Chapter 3:

1695 Words
"Anong karinyo naman 'yan girl?" Balik tanong ni Pitchie habang ngumunguya ito. "Karinyo romansa-brutal," ningning ng mata habang sinasabi. Halos lumabas lahat ang laman ng bunganga ni Pitchie sa sinabi ni Panyang. Bumuntong hininga at uminom ng coke halos nakalahati nito ang large na coke sabay dighay. "Halos 'di ako nakahinga doon babae, pero gusto ko 'yang karinyo na 'yan," nangingiting turan pa nito. Sabay silang mapalingon sa kinaroroonan ng boss nila nang makitang may kausap ito. Mukhang jowa yata. Tumawa pa ito. "Babae bunganga mo, baka lumipad ang pakpak ng manok d'yan," anang ni Pitchie sa kanya. Naririnig nila kasi ang usapan nito at kausap. "Filter," usal niya. Tumawa si Pitchie. "Bobita ka rin pala, flirt girl flirt." Nakangiting sabad ni Pitchie na narinig pala ang sinabi. "Masanay ka na halos lahat ng babae niya flirt. Kita mo 'yong kanina 'di ba? Isang dukwang lang kita ang singit. At ang dibdib, gosh papaya." Bulalas pa ni Pitchie. "Grabe iyong papaya ha! Well," aniya ng maalala ang hitsura ng babae kanina. "Mas masarap pa rin ang saging," turan. Tumawa ng malakas si Pitchie sabay tutop ng bibig dahil baka maeskandalo ang boss nila. "Bakit may saging kaba?" Pilyang tanong nito. "Gaga! Siya may saging, sarap papakin." Sabad sabay sakmal ng hita ng manok na hawak. "Girl, I'm warning you. Matinik iyan si sir sa babae pero walang balak magseryoso. Huwag kang pumila." Muling ulit nito. "Hindi naman ako pipila eh, siya ang maghahabol sa akin." Kindat rito. Isang batok na halos lumusot ang mukha sa bucket ng fried chicken dahil hindi napaghandaan. "Siguro naman naalog ang utak mo. Baka kasi kinalawang eh," turan ni Pitchie. "Grabe, lakas noon ah. Akin na lahat ito." Agad sa bucket. "Sarrey na girl. Hati tayo. Gutom pa ako eh," pagmamakaawa nito. Napatawa siya sabay balik sa bucket at pinagpatuloy ang pagkain nila. Natapos din ang naghapong trabaho. Natapos ding tumunganga naghapon si Panyang. Humilata na siya sa sofa sa loob ng opisina ng boss, kung pwede nga lang gumulong-gulong sa sahig ginawa na niya. “Ganito ba ang trabaho ko? Ang tumunganga sa boss kong busy.” Bulong sa sarili bahang matamang nakatingin sa amo. ‘Guwapong herodes, babaero nga lang.’ Aniya sa isipan. Napansin ni Xian na nakatulala ang assistant habang nakatingin sa kaniya. Nakita pang ngumisi ito na tila wala sa sarili. Naiiling na lamang siya sabay sipat sa kaniyang relos. Malapit na pala ang uwian. Naalala na may gig sila kaya inayos na ang papeles sa harapan. Grabe pala itong magtrabaho. Workaholic, walang pakialam kahit tumambling siya. Pero kapag ang gf ang kausap sa telepono tumatayo pa. Irap na tingin sa lalaki habang lulan sila ng sasakyan nito. Akala niya ay uuwi na sila pero bakit nasa kabaret yata sila. Nakikita sa balintataw ang mga babaeng sumasayaw ng nakahubad. Ganoon kasi sa mga napapanood niya sa pelikula noon. "Let's go," rinig niyang turan ng boss niya. Humalikipkip siya. "No, ayoko." Matigas na turan sa lalaki. "Bakit tayo naririto aber? Hindi purke't boss kita kayang kaya mo na akong dalhin sa mga club-club na 'yan," mataray na turan sa lalaki. Nakita niyang parang nauubos ang pasensiya ng boss niya sa kanya. "Okay, stay here if you want," anito saka binalibag ang pinto ng sasakyan. "Hoy sir bossing, uli-uli kung gusto mong sirain sasakyan mo piliin mo 'yong araw na wala ako ha," inis na pahabol sa papaalis na lalaki. "Okay, stay there if you want. Wait until my gig is done," malumay na saad ni Xian Dexter sa babae. Saka mabilis na lumasok sa pintuhan ng club na tinutugtugan. Napakainosente nga nito. Isipin bang strip clup yata ang pupuntahan nila. Siya lang naman kasi ang vocalist ng bandang tinayo niya after magkawatak-watak silang magkakaibigan. Nasa sa America ka kasi si Zeus Zedrick at si Luan Jacobo naman ay sa probinsya piniling magtrabaho. Kaya ito binuo niya ang kanyang banda, INFINITY. Mabilis ang kilos ni Xian Dexter kasi siya na lang ang hinihintay ng ka-bandmate niya. Sigawan ng mga tao sa loob ng club sa paglabas niya lalo na ang mga kababaihang nahuhumaling sa ganda ng boses at siyempre gandang lalaki na rin niya. "Yohoooo. Xian akin ka na lang," sigaw pa ng mga babae. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang simulan niyang kumanta. Halos mabaliw ang mga babae sa kanya. "Xian, kahit isang gabi lang," sigaw ba ng pangahas na babae. Nangingiti na lang si Xian sa mga naririnig. "Bring me to your bed please." Sigaw pa nito na kinatingin ng ilang parokyano. Mas lalong naghiyawan ang mga kababaehan nang magsimula siyang kumanta. Nakakabingi ngunit lahat ay masaya. Samantala, halos hindi mapakali si Panyang sa kinatatayuan malapit sa nakaparadang sasakyan ng boss. Nang biglang may lumapit na mga lasing. "Wow pare chicks, mukhang iniwan ng syota. Alone here," lasing na turan ng payatot na pinilit pang mag-english. "Pare seksi," turan naman ng isa. "Manang nga lang," dagdag pa nito. Nabuwisit siya sa mga ito. Akala nila hindi niya kaya ang mga ito, ano pa silbi ang pagkapalengkera niya kung hindi gamitin sa mga ito? "Hoy kayo, akala niyo ang guguwapo niyo ah, ikaw?" Turo sa payatot. "Mukha kang kalansay, kabaong na lang at hukay pwede na. Pwede ka nang iburol. At ikaw naman?" Turo niya sa kasama nito. "Mukhang Manelinyo ka nga Manelinyong abnormal nga lang. May saltik ka na sa utak may sapak ka pa sa mukha." Nakita niyang natigilan ang mga ito at mukhang walang sasantuhin lalo na't alipin ng espirito ng alak. Kinabahan siya nang dadakmain siya ng mga ito. Mabilis pa sa alas kuwatro na kumaripas ng tumakbo patungo sa pintuhang pinasukan ng boss. Hiyawan at tilian ang nabungaran niya sa bulwagang pinasukan. "I love you Xian akin ka na lang," rinig niyang sigaw ng mga kababaihan. Tuluyan siyang pumasok at mabungaran ang entablado kung saan may bandang tumutugtog. "Sayang tapos na yata ah," aniya sa sarili nang marinig na nagpapasalamat na ang nakahawak ng mikropono. Tinitigan ang nagsasalita, namangha siya. Ang kanyang boss, hindi niya lubos akalaing membro ito ng banda at siya ang vocalist. "Sayang," ulit ulit niya sa sarili. Buong akala niya kasi ay sa isang club na may gumigiling na babae at sisilo na naman ng boss ng magiging babae nito. Iyon pala ay ito mismo ang kakanta. Laking panghihinayang tuloy dahil hindi man lang narinig ang boses nito. Nang marinig ang mga nasisigawang audience. "More, more, more." Turan ng mga ito para kumanta pa ulit ang lalaki. Nakisigaw din siya. “Yes more!” Sigaw niya para marinig ang boss. Masyado yata siyang na-excite at hindi niya namalayang siya na lang pala ang sumisigaw at lahat ay nakatungin sa kanya. "More," mahinang sambit saka nagyuko ng ulo. "Nakakahiya," nangingiting turan sa sarili. Lalo pa at nakatingin na sa kaniya ang boss at ang kabanda nito. Parang gustong matawa ni Xian Dexter habang naghihiyawan ang mga kababaihan at may isang nangingibabaw sa lahat. Ang kanyang dakilang alalay. Si Panyang. Akalain ba niyang daig pa ang sampung katao sa lakas ng bunganga nito. Napabaling na lang siya ng ulo. Dadaigin pa yata nito ang mga fans niya, pero nang ma-realize ang ginawa parang batang tumiklop. "Panyang," bulong sa sarili. Saka ngumiti. "More, more," hiyaw pa rin ng mga manunood kaya pagbibigyan niya ang mga ito since mukhang nahuli ang kanyang alalay at gustong marinig ang boses niya ay kakanta pa siya. Tumigil ang hiyawan nang magsimulang tumugtog ang drummer at guitarist sumunod ang suwabeng boses ng lalaki. Halos hindi mapakali si Panyang sa kinalalagyan dahil mukhang tititigan na lang siya ng amo habang nasa entablado. Unang bigkas pa lamang ng boss sa liriko ay biglang sumikdo ang kaniyang puso. Ang ganda ng boses nito, rough at husky na bagay ngayon sa kantang inaawit. Swabing boses ni Xian habang kinakanta ang Bed of roses ni Bon Jovi. Feel na feel ni Panyang ang bawat bigkas nito ng salita. 'Nakakailove ka bossing,' anang ng isip niya. 'Huwag mo akong titigan ng ganyan,' anang saka sunod-sunod na lumunok. "I want to lay you down in a bed of roses For tonight I sleep on a bed of nails," kanta pa ni Xian na tila sanay na sanay sa atensyong binibigay ng mga tao roon. "Oh I love you Xian, lay me down on you bed tonight," sigaw ng mga kababaihang naroon. "Ang landi niyo ha bago pa kayo maihiga sa malambot na kama niya. Sipa muna abot niyo," mahinang turan sa mga ito. Pero infairness pati tuloy siya kinikilig sa malamyos na boses ng bossing. Hanggang ngayon hindi siya maka-getover sa talento ng boss. "Now as you close your eyes Know I'll be thinking about you." Turo nito sa babaeng sumigaw kanina. Saka mabilis na tinignan ang direksyo ng alalay. Napangiti ng nakitang nakapikit ito. Hindi maiwasang ipikit ni Panyang ang mata at namnaming iniisip siya ng guwapong boss. 'Remember bawal daw ang mailove sa kanya,' paalala ng kanyang utak. Natapos din ang gig nito at pauwi na sila. Asiwa pa rin siyang kasama ang amo. "Panyang," rinig na tawag nito. Nanlaki ang mata niya kasi mula pa kaninang umaga ay miss Vergara ang tawag sa kanya. "Bakit naman Panyang ang nickname mo?" Tanong ni Xian. Na-curious siyang tanungin at para kasing asiwa ang dalaga kapag silang dalawa lang. "Panyang," sabay kamot sa ulo niya. Pati pala siya hindi alam. "Panyang dahil Panyang talaga eh," sagot niya sa lalaki. Nangiti na lang si Xian sa sinabi ng babae. Maganda siya pero manang lang kasi ang dating. Napaka-plain nito. Pwedeng pang lawful housewife lang. Pangbahay lang ang datingan. Hindi gaya ng mga gf's niya na kahit saan pwedeng dalhin. Kahit sa kama. Nang makauwi ay mabilis na inayos ni Panyang ang gamit sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Xian. Dahil konti lamang ay mabilis niya itong naayos. Init na init na siya at feeling niya nanlalagkit na siya dahil alas tres pa nang madaling araw siya naligo. Solo naman ang kuwarto at mukhang masarap maligo sa kanyang banyo ay mabilis siyang naghubad para makaligo nang biglang bumukas ang pintuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD