Pagbalik sa Manila ay bumalik sila ni Panyang sa dating gawain. Hindi pa rin nawawala ang pagiging antukin nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti. Mula nang makilala ng ina si Panyang ay panay na rin ang punta nito sa bahay niya at panay pa ang buyo sa alalay. Tila nagayuma sa taglay na kapilyahan ng alalay. “Mom, if you came here just to paired me with Panyang. Don’t,” tila inis na turan dahil alas siyete pa lamang nang umaga ay naroroon na ang ina. Mas mauna pa yata itong dumating kaysa gumising si Panyang at speaking of his alalay. Mukhang hindi pa nga yata nagigising. Tatayo sana siya mula sa pagkakaupo sa mesa nang marinig ang tinig nito. “Good morni—” tigil nito. “Mama ay este Ma’am?” Gulat nito ng makita ang ina niyang naghahain ng almusal. Agad itong bumaling sa kaniya.