"Don't forget to take your breakfast. Love Xian Dexter," malakas na turan ng boses sa likod ni Panyang. "Ma'am," pabiglang bigkas sa hindi namalayang dating ng ginang. Nanlalaki ang mata nang makitang pati ito ay nabasa ang mensahe ng anak pero napasobra ang basa nito pero bet niya ang sinabi ng biyenan to be niya. Love Xian Dexter. Hindi tuloy mapuknat-puknat ang ngiti sa kanyang labi dahil ka-vibes ang mudra ng kanyang fafa Xian na masungit. "My son call me that you're here alone so I decided to come and bring you something," sabay lahad ng bag na bitbit nito. Agad na dinaluhan at kunin ang dala ng ginang. Masaya nilang pinagsaluhan ang almusal na dala nito. Daing na bangus, tocino, longanisa at sinangag ang dala ng matanda kaya gumawa rin siya ng specialty niyang sawsawang suka na