katie na nakatayo sa harapan ng mesa ko. Marahil ay hinihintay niya akong dumating. Mayroon kasi siyang spare key sa office ko dahil maaga siyang pumapasok.
"Tita Katie, good morning," bati ko nang makapasok ako sa office ko. Nilapitan ko siya at saka kami nagbeso. "Maaga pa po para sa report ng sales, ah."
"Cc, may sasabihin ako sayo," ani tita. Umupo ako sa fabulous swivel chair ko.
"Ano yon, tita?"
"Kailangan ko nang umalis sa CC Cosmetics. Sinabi sa akin ni mommy mo na hayaan na kita sa pagpapatakbo ng company mo," paliwanag ni tita Katie.
"Ha?! Tita Katie, kahit one more month pa, please? I still need your guidance," wika ko.
"Gusto ko man, baka magalit naman sa akin ang mommy mo. Napapabayaan ko na rin ang sarili kong kumpanya dahil mas na-focus ako rito sa company mo," nag-aalalang sambit ni tita.
I clearly remember kung paano rin nagsimula noon si tita Katie. From selling beauty products in her a small shop na ngayon ay naging malaking kumpanya. She's been operating tita Katies's beauty products empire for over fifteen years now.
"Tita, please. Just one more month, please?" pangungulit ko.
Huminga ng malalim si tita Katie. Alam ko na ang ibig sabihin niyon. Hindi na niya ako mapagbibigyan pa.
"Hanggang ngayong araw na lang ako rito, Cc. Alam kong matigas ang ulo mo at pilya kang bata. Umayos ka na, okay?"
Tumango na lang ako bilang sagot. "Paki-kumusta na lang din po pala ako kay tito Brenn at kay kuya Van."
"Miss ka na ng kuya Giovanni mo. Kapag umuwi na siya from States, magkita raw kayo," ani tita Katie. "Sige na, aayusin ko na lang yung sales report this month. Sa susunod na buwan, ikaw na ang haharap sa mga staff mo, okay?"
"Yes, tita." Tumayo ako at nilapitan siya at pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you for guiding me sa pagpapatakbo ng company ko."
"Kapatid ang turing ko sa mommy mo kaya para na rin kitang anak. Kayo ng mga kapatid mo," aniya. Humiwalay siya at saka ko siya nginitian. Nasilayan kasi niya ang paglaki namin simula kay kuya hanggang sa naging teenager si Markus.
Hinayaan ko nang umalis si tita Katie. Sumapit ang lunch time. Naisipan kong magpalit ng sapatos na sneakers para hindi ako mahirapang lumakad sa labas. Kumain ako sa isang mumurahing kainan dahil ubos na ang savings ko. Literal na naghihirap na ako. Ako lang yata ang may kumpanya na walang pera.
Naglalakad ako sa sidewalk nang mapansin kong may lumikong itim na van sa likod ko. Hindi ko pinansin noong una ngunit nang subukan kong bilisan ang lakad ko ay bumilis rin ang pagtakbo ng van.
Nagulat ako nang tumabi ang van sa sidewalk kung nasaan ako. Tumapat ito sa akin at marahas na bumukas ang pinto ng van. Patakbo na ako nang lumabas mula sa van ang tatlong lalaki na may takip na itim ang ulo.
"Ano ba! Bitawan niyo ko!" sigaw ko ngunit madaling tinakpan ng isang sa kanila ang bibig ko nang matagumpay nila akong naipasok sa loob ng van. Piniring nila ang mata ko at saka ang bibig ko. I kept screaming for help ngunit wala rin akong nagawa nang itali na rin nila ang kamay at paa ko.
Ilang minuto ang lumipas nang ibaba nila ako. Kinarga ako ng isa sa kanila na parang isang sako ng bigas. Tsaka na lang nila inalis ang piring sa mata ko nang ipasok nila ako sa isang kwarto. Tinanggal ng isa sa kanila ang takip sa mata ko at sa bibig at doon ko nakita ang mukha ng owner ng lending company.
"Ang tagal kitang hinanap, Miss Celeste Alejandro. I don't want to do this pero pinipilit mo ako," ani Mr. Jerry Tan. He's half Chinese.
"Please, bigyan mo pa ako ng konting panahon. Kahit isang buwan pa," pagmamakaawa ko.
Lumapit siya sa akin at saka ako sinabunutan sa likod ng ulo ko. Napasigaw ako sa sakit dahil sa higpit ng hawak niya.
"Hindi ko na kayang maghintay. It's either magbabayad ka ngayong araw na ito o ipapapatay kita. Pwede ring ipaaresto kita at sirain ang pangalan ng pamilya mo dahil sa utang mo. Ano sa tingin mo?" banta nito.
Bago pa ako makapagsalita ay may putukan ng baril sa labas ng room kung nasaan kami ngayon. Napasigaw ako dahil sa takot at gulat. Napukaw niyon ang atensyon ni Jerry Tan. Nang mawala ang putukan ay bumukas an pinto ng room.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang napakadepinang pigura ni Ares Montenegro. Nang mapansin niya ako ay tinitigan niya lang ako ng walang emosyon sa kanyang mga mata.
He's still the Ares that I used to know way back in college. He is a silent person with dangerous personality which I personally define as arrogance. In short, I don't like his demeanor.
Area was famous for being called the 'God of War' way back in college dahil sa pinapatumba niya ang mga bully sa university namin.
And now he's here. I promised myself na hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa kanya dahil sa nangyaring pagdamage ko ng sports car niya few months ago he asked me to date him as a p*****t and it didn’t turned out good. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong ibang choice kundi ang humingi ng saklolo sa kanya. Kuya Archer will not give me money anymore and I can’t afford to see mom being stressed by this.
I looked at him with pleading eyes. “Babe, bakit ngayon ka lang, nasaan na ang pera? Kanina pa kita hinihintay para makapagbayad na ako sa chekw— kay Mr. Tan.”