"Ay," malakas na sigaw niya habang tinakip ang kanyang palad sa mukha.
"Sabi ko na eh, burlish ka sir," nahihiyang turan sa amo. 'As if naman gustong-gusto mo,' diga ng isip. "Huwag ka ngang pasaway," mahinang usal sa sarili.
"Panyang, d'yan ka na lang ba? Kunin mo kaya 'yong tuwalya. 'Yan ang iuutos ko sana sa'yo kasi nakalimutan kong magdala," anang Xian sa babae.
Mabilis na tumalima si Panyang saka binato sa lalaki. 'Hay, kung bubuenasin nga naman. Masyadong maraming blessings si Lord,' mahinang turan sa sarili sabay hagikgik.
"Two, one," score niya sa kanila. Two para sa kanya kasi dalawang beses niya na itong nabosohan at one para sa lalaki.
Nakita niyang lumabas na ito sa banyo. Hindi niya talaga maiwasang humanga dito. Macho. ‘Ang yummy. Nakakagigil na talaga,' gigil ng utak niya.
Napapapikit siya habang nakatalikod ang lalaki. "Ay sarap yakapin, sarap pisil-pisilin," usal sa sarili. Nang bigalaang lumingon ito sa kanya.
"Ano?” Agad na turan ng makitang hahawakan sana niya ang likod ng lalaki.
"Wala parang may lamok yata," ngiting wika kahit wala naman. Mabilis itong tinapik para pangatawanan ang kaniyang katuwiran. ‘Ang tigas,’ tili ng isipan ng mahawakan ang muscles nito.
"Aray," atungal ni Xian Dexter. Nabahala si Panyang. 'Patay napalakas ata ang hampas ko ah,' bulong sa sarili. Biglang baling ni Xian sa kanya.
"Ano ba Panyang may galit ka ba? Basta-basta ka namhahampas," inis na turan ng amo.
"Sir, ‘di ba sabi ko may lamok. Tignan mo oh," aniya sabay ngisi rito.
Napailing na lamang si Xian. Paano naman magkakaroon ng lamok sa bahay niya.
'Gusto mo lang manantsing pati lamok dinamay mo,' kutya ng isip niya. Hay wala na talaga siyang masabi sa alalay niya puro palpak.
"Okay, just make some coffee and later I will call someone for a pest control," ani kay Panyang.
"Coffee sir, for me or for you?” Mabilis sa tanong. Talagang inuubos nito ang pasensiya niya.
"Why don't you do coffee for them? Or better for the cats and dogs,” sarkastikong sagot sa babae. Nakita niya ang pagsilay ng inosenting ngiti sa labi nito.
"Sabi ko nga para sa ating dalawa," nangingising turan sabay kamot.
Habang nagtitimpla ay hindi alam ni Panyang kung lalagyan ba ng cream o hindi. Minabuting huwag na lang kasi mostly daw black coffee ang prefer ng mga businessmen. Nakita niyang bumaba na ang kanyang amo. "Sir," sabay bigay sa kapeng ginawa niya.
Humigop si Xian Dexter. "Hooo—hoo—hok!” Napasong angal ni Xian. Mabilis na inilabas ang dila upang paypayan. Binalingan ang nangingiting assistant.
"Bakit hindi mo sinabing mainit?” Inis na turan sa babae.
"Aba! Aba, bossing alam mong kape, natural na mainit. ‘Di dapat juice ang pinatimpla mo kung malamig ang gusto mo?” Mataray na sagot sa lalaki.
'Buwisit may malamig bang kape,' maktol sa sarili nang busy ang among paypayan ang napasong dila.
"Hindi ka kasi marunong eh, ganito kasi," aniya saka muwenestra ang paghawak ng tasa. "Ihip muna, bago higop, ganoon lang kasimple." Turo ni Panyang sa kanya.
Hanep din ito ah, turuan pa siyang humigop ng kape.
"Mukhang maganda ang mode ng boss natin ah," nakangiting bulong ni Pitchie sa kanya. Ngumiti rin siya nang maluwag nang maalala ang nangyari sa kanila ng boss.
"Naku, girl parang may naaamoy ako ah," pukaw ni Pitchie sa kaniya.
"Mabaho ba o mabango?” Pabirong tanong niya sa sekretarya.
"Mukhang pareho girl," sabay pisil ng ilong nito paano ba man kasi eh nautot siya buti nga si Pitchie at hindi ang amo niya kundi turn off ito sa kanya.
"Huwag ka nang magreklamo, nakikiamoy ka nga lang eh," bulong kay Pitchie sabay silang himagikgik.
Nakita niya ang mukha ni Pitchie matapos makipaghagikgikan sa kanya. Napapayuko ito, ganito ang reaksyon nito kapag nasa harap ang boss. Unti-unti siyang bumaling sa likuran niya.
Nakita niya ang madilim na mukha ng binata. 'Faktay kang Panyang ka, menopause face na naman ang bossing mo,' inis na maktol sa sarili.
"Talagang vibes na vibes kayo nitong sekretarya ko ah? Would you mind sharing what you're laughing at?” Istriktong turan sa kanila.
'Ah, pasimple ka sir, gusto mo lang makiusyoso. Tsimoso ka rin paminsan-minsan,' nangingiting turan sa sarili.
"Sir, you're meeting start at ten o'clock, I think you need to go," turan sa nakakunot na amo. Mukhang natauhan ito sa sinabi at mabilis na umalis.
Matapos ang halos tatlong oras na meeting ni Xian Dexter. Nananatiling nakaupo sa conference room, nakatingin sa kawalan. Bumuntong hininga siya.
"Ano ba itong nangyayari sa akin, bakit parang nag-iba ang lahat sa akin mula nang dumating si Panyang," lamukos sa kanyang mukha.
"Panyang, Panyang, Panyang. Anong meron ka at naging ganito ako?” Hindi mapigilang turan sa kanyang sarili. Nang biglang bumukas ang pintuan. Si Emily, ang isang gf niya. Napangiti siya nang makita ito.
Mabilis na yumakap sa kanya at yumapos saka nila pinagsaluhan ang isang marubdob na halik.
"Can we have a date tonight?” Malambing na turan ng babae. Gusto man sana niya pero may appointment sa Belhasa Interprise para sa new venture nila at ayaw niyang ma-badshot kay Mr. Ocampo sa pangalawang pagkakataon.
"Sorry, babe but I do have an appointment early tomorrow," tanggi sa babae pero mapilit ito. As usual ganito naman ang ugali nang babaeng tumatagal sa kanya.
Mabilis lumabas si Panyang sa banyo. Hindi na niya nakayanan ang tawag ng kalikasan baka kung hindi pa niya ilabas ay ma-poison na sila ni Pitchie. Narinig niya ring parang may kaaway ito kanina.
"Naku Panyang nandiyan ang isang gf ni boss. Ayaw na ni boss dito pero matibay ito girl. Sa lahat ng syota ni boss ito ang nananatiling nakatayo," ani ni Pitchie pagbungad pa lang niya.
"Matibay? Nananatiling nakatayo?” Napapantastikuhang ulit sa sinabi ni Pitchie. "Hayaan mo ako ang tutumba," pakindat na turan kay Pitchie kasabay ng nakakalokong ngiti saka pumunta kung nasaan ang boss baka kailangan nito ng rescue.
Kakatok sana siya pero pinili niyang huwag na lang. Maingat na pinihit ang siradura ng conference room at nabulwagan ang pares na naghahalikan. Nabigla siya sa nabungaran.
Hindi siya makakilos at walang maapuhap na salita nang makitang matapos ang maalab na halikan ay pilit itong nilayo ng lalaki. Rinig niya ang mariing pagtutol nito sa gustong date ng babae.
"Hmmm! Ahmmmmm!” Pukaw sa dalawa saka nakangiting lumapit sa boss niya. Niyakap niya ang lalaki mula sa likuran nito. Nabigla ang boss sa ginawang pagyakap ni Panyang. Maging ang babae ay hindi makapaniwala sa pagdating niya.
"Sino siya hon?” Maang na tanong ni Panyang sa kanya. "Is she the one of your past gf's," malakas na turan ni Panyang at diniin pa nito ang salitang past. Napangiti siya sa gustong i-portray ng alalay. Ang maging ulirang gf at magiging willing bf naman siya para makawala kay Emily.
"Yes, honey. She's just here to you know," paismid pa nito. "Reconcile but as she see, I have you already.” Malambing naman na sagot ni Xian Dexter kay Panyang. Nakita niya ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mukha nito. Halos makusot naman ang mukha ni Emily na nakikinig sa lambingan nila ni Panyang.
'Yes, mukhang pang best actress ang acting ko,' masayang bulong sa sarili nang makita ang reaksyon ng babaeng kaharap. Nagngingit na kasi ito sa galit pero pinipigil lang. Nang bulabugin sila nang pagdating ni Pitchie.
"Sir the building planning team are arrived. Eng'r Punzalan is in your office," pagbibigay impormasyon sa amo. Nakita rin nito ang pagkindat sa kanya ni Pitchie nang makitang yakap-yakap pa rin niya ang boss. Nahihiyang kumalas sa binata.
Mabilis na sumunod si Xian sa sekretarya at naiwan silang dalawa ni Emily sa conference room. Susundan na sana ang boss nang magsalita ang babae.
"Do you think Xian will take you seriously?” Maanghang nitong wika. "You're just like others, after he's done getting what he wants. He will drop you like a garbage," patuyang turan pa sa kanya.
"Look at yourself, you look so old fashion. Manang," malakas na wika pa rin nito. Nagpintig ang tainga niya sa sinabi nito, ayaw niya sanang patulan ito dahil maganda ang mode niya dahil nayakap din sa wakas ang boss pero ginagalit siya ng kausap.
Nilingon ang babae. "You know what, you seems so bitter? And I don't like your accent, you speak like a social climber," maarteng sagot sa babae. "Oppsss," sabay tutop sa bibig. "I forgot to tell you, have you seen yourself in the mirror?” Saka niya tinitigan ito mula sa ulo hanggang paa.
"You seems like a p****k in the kanto of Payatas dancing like a GRO in the kabaret of Tondo and your face is like a poker face of clown. So kapal," nakakalokong banat sa babae. Hindi alam kung tama ba ang english niya. ‘So what!’ Aniya dahil nagbubunyi ang isip. Ang bango-bango ng boss-amo niya.
Nakita niyang napatigil ito. Bumilat siya sa babae. 'Akala mo ha ‘di ko alam mag-english. Pero nosebleed ako doon, hindi kinaya utak ko english ng kanto,' natatawang turan sa sarili.
Hindi niya napaghandaan ang pag atake nito sa kanya. Biglang hinambot nito ang kanyang buhok na siyang dating ng amo at ang kasamang lalaki.
“Aray," malakas na bigkas ni Panyang sa paghablot sa buhok niya.
Nakita nila ang pagkunot ng noo ng boss indikasyong galit ito sa kanila. Agad naman siyang binitawan ni Emily, para itong susugod sa giyera pero ng makita ang mukha ng amo ay tila tupang nagsusumamo.
‘Anak ng paging, lakas makahila babaeng ito ah. Tanggal yata pati anit ko.’ Banas sa isipan.