Chapter 8

1733 Words
It took kuya Archer three rings before he answered my call. "Kuya! Why?!" I yelled at him. Nakatayo ako sa harapan ng mesa ko dito sa loob ng fabulous office ko. Nakapameywang pa ako na akala mo may atraso sa akin ang kausap ko sa phone. "Jesus, Cc. Umagang-umaga sumisigaw ka. Bakit ba?" wika ni kuya. "Did you hire Ares?!" "Why?" Walang alam si kuya Archer sa utang ko kay Ares ngayon. Hindi na niya ako tinulungan noon doon sa sports car ni Ares kaya wala siyang alam sa sitwasyon ko ngayon. "Kuya, don't hire him! Kung ginagawa mo 'to dahil gusto mo akong parusahan, please sa ibang paraan na lang. Huwag mong i-hire si Ares!" "Too late, Cc. The board likes him. He's smart. He even topped the three hundred applicants." Napaupo na lamang ako sa couch na parang natalo sa lotto. "No way, kuya. Ganoon siya kagaling? Hindi siya tao kung ganon!" "Believe it or not he knows engineering. In fact, gusto ng board na gawin siyang senior manager sa construction and management department. Masyado pa siyang bata para maging head." I scoffed. "Really, kuya? Why don't you hire somebody else? Yung mas may edad at maraming experience?" Hindi sumagot si kuya Archer. Parang lumayo siya sa phone at may taong pumasok sa kanyang office, pagkatapos ay nagsalita siyang muli sa phone. "Ares is here. I'll talk to you later. Bye." Ni hindi man lang niya ako hinayaang makapagsalita. Kuya ended the call quickly. "Argh!" I groaned. Muntik ko nang maibalibag ang phone ko sa pader. Wala na akong nagawa kundi gawin ang trabaho ko bilang may-ari ng CC Cosmetics. Hinayaan ko lamang lumipas ang oras hanggang sa mag-out na ako. “Bye, Miss Cc!” wika ng receptionist ko nang makababa ako sa ground floor. “Bye, Danah,” ngiti ko naman sa kanya. I wore my sunglasses as I walked out of the building. Then, I saw the sports car of Ares in front of it. Nakatayo siya at nakasandal sa gilid ng nguso ng kanyang sasakyan habang nakahalukipkip itong naghihintay sa akin. Nang makalapit ay pinagbuksan niya ako ng pinto. “Aren’t you gonna congratulate me?” aniya. Nang makasakay ako ay umikot siya sa kabila at saka na sumakay. Habang inilalagay niya ang kanyang seatbelt ay nagsalita ako. “Why would I?” mataray kong sambit. “Just thinking if satan can become an angel,” he said shrugging his shoulders. “Excuse me?!” I yelled at him. He started the engine of his sports car and started driving. “How f*****g dare you call me satan!” “I wonder how your parents deal with your attitude,” aniya sabay iling ng kanyang ulo. He is literally telling me how disappointed he is at me. “It would be satisfying for me if I shut you up with a ducktape. Now, shut up there.” Padabog akong umupo ng maayos at humalukipkip dahil hindi ko matanggap ang sinabi ni Ares sa akin. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan naming mga tao at building. Naalala ko tuloy ang mga magulang ko. How I wish they know that I have a big debt to pay. I stayed silent for a minute, then I started to talk. “Hindi alam ng mga magulang ko na may utang ako. I can’t tell them,” wika ko. “Why not?” “Because I don’t want to. I don’t want them to think that their only daughter has a pile of debt. Kapag nalaman ng grandpa Menandro ko ‘to, he’ll get mad at me and will ask dad to take down my company. Ibebenta ang cosmetics ko para ipambayad sa mga utang ko. CC Cosmetics is like a baby to me and I love my family and friends who are always there for me.” “Then, why do you keep borrowing money if you love your family and company?” Ares asked. Huminga ako ng malalim. “I’m not a good daughter and a granddaughter. Hindi rin ako naging responsableng kaibigan. You don’t have to rub it in my face.” “Nagku-kwento ka, nagkokomento lang ako.” “What about you? You’re just two years older than me. Where did you get your money from?” curious kong tanong. “Where do you actually work before?” Hindi inabalang sagutin ni Ares ang mga tanong ko. Nagtagis ang bagang niya at sumeryoso rin ang kanyang mukha. His aura suddenly became a bit scary. “It’s better if you just shut up,” he said to me. I felt a chill down my spine with the tone of Ares’ voice. Mas pinili ko na lamang manahimik. Nakalimutan kong si Ares pala ang kausap ko, the mysterious and dangerous guy from my batch. Hindi na naman ako nagsalita ulit. Mas pinili kong tuluyan nang manahimik. Nang mapadaan kami sa condominium building kung saan located ang condo ni Kiel ay doon na naman ako nagsalita. “Pwede bang bumaba muna ako diyan. Diyan, oh. Sa building na yan. Ayan,” wika ko. May paturo-turo effect pa. “No. You’re coming with me.” “Huh? Saan?” And he took me to the gym. “Wala akong dalang gym clothes. Tsaka ayokong magwork out,” wika ko. The gym is empty, though. Kumpleto sa gym equipments pero walang tao. “I bought you some.” Naglakad siya papasok at saka siya humarap sa akin at inihagis ang gym bag niya sa akin. Did he just buy me gym clothes? Wala na rin akong nagawa kundi ang magpalit sa banyo at puntahan siya na ngayon ay nasa thread mill. He changed his clothes fast. Nakatalikod siya sa akin kaya libre kong pagmasdan nang hindi niya alam. How long have he been working out? Napaka-toned ng katawan ni Ares. Naiisip ko tuloy isang sampal lang niya sa akin tulog ako agad. Tingin ko pa lang sa biceps niya, durog agad ako. At bakit ba ako nag-iisip ng mga ganong bagay? I hate myself sometimes. Nang makalapit sa kanya ay ginamit ko ang thread mill sa left side niya. I started walking. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ko. “Mag-isa ka lang sa bahay. Maid kita ng ganitong oras kaya gagawin mo ang mga iuutos ko.” “Whatever. Wala naman akong magagawa dahil nandito na ako,” sambit ko. He stopped talking and he focused on the thread mill. Makalipas ang ilang minuto ay kinausap niya akong muli. “Simula ngayon, sasama ka na sa akin mag-gym palagi.” “What? Hindi ako nagbi-build ng muscles, for your information,” wika ko sabay kumpas ng hintuturo ko. My long nail looks so nice. “You need to get active. You’ll need it.” “What for? I like my barbie arms more.” “I’ll teach you self-defense.” “From who? From you?” I asked sarcastically. Tumingin si Ares sa akin at madali akong naiwas ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Additional skills for you. You might need it when you are in danger.” “I’m already in danger, Ares. I’m living with so-called god of war in town. Ano, tuturuan mo ako ng self-defense para gamitin ko against you?” I joked. Sinamaan niya lamang ako ng tingin at saka siya umalis sa thread mill at nagpunta sa mga dumbells. He started to lift the heavy dumbells in front of the mirror. Umalis rin ako sa thread mill at saka kumuha ng mas mababang timbang na mga dumbells at ginaya siya. “Palakasin mo ang core mo, then, I’ll teach you self-defense.” I did what I was told. Ginagaya ko lamang ang ginagawa niya ngunit mas mababang timbang ang mga gym equipments na ginagamit ko. I was doing the barbell when he noticed me struggling to put back the thing on the hook. Pinuntahan niya ako sa likod ko at saka niya ako tinulungang ilagay iyon sa pwesto nito. “Thanks. Akala ko mababali na ang likod ko,” wika ko habang hinihingal at puno ng pawis. Humarap ako sa likuran ko nang mapansin kong nasa likod ko pa pala siya. Muntik na akong ma-out of balance. Sinalo niya agad ang likod ko. Our faces are inches away from each other. Nagkatitigan kami. Then, his eyes looked down on my lips again. Doon ko siya marahang tinulak at tumayo ng maayos. “T-thanks.” “Careful,” wika niya at saka na siya bumalik sa ginagawa niya. Nang maramdaman ko na ang pagod ay nagpahinga na ako. Umupo ako sa bench at pinanood si Ares na nagpu-push up. Habang pinupunasan ko ang sarili ko ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. May girlfriend kaya siya? Kung mayroon man, dapat nakilala ko na siya. Hindi niya rin ako patitirhan sa bahay niya kung mayroon nga. Why is he so mysterious? I never seen him with his parents kahit noong nag-aaral pa kami. He’s always alone. May kapatid kaya siya? Tumigil siya sa pagpupush up at tumingin sa akin. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig dahil hindi ko iyon inasahan. “I could sense you watching me,” he informed me. “In your dreams,” wika ko sabay itinabi sa gilid ko ang isang litrong bottled water. Natapos kami sa gym at umuwi sa bahay. Patakbo akong pumasok sa loob na akala mo pamamahay ko na rin ang bahay niya. Tumigil ako sa pag-akyat sa kalagitnaan ng matarik na hagdan. “Mauuna akong magsho-shower, ha,” sambit ko. “Huwag kang sisilip!” Tinitigan niya lamang ako habang nasa tapat pa rin siya ng pinto. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at saka na ako patakbong tumuloy sa pag-akyat papasok sa kwarto ko. I undressed myself and put my dirty clothes in the dirty clothes bin. Pumasok ako sa malawak na banyo at saka binuksan ang ilaw. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang sarili na mabasa ng maligamgam na tubig. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ni Ares sa kwarto niya. Pinakiramdaman ko ang galaw niya sa kwarto niya. I could hear his footsteps in there. Nagulat ako nang mag-click ang pinto ng banyo na nakakonekta sa kwarto niya. Bigla akong napayakap sa sarili ko. Is he gonna open the door?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD