Chapter 7

1792 Words
“Yes, you are wrong with that speculation, Celeste,” wala sa mood na sambit ni Ares. Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho. Humarap ako sa kanya at maasim ang mukha kong tumingin sa kanya. “I swear, nakatingin sila.” “Don’t flatter yourself too much,” wika nito at saka niya niliko ang sasakyan in a professional and cool manner. Muntik nang dumikit ang mukha ko sa bintana dahil sa pwersa ng pagkakaliko nito. “Ares!” saway ko sa kanya. “Ang ingay mo. You’re not like that when we were still in college.” Natahimik ako sa sinabi niya. What does that mean? Napapansin niya na ba ako dati pa? “What do you mean? N-ni hindi kita napapansin noong college,” pagsisinungaling ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bahagya ko ring iniwas ang mukha ko sa kanya dahil ayokong makita niya ito na nangangamatis. I shouldn’t be feeling this way pero hindi ko maiwasan. Napapansin ba talaga niya ako noon? Hindi sumagot si Ares. Tahimik lamang itong nagmamaneho. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na nagsalita pa. Matapos ang ilang minuto ay binasag rin niya ang katahimikan. “Ihahatid na kita sa bahay ko. Aalis rin ako pagkatapos,” wika niya. “Saan ka pupunta?” usisa ko. “None of your business,” suplado niyang sagot. “Sungit,” busangot kong sambit at saka humalukipkip. Pero saan kaya siya pupunta? May ginawa sina Theo at Collin. He must have other friends. Ano pang gagawin niya ng ganitong oras? Madaling araw na, ah. Hindi kaya… pupuntahan niya yung babae kanina? Yung Sabrina? Bigla akong nakaramdam ng inis. “Anong oras ka makakauwi? Remember, ihahatid mo pa ako sa company ko bukas.” “I clearly remember that,” sagot niya. Then, he smirked. “You sound like a nagging girlfriend.” Namula na naman ang pisngi ko sa sinabi niya. This guy really knows how to make me feel embarrassed. “Inaalala ko lang yung pinag-usapan natin, what’s wrong with that?” depensa ko. “You miss me already?” he teased. I made sure that I look upset, but it turned out the other way around. Mukha akong constipated. “E-excuse me? Why would I miss you? Kung pwede ko lang bayaran ang utang ko sayo ngayon, lalabas ako sa kotse mo at magta-taxi na lang ako pauwi sa amin.” “Unfortunately, you can’t. You’re stuck with me for ten months,” wika niya. Bigla ay tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng isang poste. Sinakto niya pa talaga ang sasakyan sa liwanag ng ilaw na nakasabit doon. “Or you want to lessen your debt by a kiss,” he said in a sexy manner. His voice is so inviting and hot. Very masculine and deep. But the Alejandro attitude that I have in my veins suddenly kicked in. “You’re not worthy of my kisses, Ares. Keep that in your mind,” matapang kong sambit. In just a swift manner, he leaned towards me without breaking eye contact. Maysadong malapit ang kanyang mukha sa akin na halos maduling ako. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I was too stunned and unable to speak. This sexy devil knows how to make any woman’s knees go weak. His eyes looked down on my lips then back to my eyes. He tilted his head to his left, covering the light coming from outside. Nararamdaman ko ang kanyang amoy beer na hininga sa mukha ko. His breath is hot and inviting. Then, I heard a click. Ares smiled at me after I realized he just fastened my seatbelt. Inayos ni Ares ang sarili niya sa kinauupuan niya. Ni hindi ko alam na tinanggal niya kanina ang seatbelt niya para makalapit sa akin. He is too quick that I didn’t even noticed. “Buckle up next time. Safety first,” wika ni Ares habang nakangisi siya. Sinimulan na niya ulit magmaneho habang mukha akong tanga na hindi makapaniwala sa kahihiyan na nangyari sa akin. I thought he’s gonna kiss me. This bastard! “I hate you!” I yelled at him. He could hear the frustration in my voice. “You do?” he challenged. “A thousand times!” “Don’t make me do something you’ll get addicted to, Celeste,” he warned. “You’re too full of yourself, aren’t you?” “Nagsasabi lang ako ng totoo, anong mali doon?” aniya. I scoffed at him. “Whatever. Just drop me off at your house.” And he did. Ipinarke niya ang sasakyan sa garahe niya. We walked up to the door. Tumigil kaming pareho sa tapat ng pinto. “Lock the door when you get inside,” wika niya. “The password is 3612.” Smart door lock ang pinto ng bahay ni Ares. Tumango ako bilang sagot. “Whatever happens, do not open the door or any window in this house when I’m not around. Do you understand?” I blinked before nodding my head again. “I’m going. Pumasok ka na.” “Okay,” wika ko naman. Pumasok ako sa loob ng bahay at gaya ng sinabi niya ay ni-lock ko ang pinto. Naglakad ako papunta sa bintana at sinilip si Ares sa labas. Nang makalapit siya sa pinto ng kanyang sports car ay tumingin muna siya ulit sa pinto. Then, he saw me peeking at him. He gestured his hand na umalis na ako sa bintana. Madali naman akong umalis at pinalakpak ko ang mga kamay ko ng dalawang beses. Awtomatikong namatay ang mga ilaw sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga ako sa kama ko. Napatitig ako sa mataas na kisame. I took my phone out of my purse na nakatabi sa akin at tiningnan kung may messages ako. I received some messages from Ingrid and Kiel. May isang message naman si mommy. Napagpasyahan kong huwag na munang basahin ang mga yon. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Ares kanina. I thought he’s gonna kiss me again. Bigla ay kinaltok ko ang ulo ko dahil sa pag-iisip niyon. “Stop it, Celeste. You hate that guy. Kung wala ka lang utang sa kanya wala ka rito sa pamamahay niya at hindi ka sana niya maid,” sambit ko sa sarili ko. Dahil doon ay napagpasyahan kong tumayo at buksan ang ilaw ng kwarto. Hinubad ko ang damit ko at tinanggal ang silicon bra na suot ko. Hinubad ko rin ang underwear ko at pagkatapos ay sinunod ang mga jewelries na suot ko. I walked towards the bathroom to take a bath. Malawak ang banyo at malinis. Base sa mga tiles at materyales na ginamit ay panlalaki ang dating ng bathroom. It has a bit similarity to the bathroom from the fifty shades movie. Binuksan ko ang shower at pinihit ang knob papunta sa warm water. Hinayaan kong mabasa ako ng tubig habang nakaangat ang mukha ko sa shower na nakapikit ang mata. It felt relaxing. Ilang minuto pa akong nakababad hanggang sa magkaroon ng fog dito sa loob dahil sa maligamgam na tubig na bumubuhos. I shampooed my hair and let myself enjoy and play with the bubbles. After a few minutes, I rinsed my hair. Kinuha ko ang soap mesh para sabunin ang katawan ko. Habang nagsasabon ako ay naisip ko bigla si Ares. He’s bathing here too. I felt silly and embarrassed to myself when I imagined him naked while taking a shower. Nakatalikod siya at tanging fog lamang ang nakatakit sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Tumutulo ang tubig sa kanyang matipuno at hot na katawan habang nagsasabon siya. Then, I slapped myself with both hands. “Bad, Celeste!” saway ko sa sarili ko at tinampal-tampal muli ang mga pisngi ko. Minadali ko na lamang na matapos sa pagligo. Isinuot ko ang bathrobe at madaling lumabas sa banyo. Inayos ko ang sarili ko para maghanda sa pagtulog. I took the blowdrier out from my luggage and blowdried my hair. I put some oil after, then I put night cream on my face. Then, I went to sleep. Hindi ko alam kung anong oras na nakauwi si Ares dahil nakatulog rin ako kaagad. Paggising ko, I prepped myself for work at sa paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Ares na palabas rin ng kwarto niya. “Get ready. I’m gonna take you to your office,” wika niya. “I’m ready.” “Kumain ka ng almusal,” utos niya. “No, thanks. I’m okay.” Umiling siya bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. “Kumain ka.” “You’re my bodyguard, not my mother,” I reminded him. Huminga na lamang siya ng malalim. “Come on,” aniya. Lumakad siya pababa ng hagdan at sumunod naman ako sa likod niya. Hinatid niya ako sa tapat ng CC Cosmetics. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. “I’ll pick you up later after your work,” aniya. “Akala ko ba bodyguard kita sa umaga?” “I have a job interview today,” he said. “What? You have tons of money already. Hindi mo na kailangang magtrabaho.” Ares just looked at me. “I have an interview at AA Group today. Don’t tell me what to do, Celeste Marie.” “What?! Sa AA Group?!” I looked around and saw some passerby looked at me. “Yes. I’m on my final interview today,” chill na sagot niya. “Why there?!” “Will you stop yelling?” naiinis niyang sambit. “Bakit sa AA Group ka nag-apply? Alam mong pamilya ko ang nagpapatakbo no’n.” “Again, it’s none of your business,” flat na sagot niya. “I’m going. Pumasok ka na. Susunduin na lang kita mamaya.” “I’m calling my kuya.” “Don’t worry. He likes me.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Did you just bribe my brother?! No way in hell!” “He does like me. What is it to you? Pumasok ka na nga sa loob. Baka ma-late ako.” Hinila niya ng marahan ang kamay ko para makatabi ako. Umikot siya sa kabilang pinto ng sasakyan at saka na pumasok doon. Kinatok ko ang bintana ng sasakyan ngunit hindi niya ako pinapansin hanggang sa makaalis na siya. Padabog akong pumasok sa CC Cosmetics hanggang sa makarating ako sa office ko. Ni hindi ko na napansin ang maganda kong receptionist na bumati sa akin sa ground floor. I hurriedly called my brother to stop him from hiring Ares Montenegro. He can’t be working in there knowing that my kuya Archer is in favor of me dating Ares. No freaking way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD