Chapter 2

1938 Words
“I... I DON’T KNOW how to start.” Pagbasag ni Alaric sa katahimikan sa pagitan nila. Bumuntong-hininga si Gianna. “You can start by saying you’re sorry.” “I’m sorry.” Humarap siya sa binata nang maramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya sa sofa. Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa mainit na mga palad nito. “Okay ka lang ba?” Napailing siya. “Paano ako magiging okay? He kissed me. And I let him be thinking it was you.” Hindi niya inaasahan nang dumukot si Alaric ng panyo mula sa bulsa ng slacks nito at masuyong pinunasan ang kanyang mga labi. Nang hindi makuntento ay magaan na hinagkan siya nito sa kanyang mga labi. “Okay na ba?” Frustrated na humiwalay si Gianna sa binata. “You don’t get it. Next week na ang kasal natin pero ang dami ko pa rin palang mga bagay na hindi alam tungkol sa ’yo. Ano, wala na bang ibang darating na kamukha mo ulit? Baka naman triplets pala kayo, sabihin mo na ngayon para hindi na ‘ko magulat.” “Wala na. Dalawa lang talaga kami.” Bahagya nang nakangiting sinabi ni Alaric bago siya muling hinagkan sa kanyang mga labi. “Look, I can’t explain everything right now until I get to talk to Caleb. Pero ipinapangako kong sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kapag kasal na tayo.” Walang nagawang tumango na lang si Gianna. Sa dalawang taon na pinagsamahan nila, alam niyang walang gagawin ang binata na ikasasama ng loob niya. At panghahawakan niya iyon. “I love you.” Malambing na sinabi nito. “I love you, too.” Masuyong idinikit ni Alaric ang noo nito sa noo niya. “Magiging maayos rin ang lahat, I promise you that. Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He could be a real flirt and a jerk combined when he’s up to something.”   “NOW, I KNOW why you’re hiding her.” Agad na sinabi ni Caleb pagbungad ni Alaric sa wine bar sa bahay nila. Siguradong naihatid na nito si Gianna sa apartment. Naningkit ang mga mata ng kanyang kakambal. “’Wag mo siyang idamay dito, Caleb. She’s a good woman.” “And a great kisser, too.” Panggagatong pa ni Caleb sa galit ni Alaric. Although deep inside, he could still smell the woman’s divine scent, the sweet taste of her lips against his and the warm feeling brought by her embrace... Sa isang iglap ay hawak na ni Alaric ang kuwelyo ng damit niya. “So, ito ang dahilan kung bakit ka bumalik? Para sirain ako?” “Oo.” Walang gatol na sagot niya. “I haven’t forgotten every single thing that happened in the past, Ric.” “So, this all comes down to Erin.” Para bang napapagod na binitiwan siya nito. “Pagkalipas nang limang taon, bakit ngayon pa, Caleb?” “I could not think of a perfect timing than your wedding, Ric. I always knew you’d love again and marry. At tama ako.” Tumalim ang pagkakatingin niya rito. “Five years are worth it.” “And what if I don’t get to marry?” Nagkibit-balikat siya. “Then I would think of a plan B. I wouldn’t mind waiting forever, brother. See, that’s the beauty of revenge. It doesn’t care about the time. It just wants to get even.” Tila frustrated na nahaplos ni Alaric ang noo nito. “God, Caleb-“ Malalim siyang huminga para kontrolin ang sakit na nanunumbalik sa sistema niya. “Just guard your precious Gianna so tight that I would not be able to come near her. Because you don’t know what I’m capable of when I’m in a revenge mode.” Inilagay ni Caleb sa bulsa ng polo ng kakambal ang calling card niya bago siya tumayo. “Call me in case of emergency which I’m sure... there will be.”   SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Gianna habang pinagmamasdan ang sarili suot ang kanyang wedding dress. Dapat sana ay kasama niya si Alaric sa final gown fitting niya pero tumanggi ito. Gusto daw nitong gulatin na lang ang sarili kapag nagkita na sila sa simbahan. Hinatid lang siya ni Alaric sa boutique ng bestfriend niyang si Sierra na kagaya niyang lumaki sa orphanage at siyang personal pang nag-design ng wedding gown niya at pinangakuang susunduin na lang nito pagkalipas ng dalawang oras. Nitong nakalipas na ilang araw ay mistulang bantay niya ang binata dahil palagi itong nasa tabi niya. He calls her every now and then and checks on her in her apartment every day. She would often ask why but he would just shrug his shoulders and simply say he misses her. Her smile grew wider upon the thought. Alaric was really a sweet man. Nang marinig ni Gianna na bumukas ang pinto ay na-excite siya. Iniwan kasi siya pansamantala ng kaibigan para bumili ng lunch nila sa labas. Mabilis na hinawi niya ang kurtina. “Sierra, ano sa tingin mo?” tanong niya pagkatapos ay humarap sa kaibigan para lang mabigla sa nabungaran. Standing in front of her was no other than the man Alaric told her to stay away from. It was Caleb Montero in his fitted carnation shirt, tight jeans, and dark glasses. She never thought that a lady’s favorite color would actually look good in a man. What am I thinking? Nakokonsensyang naipilig ni Gianna ang ulo sa naisip. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. “And good afternoon to you, too, Snow White.” Hinubad nito ang suot na sunglasses at pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan niya. “And as for your question before your pretty little eyes assessed me, I think you look... beautiful, very beautiful.” Ramdam ni Gianna ang pamumula ng mga pisngi niya sa tahasang sinabi ng binata. “I didn’t assess-“ “Of course you did. But it’s okay. I don’t really mind.” nagkibit-balikat ito. “Pumunta lang naman ako rito para personal na mag-apologize sa ginawa ko noong nakaraang araw.” Natigilan si Gianna. Muli niyang pinagmasdan ang anyo ni Caleb. His lips were smiling but there was something about his eyes that made her doubt the sincerity in his apology. “Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He can be a real flirt and a jerk combined when he’s up to something.” Bigla niyang naalala ang sinabing iyon sa kanya ng kapatid nito. And she knew Alaric would not dare say those words unless he meant it. And considering Caleb’s sudden apology after deliberately pretending to be her fiancé meant that he could really be up to something. Nilibot niya ang tingin sa boutique pero wala pa ring bakas roon ni Sierra. Bigla siyang kinabahan. “Okay, you are forgiven.” Sinabi niya sa panalanging titigilan na siya ni Caleb. “Now, excuse me but I have to change.” Hindi pa man nakakasagot ang lalaki ay nagmamadaling tinalikuran niya na ito at akmang dederetso na sa opisina ng kaibigan nang pigilan siya nito sa braso. “Since napatawad mo naman na ako, baka naman pwedeng humirit ako ng isa pang kasalanan sa ’yo? ‘Tapos patawarin mo na lang ulit ako.” Napasinghap si Gianna. Bago pa siya makalayo kay Caleb ay mabilis na tinakpan na nito ng panyo ang kanyang ilong. Nagawa niya pang sambitin ang pangalan ni Alaric bago siya tuluyang nawalan ng malay. “HEY, it’s been a long time.” Mahinang sinabi ni Alaric bago niya ibinaba ang mga puting rosas na dala, mga rosas na paborito ng kauna-unahang babaeng minahal nila ng kapatid niya. Naupo siya sa damuhan saka sinindihan ang dalang mga kandila. Pinaglandas niya ang hintuturo sa bawat letra ng pangalang nakaukit sa lapida. “Sana nakinig ako sa ’yo noon.” Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya. “Kasi tama ka noong sabihin mo sa ’kin na isang araw, makakahanap rin ako ng babaeng para sa ’kin. Because I was able to find Gianna.” Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Nagsalubong ang mga kilay niya nang malaman na ang kaibigan ni Gianna na si Sierra ang nasa kabilang linya. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ang tawag nito. “Bakit mo naman tinangay kaagad ang bestfriend ko, Ric? Ni hindi mo man lang pinagpalit ng damit. Nagpakasal na ba kayo at-“ Bigla siyang napatayo. “What are you talking about? Hindi ko kasama si Gianna ngayon.” “Ano?!” Tumaas ang boses ni Sierra. “Pero bakit ang sabi ni Manong Guard, pagkalabas ko daw para bumili ng lunch ay dumating ka na at sinundo siya? Imposible namang magkamali ‘yon. Matagal ka nang kilala no’n-“ “Pero imposible rin na-“ Dumilim ang anyo ni Alaric nang maalala ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Caleb noong nakaraang gabi. “I will call you again, Sierra.” Sinabi niya saka mabilis nang tinapos ang tawag. “I can never really escape the past... can I? No matter how much I run away from it, it runs with me and hunts me every time.” Mapait na naibulong ni Alaric bago nagmamadali nang umalis ng sementeryo. Habang nasa daan ay pinilit niyang tawagan si Gianna pero si Sierra uli ang nakasagot niyon. Nalilitong sinabi nito na naiwan daw ng dalaga ang lahat ng gamit nito sa boutique. Nanggigigil na nasuntok niya ang manibela. “Damn it, Caleb! When will this end?”   “THREE, TWO, ONE...” Eksaktong natapos sa pagbibilang si Caleb nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Ngumisi siya nang makita niyang ang pangalan ni Alaric ang rumehistro sa screen. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kamang kinahihigaan ng tulog na tulog pa ring si Gianna bago niya sinagot ang tawag ng kapatid. “It’s exactly two hours before you called, Ric. What took you so long?” “Damn you, Caleb! Saan mo dinala si Gianna?” “Secret.” Sandali niyang nailayo sa tainga ang cell phone nang marinig uli ang pagsigaw ng kakambal. “I told you to guard her well, didn’t I? You ignored my warning. Poor Gianna,” Pumalatak siya. “Nagsusukat na nga lang ng wedding gown, natangay pa.” “Dammit! I swear if something happens to her, I will kill you!” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. “That was harsh, brother. But don’t you think you should be careful with your words since you know, she’s with me?” sagot niya bago muling lumapit sa kinahihigaan ni Gianna at naupo sa tabi nito. Pinaglandas niya ang mga daliri sa makinis na pisngi ng dalaga. Bahagyang natunaw ang galit sa puso niya nang mapagmasdan ang maamong mukha nito. Saglit niya ring nalimutan ang plano niyang dukutin si Gianna nang makita ito kanina. She looked like a goddess in her immaculate white wedding dress. Lalong tumingkad ang kaputian nito sa suot nito. Simple lang ang ayos ng dalaga. Walang make-up at nakalugay lang ang kulay brown na alon-along buhok pero lutang na lutang pa rin ang ganda nito. “Utang-na-loob, Caleb, ‘wag mo siyang idamay dito.” Bahagya nang humina ang boses na sinabi ng kakambal. “Bring her back and I promise I will do anything you want.” He gritted his teeth upon the simplicity of Alaric’s words. “Fine. Madali lang naman akong kausap, Ric. Bring back Erin’s life and I will bring back your precious Gianna.” Hindi niya binigyan pa ni Caleb ng pagkakataong makasagot si Alaric. Maagap na pinutol niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone nang makita niyang unti-unti ng nagkakamalay ang dalaga. Ilang sandaling tila disoriented na pinaglakbay nito ang tingin sa paligid matapos nitong imulat ang kulay amber na mga mata nito. Marahang tumikhim siya. “Hello again, Snow White.” Mabilis na napabangon ang dalaga. “You tricked me!” “Don’t worry; I apologized before I did that.” Naningkit ang mga mata nito. “Nasa’n ako? Bakit mo ‘ko dinala dito? I’m supposed to get married in six days!” Napatangu-tango si Caleb. “Right. But not anymore.” Tumayo na siya at tinalikuran si Gianna. “By the way, we are in my paradise. Private property ito kaya ‘wag ka nang mag-aksaya ng panahon sa paghingi ng tulong. No one would hear you aside from the guards and Manang Rosing who would not even try to help you.” “Ano ba talagang gusto mo?” Garalgal na ang boses na tanong ng dalaga. Caleb turned around to face Gianna. He refused to be affected by her tears. “Good question. Gusto kitang agawin sa kapatid ko. Magpapaagaw ka ba?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD