Nanlaki ang mata ni Panyang sa nakikita. "Oh my God," hindi mapigilang bulalas. 'Bawi-bawi lang,' palihim na ngiti sa lalaki habang dinadampot ang tuwalya nito. Akala niya itatapi pa niya ito pero hindi na.
Dinampot at hinagis sa kama saka naglakad upang kunin ang brief nito. Halos lumabas ang puso ni Panyang sa kaba. Masyadong mapang-ubaya ang Panginoon biruin mong ipakita ang lahat-lahat.
Anong silbi kung itatapi pa niya ang tuwalya kung kanina pa nanlalaki ang mata ni Panyang habang nakatingin sa kanya, kaya minabuting huwag na lang. Gustong-gusto niyang humagalpak sa tawa sa reaksyon ni Panyang.
'For sure ngayon lang siya nakakita nito', aniya sa kanyang isip.
'Ano ba ang meron ka Panyang at pati ang pinakaimportanteng meeting ko ay nakalimutan na,' nangigiwing turan sa sarili habang sinusuot ang brief niya.
Normal na ang opisina nang bumungad sila hindi kagaya nang kahapon na halos magkanda haba-haba ang mga ito para maiusyoso. Agad nabungaran ang nakakunot na noo ni Pitchie. "High blood yata girl," bulong sa kanya ng makatapat dito.
"Pitchie," malakas na tawag nito mula sa loob. Halos mapalundag ito sa kaba.
"Sir," mabilis na pasok nito sa opisina ng kanilang boss.
Sumunod naman siya sa sekretarya. "Call the secretary of Mr. Ocampo of Belhasa Interprise to reschedule our meeting if it's possible," authoritative na turan ni Xian Dexter sa sekretarya. Halos manginig si Pitchie lalo na kapag pangit ang timpla ng amo.
"Yes Sir," ikling turan at babalik na sa mesa nito nang makitang busy-busy na ang boss sa dami ng papeles na nasa harapan nito. Hindi rin alam ni Panyang kung ano ang gagawin, pati tuloy siya kinakabahan sa kasungitan ng amo. Kaya piniling sumunod kay Pitchie, maingat siyang maglakad papunta sa may pintuhan.
"Saan ka naman pupunta?" Dinig niyang wika ng amo. Napapikit siya at nag-ipon nang lakas saka humarap sa kanyang amo.
"Wala magsi-CR lang sana," pagsisinungaling dito. Matiim na tumingin sa kanya ito.
"May CR naman dito bakit hindi ka dito mag-CR," sarkastiko nitong turan sa kanya.
'Tanga ka naman kasi Panyang dapat sinabi mo ayaw mong makita ang pagmumukha niyang parang nagme-menopause,' anang ng isip niya.
"Hirap pala kapag tinutupak," mahinang usal sa sarili.
"May sinasabi ka yata Miss Vergara?" Inis na turan sa alalay. Kinuha ito upang wala siyang makaligtaang meeting pero heto siya at napakaimportante ang meeting subalit nanganganib pang mawala.
Ngunit gayun pa man ay nagagawa pa rin niya itong pawiin ang inis. She always manage to make him cool. Dati kasi inis na inis siya kapag may big client na ka-meeting na hindi nasisipot pero ngayon parang okay lang.
Nag-ring ang kanyang cellphone, napangiti siya nang makita ang numero ng kaibigang si Luan Jacobo. Nasa Pampangga ito, doon ang probensiyang kinalakihan nila. Ang probensyang minsang naghamak sa kanila dahil anak daw sila ng mga haliparot na mga babae.
Tatlo silang magkakaibigan, siya si Luan Jacobo at si Zeus Zedrick na nasa Amerika. Iisa ang pinagmulan, iisa ang nakaraan. Ang mga nanay kasi nila ay magkakaibigan, mga dancer sa club sa Angeles nang panahong malayang nakadadaong pa ang mga Amerikano doon. Mula pagkabata ay tampulan sila ng tukso, na haliparot ang kanilang ina, na anak sila ng mga puta.
Pero lahat nang panghahamak na'yon ang nagpatatag sa pagkakaibigan nila. Walang sinumang bubuwag sa kung anong meron sila. Pinatatag nang mapang-alipustang lipunan at mapang-aping mamamayan.
Pero nagbago ang lahat ng dumating ang kanilang mga ama.
Labing dalawang taon sila noon, katatapos lang nila ng elementarya nang dumating ang kanilang mga ama. Mga US navy ang mga ito at magkakabarkada rin. Doon nabago ang pananaw ng mga tao sa kanila.
Ang apilyedo pa rin ang ina ang gamit niya kahit pwede na niyang gamitin ang apilyedo ng ama. Xian Dexter Gatmaitan Carlson ang totoo niyang pangalan.
"Hello, Luan. Yah, I know pista sa atin. I'll promise to be there, tatlong pista na yata ang napalampas ko," turan sa kaibigan. Noong isang araw pa kasi itong nangungulit na dumalo siya.
"Naninigurado lang bro, baka hindi na kita ituring na kaibigan pag nagkataon," birong sagot ng nasa kabilang linya. Saka sila nagtawanang magkaibigan. Nangingiti si Xian sa tawag ng kaibigan nang malingunan si Panyang printeng nakahiga sa sofa at nakatulog.
"Antukin pa yata ang babaeng ito," hindi mapigilang turan sa sarili. Pabalik na siya sa kanyang lamesa ng tumagilid ito at nalukot ang palda nito pataas. Napalunok siya nang makita ang mabibilog nitong hita.
Mabilis na lumapit sa babae at akmang hahawakan ang palda nito upang ayusin ng biglang bumukas ang pinto at iluwa ang matabang sekretarya. Napanganga ito sa nabungarang eksena.
"Sir, I call them already and they give us only one chance. Tomorrow morning same time sir," bawing turan ni Pitchie. Tinignan niya ang kaibigan. Tulog na tulog ito at naghihilik pa talaga at nakanganga. Gigisingin niya sana ito.
"No, just let her sleep," agad niyang turan sa sekretarya. Masyadong masipag ang alalay niya, masipag matulog. Wala siyang nagawa kundi ngumiti na lang. Lumapit siya sa kinahihigahan ng dalaga, hindi maikakailang maganda ito. Hahaplusin niya sana ang mukha nito.
"Well. Well. Well, so tama na ang babaeng manang na ito ang siyang kinahuhumalingan mo ngayon?" Sarkastikong turan ng papalapit na si Fiona. Nabigla siya sa pagdating nito.
"Stop that Fiona, she's just my personal assitant," sumamo sa recent girlfriend niya.
Naalimpungatan si Panyang mukhang may nagdedibate sa harap niya ah, talsik pa ang laway ng mga ito.
"s**t," malakas na turan niya sabay bangon sa kinahihigaan.
"You b***h," saad ng babae.
'Biruin mo na ang lasing huwag lang si Panyang na bagong gising,' inis ng isip.
Hindi niya mapigilang tumayo ay mamaywang din. "Hoy babae ka, pumuputak ka na naman at huwag mo akong matawag-tawag na beach, dahil karagatan man o dagat pa 'yan kaya kung tawirin. Pero 'yang ugali mo kasing sangsang ng estiro sa Tondo," mataray na turan sa babae.
"What the heck! Ipagpapalit mo na nga lang ako sa low class—" gigil na sabad nito sabay walk out. Ito ang ayaw ni Xian kapag nagtatagal na ang babae sa kanya. Halos angkinin siya ng mga ito at gusto pang kontrolin ang buhay niya.
'Sayang magaling pa naman sa kama itong si Fiona pero okay lang. Nagiging kagaya na rin siya ng iba,' aniya sa sarili.
Hindi mapigilang mapangiti si Xian sa sinabi ni Panyang, akala niya beach ang sinabi ni Fiona na b***h. Nakita ni Panyang ang nakakalokong ngiti ng amo sa kanyang sinabi. Malay bang isipin nitong ang b***h na sinabi ni Fiona ay beach. Napatapik na lamang ng ulo.
"Hanep, ang ngiti natin bossing ah," simpatikong turan sa amo. Biglang naging pormal ang mukha nito.
"Miss Vergara, uli-uli huwag kang naghuhubad sa kung saan-saan at huwag hihilata kung saan-saan. Narito ka para magtrabaho hindi para matulog," sermon sa kanya ng boss. Napayuko na lang si Panyang. Tama ito, hindi lang kasi talaga niya namalayang naidlip.
Matapos ang kaniyang work ay dumeretso siya sa kanilang gig. Bukod sa pagiging boss sa opisina ay hindi pa rin nawawala sa kaniya ang kinalakhang gawain. He loves to sing.
"This song is originally written by our drummer. Hope you like it guys," ani ni Xian saka hinawakan ang stand ng mikropono.
As I lookin' in to your eyes
I saw a tears are fallin' by
I know it was meant for me
Sorry, baby but I have to let you go
Malamyos na tinig ni Xian Dexter ang pumupuno sa bulwagang iyon. Lahat ng mga babae nahahalina sa kanya. Halos lahat tutok ang mata sa kanya maging ang kanyang personal assistant.
Baby, I'm sorry
Baby, I have to let you go oh
Please forgive me
'Cause I let you go
Even I love you but this is not the perfect time for us
Baby, I'm sorry
Sabay nang nakikanta si Panyang sa chorus kahit hindi nito alam ang kanta. Talagang nararahuyo na siya sa kanyang amo. Masyado nitong napupukaw ang kanyang pihikang puso. Sino ba naman kasing babaeng hindi mahuhumaling dito ay nasa kanya na lahat ng hinahanap sa isang boyfriend.
Mayaman, guwapo, may magandang katawan at may talento. "Hay, mahal na yata kita bossing," usal sa sarili. 'Ay ang kulit, bawal nga mainlove eh,' anang ng utak. Wala siyang nagawa kundi ngumiwi sa alalahaning bawal mainlove dito.
Ang sarap ang pangalumbaba ni Panyang habang nakatingin sa entablado. Nangangarap na namang inaalayan siya ng kaniyang boss ng isang kanta. Kasabay nang pagbigay nito ng bulaklak sa kanya.
Matapos ang gig ay agad pinuntahan si Panyang sa kinauupuhan nito. Mukhang tuon ito sa entablado at mangiti-ngiti pa. "Panyang," takaw pansin dito. Pero walang reaksyon galing sa babae. "Panyang," malakas na tawag dito.
"Ay anak ka ng pitong pating naman oo," nabiglang bigkas ni Panyang nang biglang may sumigaw sa likuran niya. Mabilis na nilingon, ang boss niya. Mabilis na binaling ang mata sa entablado. Wala na ang banda roon, iba na ang tumutugtog.
"Sir, grabe ka makasigaw ah. 'Di naman ako bingi," pambibiro sa lalaki.
Mabilis na natapos ang dalawang linggong pagtatrabaho sa bahay ni Xian Dexter. Pangalawang uwi niya na rin, mabuti naman at nakakasanayan na ni Lily ang mag-isa pero hindi nagkukulang ang paalalang mag-iingat.
Malapit na rin pala ang pasukan at kailangan niyang kunin ang mga school requirement nito sa huling eskuwelahan na pinasukan. Galing daw siya sa Angeles Pampanga. Kailangan niyang humingi kahit isang araw lang sa amo dahil wala namang pasok ng sabado at linggo.
"Panyang," malakas na sigaw ni Xian. Alas otso na tulog pa ito, mukhang baliktad pa yata ah. Siya ang boss pero siya ang taga gising. 'Anong klaseng babae itong assistant ko, inuubos ang pasensiya ko,' di mapigilang turan sa sarili ni Xian.
Nabigla si Panyang sa sigaw ng amo. Gumising at naghikab. Nakita niya itong nakapamaywang. "Ano ka ba Panyang, mukhang ako pa yata ang taga gising ah," sarkastikong turan nito.
Hindi mapigilang muling humikab saka nilingon ang orasan. Napangiti siya nang makita ang oras alas otso dies pa lamang ng umaga.
"Oh—oh. Sir, may bente minutos pa. Sabi mo gisingin kita ng eigth-thirty kaya huwag kang umangal recorded ko ang sinabi mo kagabi," lambing na turan sa amo.
"Panyang please wake up me eight-thirty tomorrow I have appointments," panggagaya kung paano sinabi ni Xian.
Walang nagawa si Xian. Alam niyang kung si Panyang ang bumira hindi na niya ito matatalo.
"Ok, fix my things I will take shower," anang nito saka tuloy-tuloy na lumabas.
Mabilis ang kilos ni Panyang, pumasok sa banyo at naligo. "I want to lay you down on the bed of roses. For tonight I sleep on the of nails—ohhhhh I want to lay you down on the bed of roses," malakas at pasigaw na kanta ni Panyang.
Halos humagalpak sa tawa si Xian Dexter nang bumalik sa kuwarto ng babae. Bibilinan niya sana itong maghanda ng kape at pwedeng maalmusal nila nang mabilisan.
"Baby, I'm sorry. Baby, I have to let you go oh
time for us. Baby, I'm sorry. Baby, baby, baby, if you kiss me like this," muling banat ni Pangyang na nasa loob ng banyo. Okay naman ang boses konting push lang aralin ay pwede na. Pwede nang pagtiyagahan. Nangingiwing bumalik na lang sa kuwarto at maligo.
Mabilis na nagbihis si Panyang at pumunta sa kuwarto ng boss upang ihanda ang damit na isusuot nito. Napangiti siya nang maalala ang unang pag-abot sa suot nito, ngayon may panungkit na siya.
"Kainis naman kasi wala pang cherefier noon, sabi star margarine pampatangkad daw nakailang garapon na ako wa epek naman," inis na turan sa sarili.
"Panyang," malakas na tawag ng amo sa banyo.
"Sir!" Malakas ding sagot sa amo.
"Bakit ka naninigaw?" Sigaw ng lalaki sa loob ng banyo. Nangunot ang noo niya. Tatanungin bakit siya naninigaw eh siya itong unang nanigaw.
"Aba'y naminihasa ka yata bossing. Ikaw kaya unang nanigaw. Ano ba 'yon?" Tanong sa amo kung bakit siya nito tinawag.
"Halika rito," rinig niyang turan ng amo. "No, ayaw ko. Bakit ako pupunta d'yan, for sure burlish ka? Mamimihasa ka yatang ipakita 'yan bossing," wika sa amo.
"Sabi ko lumapit ka hindi ko sinabing pumasok ka. Kasi naman antukin ka na bingi ka pa yata," nakakalokong turan ng lalaki.
Nabuwisit si Panyang at sinugod ang lalaki. Nagkabiglaan sila. Walang nakahuma,walang nakapagsalita. Kaya nga siya tinawag ng amo dahil nakalimutan nitong magdala ng tuwalya. 'Yon nakita ulit.