"Ah oh oh bakit ka—” putol na maktol ni Xian nang makitang nakataas kilay ang fiancee niya. "May angal ba?” Inis-inisang turan ni Panyang sa lalaki. Para naman itong batang tumiklop. 'Ano ka ba naman Xian? Hindi pa kayo kasal under de saya kana,' himutok sa sarili habang nakatingin na lang kay Panyang nang biglang parang may giyera sa tarangkahan ng mga bulwagang pinagdarausan ng engagement party nila. "Grabe, bakit parang may pupunta sa palengke dito? Naliligaw pa yata," matatalas na turan ng isang ginang. Tantiya ni Panyang ay nasa sitenta na ang mga ito. "Oo, nga eh akala ko nga'y naliligaw na ako kasi naman nakamaskara ka pa," anang naman ng isang matanda. Mukhang napikon ang isang bagong dating nang agawin sila ng nabiglang mga magulang. "Mama!” “Inay!" Sabayang bigkas ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books