bc

STARDOM: Mataray Kong Alalay

book_age4+
25.6K
FOLLOW
204.5K
READ
opposites attract
manipulative
dare to love and hate
boss
drama
comedy
bxg
office/work place
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Don't what what me. Alalay mo lang ako. Hindi asawa!" Ani ni Panyang. ‘Sana nga asawa na lang,' bawi sa kaniyang isipan.

Xian Dexter, isang lalaking naabot ang rurok ng tagumpay. Sa larangang kanyang tinahak at maging ang kasikatan ay kanya ring natamo pero paano kung ang babaeng iibigin ay siyang iibigin ng kaibigang minsa'y nagligtas sa kanya. Handa ba siyang magsakripisyo para sa utang na loob.

Si Pauleena o Panyang, babaeng mataray, maganda,laki sa hirap, may mataas na pangarap at masayahin. Kaya ba niyang pasayahin ang among daig pa ang nagmi-menopause o kaya bang pagtakpan ang pagtataray niya ang pusong suwail.

Paano pagdudugtungin ang dalawang puso kung ang babaeng iyong pinakakaibig ay may tatlong katauhan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Umalis-alis nga kayo d'yan kung hindi naman kayo bibili,” nakapamaywang na bugaw ni Panyang sa mga tsismosang nakaharang sa tapat ng tindahan niya sa palengke.  "Ang aga-aga eh puro chismis kayo," inis na dagdag sa mga ito. Paano naman kasi sa lugar nila hindi nabubuhay ang mga tao nang walang tsismis. Ito na ang almusal, tanghalian at hapunan na ng mga chismosa at paborito pang tambayan ng tapat ng kanyang tindahan. Nababahala na siya kasi palugi na ng palugi ang kanyang munting negosyo. Kung raraket naman siya ay wala namang tatao sa tindahan niya. Mas lalong wala siyang kita pag nagkataon.  "Ale pabilan nga ng isang sprite at rebisco," anang ng isang dalagita. "Grabe ka naman makaechoz ineng, 25 pa lang naman ako kung maka-ale ka d'yan daig ko pa ang singkuwenta ah," pang-uusisa sa customer at pasaring na rin dito. Napakamot sa ulo ang dalagita.  "Mukhang gutom na gutom ka ah? Saan ba ang lakad mo at mukhang may giyera kang pupuntahan?" natatawang turan sa dalagita dahil halos hingal na hingal ito at hindi mabuhat-buhat ang bag na dala. "Hindi ko nga po alam kung saan ako pupunta ate. Lumayas kasi ako sa amin," naguguluhang turan ng dalagita.  "Aba'y mahirap 'yan ineng. Napakabata mo pa, ako nga na mas matanda sa'yo ay hirap mag-isa mula nang mamatay ang inang ko," aniya. "Ayaw ko naman pong tumira kasama ang mga matapobre kong pinsan at masungit kong tiyahin. Sa tatlong taon ko sa kanila mula nang mamatay ang mga magulang ko ay halos bugbugin ako sa 'di matapos-tapos na gawaing bahay," naiiyak ng dalagita. Naawa siya rito. Hindi man niya alam kung totoo ito o hindi ay kinupkop niya ito sa kanyang bahay. Sa loob ng isang buwan ay hindi niya naman kinakitaan ng pangit na asal kaya napanatag siyang kasama ito. Tinuring na nakakabatang kapatid dahil labing pitong taon pa lamang ito. Halos gumaan din ang buhay niya mula noon dumating ito pero wala pa ring pagbabago sa kita niya sa kanyang munting tindihan. Napagpasyahan niyang maghanap ng ibang mapagkakakitaan tutal ay alam na ni Lily ang ginagawa nito.  "Ikaw na muna sa tindahan at makahanap ako ng trabaho. Para makapag-aral ka ha," paalam sa kinupkop. Tuwang-tuwa naman ito ng malamang papag-aralin niya ito. Masaya naman siya na kahit papaano ay may matawag siyang pamilya, na may makakasama siya. Halos isang daan yata ang bio data na dala niya na halos pinagpuyatan din nila ni Lily na sulatan ito. Kailangan niya talagang makahanap ng trabaho kahit second year college lang siya. Ang sakit na ng paa niya sa kalalakad. Nang biglang natanggal ang talampakan ng isa niyang sapatos.  "Anak ng tukwa naman oo. Pagminamalas nga naman," inis na turan habang nasa gilid ng daan nang biglang may dumaang sasakyan sa harap na may lubak. Tumalsik ang putik sa kanyang buong katawan.  "s**t, hoy! Tarantado ka, akala mo sa'yo ang daan." Hurumintadong turan sa papalayong sasakyan. Hindi maaari ito. Hinabol niya ang sasakyan ng biglang huminto sa tapat ng isang malaking bahay. Hingal na hingal siya. Bumaba ang lalaking lulan nito. 'Oh s**t, ang guwapo.' Hiyaw ng isip. Nang maalala ang sadya ay mabilis siyang humarang sa lalaki.  "Wala kang modo," turo sa mukha ng kaharap. 'Kahit guwapo ka kaya kitang karate-hin,' anang sa isip. Nabigla si Xian Dexter sa pagsulpot ng babae sa harap. Napakunot noo siya ng makita ang hitsura nito. Putik-putik ang buong katawan at pati ang mukha nito. Bitbit pa nito ang talampakan ng sapatos. Dahilan para mapangiti siya. "Hoy, mister huwag mo akong ngitihan d'yan dahil walang nakakatawa. Dahil ikaw lang naman ang may kasalanan nito." Hawak ang talampakan ng sapatos habang dinuduro sa lalaki. "Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay hindi na ako makakahanap ng trabaho. Kung hindi ka lang kaskaserong magmaneho nandoon na sana ko sa aaplayan ko," nakapamaywang na turan nito sa lalaki. Napapabilib si Xian sa babaeng kaharap. Ito ang klase ng babaeng pwedeng itapat sa mga babaeng gusto siyang masilo.  "At kung hindi dahil sa'yo tanggap na sana ako ngayon sa trabaho," pangungunsensiya niya sa lalaki. Napakalaking perwisyo ang ginawa nito sa kanya. "Okay tanggap ka na," turan ng lalaking kaharap.  "Tanggap saan?" Sikmat na sagot sa lalaki.  "Ano pa nga ba kundi sa pinuputok ng butsi mo para hindi ko naman masyadong konsensiya na kung hindi dahil sa akin ay tanggap ka na sa trabaho," panggagaya sa sinabi niya. Napamaang si Panyang sa kaharap.  "Tanggap ka na kaya pwede mo nang tikom 'yang bibig mo baka pasukan ng langaw," natatawang turan pa nito. 'Impakto,' anang kabilang utak. 'Guwapo kaya,' anang naman ng kabila. Hindi niya namalayang inaaluglog niya ang ulo sa harap ng lalaki. "Mukhang may sira utak natin ah?" Sarkastikong turan nito. Namaywang ulit siya.  "Hoy, hindi ako nasisiraan ng utak ah," buwelta sa lalaki. "Ano bang trabaho ang gagawin ko?" Ngiting turan sa magiging boss. 'Hayst, nakatagpo pa yata ako ng aning-aning,' anang sa sarili ni Xian. "P.A," rinig niyang sagot ng lalaki.  "Ha? As in personal alalay?" Nanlalaking matang tingin sa kanya. "Yah, personal assistant but aside from that you need to act as my official gf kung may magpupumilit sa akin kung ayaw ko na sa kanila."  Maganda na sana ang una pero may isa pa.  'Ano ako taga bugaw ng gf na inaayawan na niya,' sa isip niya. Nakita ni Xian ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae nang ilahad ang tungkol sa mga gf's niya.  "Twenty-five thousand a month," aniya para tanggapin nito ang trabaho. "Twenty-five thousand?" Biglang sabad sa sinabi ng lalaki. Saka siya bumaling baling ng ulo.  'Nakakaloko yata 'tong lalaking ito ah,' anang sa sarili. "Okay. Make it flat. Thirty thousand," saad na naman nito. "Thirty thousand?" Nanlalaking mata niya pati na butas ng ilong niya. "Okay if you don't want I better go," rinig niyang turan ng lalaki. Habol niya ito sabay hawak sa kamay nito. Bigla siyang bumitaw sa lalaki, para siyang nakuryente sa pagdampi ng mga balat nila. "Saglit lang naman, masyado ka namang atat. Lumunok lang ako. Masyadong kasi akong nalula doon sa suweldo pero okay na." Sabay thumbs up pa sa lalaki.  "Kailan ako magsisimula?" Excited na tanong sa magiging amo. "For now umuwi ka muna at maligo. Bukas bumalik ka dito at magdala ka ng gamit mo, good for a week. Dahil weekdays dito ka mag-stay. Saturday afternoon to sunday afternoon ang off mo," turan nito saka tuloy-tuloy na pumasok sa bahay nito. Inamoy niya ang sarili. Napangiwi siya. Ang panghi niya dahil sa pinaghalong tubig putik at pawis niya. Hindi maiwasang mapangiti si Xian Dexter habang nakatanaw sa babaeng papalayo. Talagang pinalindigan nito ang paglalakad. Hawak pa rin nito ang nahiwalay na talampakan ng kanyang sapatos. Tuwang-tuwa si Panyang sa napipintong trabaho. Trenamil. Mapag-aaral na niya si Lily kahit kolehiyo pa.  "Lily ingat ka rito 'pag wala ako ha, pasensiya ka na dahil ganito ang trabaho ko. Hindi ako gabihan umuwi," paliwanag sa dalagita. "Sa darating na pasukan ay mag-aaral ka na," saad sa dalagita.  "Salamat ate," pasasalamat ng dalagita sa kanya.  "Okay lang 'yon basta magpakabait ka dito at magsipag ka sa tindahan natin. Kukuha lang ako ang konting pangpuhunan sa tindahan," inspiradong turan sa dalagita. Alas tres pa lang ay nagising na si Panyang. Agad siyang nag-ayos ng damit at gamit na dadalhin sa bahay ng kanyang boss-amo. Naligo siya, hinilod lahat ng kasulok-sulukan ng katawan. Tatlong beses na rin siyang nagtoothbrush. Para masiguradong hindi siya bad breath kapag nakaharap ang guwapong amo. Kinikig siya sa isiping 'yon.  "Alalahanin mo Panyang isa ka lang personal alalay s***h taga bugaw ng inaayawang gf," paalala sa sarili. Kung sa tindahan niya ay taga bugaw siya ng chismosa, sa trabaho niya gf naman.  'Hanep,' anang sa sarili. Buti na lang hindi taga bugaw ng langaw. Saktong alas-sais ay nakarating na sa bahay ng magiging amo. Medyo madilim dilim pa. Nag doorbell siya. Pero walang nagbubukas. May isang oras na siya sa labas ng gate nito pero wala pa ring nagbubukas. Inaantok tuloy siya. "Sino ba namang ang aga-aga nambubulabog?" Inis na sambit ni Xian habang naririnig ang palagiang pagtunog ng doorbell ng bahay niya.  Wala kasi siyang katulong dahil every weekend nagpupunta ang dalawang kasambahay ng mama niya upang linisan ng bahay niya. Hindi rin siya burarang tao kaya hindi makalat. Tinamad siyang tignan kung sino ang nagdu- doorbell.  "Babalik naman siguro mamaya kung importante ang sadya," turan bago muling natulog. Masakit na sikat ng araw ang gumising sa kanya. Nakita niyang alas nueve na pala. Dali-dali siyang naligo at nagbihis ng maalala na may meeting siya nang 10 am. Ito ang problema sa kanya kaya kailangan niya ng PA. Hindi pa naisusuot ang kurbata at sapatos. Binitbit niya na ang mga ito at ilagay sa sasakyan saka binuksan ang gate. Nabigla siya nang mabungaran ang isang babaeng nakaupong nakayuko sa gilid ng gate niya. Mukha ngang tulog na tulog ito. Hindi niya makita ang mukha dahil nakayuko ito sa bag na dala.  "Miss," yugyog sa balikat nito. Naalimpungatan si Panyang nang parang may tumapik sa balikat niya. Nag-inat siya at humikab ng may matamaan siya nang inatin ang kamay. Biglang dilat ng mata niya, mukha ng boss to be niya. Nabigla rin ito ng mamukhaan siya.  "Bakit d'yan ka natulog?" Anang nito sabay tapik ng ulo. Ito yata ang bumubulabog sa kanya kaninang umaga. "Ah--eh," walang maapuhap ma sasabihin. Napakamot siya ng ulo. Nang biglang mag-ring ang cellphone nito.  "s**t!" Rinig na mura nito.  "We have to go. May meeting ako," anito sa kanya. Mabilis na pinahid ang laway sa gilid ng labi. Walang silbi ang halos tatlong beses na pagsipilyo niya. Uneasy siya, ngayon lang siya nakasakay sa ganito kagarang sasakyan.  Nang mapatingin sa lalaki. Hindi tama ang pagkakabotones ng kanyang polo. Hindi pa nito nalalagay ang neck tie at hindi pa nasusuot ang sapatos. Lahat ng empleyado nito ay napapalingon sa kanila.  'Taray parang artista ang dating ko ah?' Natutuwang saad sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Maid

read
752.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
227.0K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook