Chapter 2:

1539 Words
'Laway niyo mga teh,' turan ni Panyang sa sarili habang halos lahat ng madaanang empleyada ay nakatingin sa kanila ng boss to be niya. Pagpasok sa maluwang na opisina nito ay agad na tinuro ang isang pinto. 'Hanep may opisina rin ako,' excited na turan ng isip. "Banyo 'yan, maghilamos ka at kanina ka pinatitignan ng mga emplyedo ko. May bakas ng laway at muta ka pa," normal lang na turan sa kanya.  's**t, badtrip naman oo,' aniya sa sarili nang mabungaran ang mukha sa salamin. Mabilis siyang naghilamos at inayos ang sarili.  "Sir," tawag niya sa kanyang boss. Habang ikakabit na nito ang necktie. "Sir, I think mali ang pagkakabotones ng inyong damit," anang niya. Nang bigla itong maghubad sa harap niya. Napamunok siya. 'OMG, six pack.' Turan sa isip habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. 'Maghunus-dili ka Panyang. Huwag mong pagnasahan ang boss mo, kumbaga professional ha,' panghahamig sa sarili. "Hey, what's your name anyway," rinig niyang tanong sa kanya habang sinasara ang damit.  "Pauleen Vergara sir, but you can call me Panyang," nakangiting turan sa lalaki.  "Ok I'm Xian Dexter Gatmaitan. I have to go. Just stay here, after my meeting I tell you more about your work." Saad sabay nagmamadaling umalis. Naiwan siyang nakatunganga sa malawak nitong opisina. Makaraan ng ilang minuto ng umalis ito ay nakarinig siya na parang nagigyera sa labas ng pinto ng opisina ng boss niya. Hindi niya maiwasang makiusyoso. Binuksan ang pinto para makita ang babaeng kanina pa pumuputak. Nabungaran ang isang seksing babae at ang sekretarya yata ng kanyang bossing. Nakapamaywang itong kausap ang sekretarya halos dakmain nito nang sabihing wala ang hinahanap dahil may meeting. Nakita niyang takot na takot ang matabang sekretarya.  "What do you think you're doing Miss?" Lakas loob na turan sa malditang babae. Parang nakahinga naman ng maluwag ang sekretarya sa kanyang pagdating. Nakapamaywang pa rin nitong baling sa kanya.  "Who the hell are you? What are you doing to my boyfriend office?" Nanlalaki ang matang turan sa kanya. 'Akala mo siguro papasilong ako sa'yo ha. Laking palengke ito oy,' anang sa sarili at pumangaywang din.  "Ikaw babae ka uli-uli huwag na huwag kang nandadakma ng kahit na sinong empleyado dito ha. Kahit janitor o basurero pa 'yan dahil wala kang karapatan. Lalong-lalo na 'yang ugali mo, bago-baguhin mo ha lalo na pag alam mong wala kang lugar dito," duro sa babae. 'Ano ba ito? Napalaban naman ako agad. Ito ba ang trabaho ko, ang tagabugaw ng malatigreng babae,' inis na turan sa sarili.  "Who the hell are you na pagsalitaan ako ng ganyan?" Matapang na turan sa kanya ng babae. Napatingin siya sa paligid, dumarami na rin ang mga empleyadong nakikiusyoso sa kanila. "Huwag mo akong ma-who-who diyan ha. Hoy babae, kung boyfriend mo ang tinutukoy mo puwes para sabihin ko sa'yong ako lang naman ang papakasalan niya. In english fiancee niya ako, maliwanag."  Hindi niya mapigilang sabihin masyado kasing makapang-angkin ito. Akala niya pag-aari nito ang guwapong boss. 'Hmmmp,' anang sa sarili saka ngumiti nang makitang napatigil ito sa sinabi niya. Nagsimulang magbulungan ang mga empleyado at nagsimulang magmartsa palabas ang babaeng kanina ay pumuputak. "Naku miss salamat at dumating ka," pasalamat ng sekretarya ng kanyang boss.  "Alam mo sa dami ng babaeng napunta rito halos lahat ganyan ang ginagawa. Kung hindi lang malaki sahod ko rito matagal na akong nagresign," pagsusumbong sa kanya nito. Nakatingin lang siya sa sekretarya, mukhang magiging ka-vibes niya ito. Pareho silang matabil ang dila. "Oy--huwag ka namang tumingin ng ganyan," pabirong turan sa kanya nito.  "Ako nga pala si Pitchie, sekretarya ni mister guwapo s***h sungit s***h macho s***h isnabiro," nakangiting turan sa kanya. Napangiti siya sa sinabi nito.  "Ako naman si Pauleen or just call me Panyang," sabay abot ang kamay sa matabang babae. Magaan ang loob niya dito. Tutal ay parang matatagalan ang boss niya sa meeting ay nakipag-chikahan muna siya kay Pitchie. "Bakit mo nga pala kasama si boss. Ano ka niya?" Tanong sa kanya.  "Hindi ako naniniwalang fiancee ka niya though maganda ka at seksi pero hindi kagaya mo ang type ni boss. Halos nakita ko na lahat ng jowa nito. Kaka-boom lahat," sinserong turan sa kanya. "Grabe ka naman, hindi ba pwedeng sabihing nagbago na ang taste niya sa babae?" Echoz na turan sa kaharap. Natawa ito. "Kailan pa?"  Tumawa rin siya. "Kanina lang nang makita ako." Tawanan silang dalawa. "Pero totoo bang masungit siya?" Interesadong tanong ulit kay Pitchie. Matiim na tumingin sa mukha niya. Tinuro ang kamay nito sa kanyang mukha saka kinampay.  "Naku girlalo, wa epek 'yan, huwag kang umasa day," turan sa kanya. "Hindi 'yan magseseryoso sa babae, huwag kang pumila." "Ikaw naman nagtatanong lang, wala akong time pumila. Pila nga nang rasyon sa bigas 'di ko kinaya ito pa kayang puro tigre ang kasama," ngiting sagot sa babae. Nagtawanan ulit sila nang biglaang bulabugin sila ng dumating. "You seems you're having fun here miss Vergara," matiim na turan ng kanilang boss sa kanilang likuran.  'Anak ng tukwa oo, para ka namang kabute.'  "Hindi naman sir, nabagot lang naman ako sa loob kaya naisipan kung makipagkilala sa sekretarya niyo," tukoy kay Pitchie na ngayon ay nakayuko ang ulo. "Okay, come inside," turan saka deretsong pumasok sa opisina nito. Tumingin siya kay Pitchie bago sumunod. Nagsign ito, imuwenestra ang kamay sa may leeg pahalang na ang ibig sabihin patay siya.  "Miss Vergara," tawag ng lalaki sa loob. Mukhang inis na ito. 'Ano ba 'tong napasok ko.m?' Saka tuluyang itulak ang pinto papasok.  "Sir." Hindi alam kung ano ang gagawin sa harap nito. "Fiona called me that she talk to a lady in my office claiming that she was my fiancee," mariing turan sa kanya.  'Buwisit na babae, akala mo ha,' aniya sa kanyang isip. "'Di ba ito naman ang gusto mo ang bugawin ko sila," di mapigilang sagot sa lalaki. "But Fiona is different from others, she's the recent one," tanggol sa babae.  'Bruho ka pala eh, malay ko ba?' Nalukot ang kanyang mukha sa narinig. "Sorry but I saw you're recent gf beating Pitchie and I couldn't stand looking what she's doing," pilipit na english sa lalaki. Upang ipagtanggol ang sarili. "Kung ganyan ang ugali ng mga babae mo baka hindi lang 'yon ang abot sa akin. Sumbungera din pala tskkkk," mahinang turan sa sarili. Nakita ni Xian ang ginawa ng babae.  "May sinasabi ka ba miss Vergara?" Tanong niya dito. "Wala sir. Wala bang makain sir as you see ala una na. Pumunta ako nang bahay mo ng alas sais kaya nag-aalburoto na ang tiyan ko," turan sa lalaki.  'So ito nga ang taong nambulabog sa kanya kaninang umaga', anang ni Xian nang marinig pa ang tiyan nito. Napangiti siya. "Just take some menu under the table, then order food for us. Marami akong gagawin," anito sa kanya. Mabilis na tumalima at kinuha ang menu. Puro sikat na mga restaurant, namangha siya ang mamahal ng mga presyo. Isang order halos allowance na nila ng dalawang araw. Kaya napagpasyahang ang menu ng isang fast food chain ang kunin. Pumunta sa harap ng mesa ng lalaki upang makigamit ng telepono. Busy-busy rin ang kanyang boss sa mga papeles sa harap nito. "Hmmmmm," tikhim upang tanggalin ang bara sa lalamunan upang pukawin ang atensyon ng boss. "Sir, burger o chicken?" Tanong niya rito. "Burger," wala sa sariling turan nito habang busy sa paghahalungkat sa mga files niya.  "Hmmm. coke o seven up?" Muling tanong.  "Coke." "Regular or large," balik tanong sa kanya ng babae. Tumingin siya rito. Parang nakakaloko na kasi lahat na lang itatanong sa kanya.  "Ah sige large na lang," turan habang nakatingin sa kanya. Nakakunot na ang noo ng kanyang boss nang malingunan niya ito. Napangiti siya. Nakulitan ata sa kanya. "Sir," tawag pansin ulit dito matapos ibaba ang telepono. "Ano ba ang work ko?" Interesadong tanong sa lalaki.  Tumingin ito sa kanya saka tumayo. "You're going to stay at my home. Ikaw ang gigising sa akin sa umaga at ipaalala ang mga appointments ko. Ikaw din ang maghahanda ng damit ko sa pagpasok," turan sa kanya. Nakanganga siya sa sinabi ng lalaki. 'Gigising sa kanya ng umaga, maghahanda ng damit sa pagpasok,' ulit ng utak niya. 'Feeling asawa lang ang peg,' sabay ngiti sa naisip.  "Anong namang nakakangiti sa sinabi ko miss Vergara?" Biglang turan ng boss niya. "Naku sir, wala naman may naalala lang ako," pagsisinungaling nito.  'May saltik nga yata talaga ang babaeng ito. Sayang maganda pa naman,' anang ni Xian Dexter nang makitang nangiti ang babae. "One more thing miss Vergara, bawal ang mainlove sa akin." Matigas na dagdag sa kanya.  'Ang kapal ng mukha mo baka ikaw ang mainlove sa akin. Impakto.' Aniya sa sarili nang biglang dumating ang pagkaing inorder sa Mcdo. Napatanga si Xian Dexter sa isang bucket ng fried chicken na nasa harap ni Panyang. Inabot sa kanya ng babae ang burger na order niya. Napansin yatang panay ang tingin niya rito.  "Paborito ko ito kaya huwag ka nang umangal. Sa yaman mo magkano lang naman ang limang daang nabawas may sukli ka pa nga eh," turan sa lalaki. Habang tumayo at binuksan ang pinto. Tinawag niya si Pitchie. Ayaw nitong tumalima pero pinilit niya. Masaya nilang pinagsaluhan ang isang bucket ng fried chicken habang nasa pantry sila at nasa lamesa naman ang kanilang bossing. "Buti hindi umangal ang boss," bulong ni Pitchie. Ngumiti siya rito saka bumulong din.  "Masarap kasi akong kumarenyo." Naghagikgikan silang dalawa pero pigil dahil baka marinig nito. Nakita niya ang kanyang sekretarya at si Panyang na pinagsaluhan ang fried chicken. Mukhang vibes ma vibes ang dalawa. Nakita niya ring nagbubulungan ang mga ito sabay tawanan.  'Ano naman kaya pinag-uusapan ng mga ito?' Tanong sa sarili nang makitang halos 'di makahinga ang sekretarya sa katatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD