Kabanata 14.. “Si Red!" Napatutop ito ng bunganga, at kasabay ng pagka gulat sa mukha.. "H-huwag mong sabihing.. ?” "Oo! Kagabi.." napayuko ako, parang nang iinit kasi ang dalawa kong mata. Tila may namumuong luha doon. "Oh, my gosh! Beshy! So.. Ano ginawa n'ya? Niya? I mean galit ba siya, sinumbatan ka ba niya? Paano kayong nagkita? Nagkabungguan ba kayo? Ano mataba parin ba siya ngayon? May asawa na ba siya?" sunod sunod nitong tanong sa ‘kin. Matagal ako bago kumibo, hinayaan ko munang tumulo ang luha ko sa magkabilang pisngi dahil kung pipigilan ko iyon sasabog ang dibdib ko. "S-sya.. siya ‘yung boyfreind ni Moreen, siya!” hindi niya napigilang mapiyok sa harapan ng kaibigan. “Tama nga ‘yung kutob ko, si Redjhel nga 'yung kinukwento ni Elice na boyfreind ni Moreen. Si Redjh