Chapter 3

2791 Words
BINALEWALA ni Gianna ang mga namutawi sa bibig ni Caleb. Sa halip ay napatitig siya sa wedding gown na suot niya pa rin nang mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap ay hindi na matutuloy ang kasal niya at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya, isang bagay na kahit kailan ay hindi niya naranasang magkaroon. Her throat started to clench. Her eyes burned with the tears she could not contain anymore. “Paano mo ‘to nagawa sa sarili mong kapatid? Why do you hate Alaric so much?” Tumigas ang anyo ni Caleb. “Quit looking at me as if I’m the worst man on the planet, Gianna. Because between Alaric and me, he’s the real monster.” Nang-uuyam na tinitigan siya nito. “Who knows? Baka nga all these years, pinaglalaruan ka lang pala niya.” “Hindi totoo ‘yan. Alaric would never do that to me.” Napailing pang sagot niya. “He loves me and I love him.” “Wow. Love is really blind, deaf and... Stupid.” Maanghang na sinabi ni Caleb bago tuluyan nang umalis ng kanyang kwarto. Ilang minuto siyang nanatili lang na tulalang nakatitig sa saradong pinto nang makarinig siya ng sunud-sunod na mga katok. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at iniluwa ang isang matandang babae na sa palagay niya ay naglalaro sa singkwenta ang edad. Alanganin itong ngumiti sa kanya. “Magandang hapon, ineng. Ako si Rosita, maaari mo akong tawaging Manang Rosing.” Ibinaba nito ang mga bitbit na paper bags sa gilid ng kama. “Ipinabibigay ni Sir Caleb ang mga ito, nandito na daw ang lahat ng mga kakailanganin mo. At kung nagugutom ka na, nakapagluto na ako. Pwede ka nang kumain sa ibaba kung gusto mo.” Mabait ang bukas ng mukha ng ginang at bigla pakiramdam ni Gianna ay nakasilip siya ng munting pag-asa kahit pinangunahan na siya ni Caleb kanina na walang tutulong sa kanya sa lugar na iyon. Tumayo siya at nakikiusap ang mga matang nilapitan ang ginang. “May cell phone po ba kayo, Manang Rosing? Pwede po bang makigamit?” “Pasensya na, ineng pero ang sabi ni Sir sa akin ay-“ “Please? Ikakasal na po kasi dapat ako pero kinidnap po ako ng... ng...” Muling tumulo ang mga luha ni Gianna nang maalala ang amo nito. “Ng alanganing tao, alanganing hayop na Boss nyo.” Hinawakan ni Manang Rosing ang mga kamay niya. “Naniniwala naman ako sa ’yo, ineng. Ang lagay nga ay suot mo pa ang damit pangkasal mo pero ako kasi ang mananagot kay Sir kapag-“ “Kahit saglit lang po, Manang. Please.” Malakas na bumuntong-hininga ang ginang bago iniabot sa kanya ang 3210 na cell phone nito mula sa bulsa. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magising si Gianna ay nakahinga siya nang maluwag. Dahil ibig sabihin ay may signal pala sa lugar na iyon. “Sandali ka lang, ha? Puntahan mo ako kaagad sa ibaba kapag ‘tapos ka na.”   “WHERE ARE YOU?” Ang nag-aalalang bungad ni Alaric kay Gianna sa kabilang linya matapos nitong marinig ang boses niya. Napatayo siya sa kama at sumilip sa bintana. Mga puno ng niyog, asul na dagat at ang puting-puting buhangin ang sumalubong sa paningin niya. Under normal circumstances, she would have appreciated the lovely scenery, but not now. Not when her heart was still too dazed by the sudden changes in her life. “Hindi ko alam, Ric. ‘Yon ang problema, hindi ko alam kung nasaan ako.” Sumasakit ang ulong sinabi niya. “All I can see are trees and... and...” Her voice trailed off. “Hush, sweetheart. I will get you out of there, okay? I promise you that.” “Alam ko.” Kahit paano ay ngumiti si Gianna. Alam niyang hindi siya bibiguin ni Alaric. “Ikaw na muna sana ang bahala sa mga bata.” Napahugot siya nang malalim na hininga. “At tungkol sa kasal-“ “What the hell?!” Agad na napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kanyang likod. Naroon at nakatayo si Caleb. His face was unreadable. Kinakabahang tinapos niya na ang tawag at itinago ang cell phone sa kanyang likod. Lihim siyang nagsisi na hindi man lang nai-lock ang pinto at hindi rin naramdaman ang pagdating ng lalaki. “Hand me that phone, Gianna.” Matigas na sinabi nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone. “A-ayoko.” “Hand me that phone or else I will give you something to be guilty about. I will fire-“ “I hate you.” Walang nagawang sinabi niya bago iniabot rito ang cell phone. Sandaling natigilan si Caleb. “It’s okay. I didn’t ask you to love me in the first place.” Bumuka ang bibig ni Gianna para lang maitikom din iyon sa bandang huli. Sa tindi ng galit niya ay wala na siyang iba pang masabi kay Caleb. Humugot siya nang malalim na hininga. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang siya nakaramdam ng matinding galit sa isang tao. Maski nang magkaisip na siya at malaman na iniwan lang siya ng kung sino sa gate ng isang orphanage ay hindi niya nakuhang magalit nang husto dahil lumaki siyang sagana sa pagmamahal ng Mother Annita niya at ng mga itinuring niyang kapatid sa orphanage kaya bago sa kanya ang nararamdamang matinding galit ngayon. Tinalikuran na ni Gianna si Caleb at akmang babalik na lang sa kama nang bigla siya nitong hatakin sa braso. Nanlaki ang mga mata niya. Bago niya pa tuluyang mamalayan ay nakapikit na ito at hinahagkan na siya sa mga labi.   YOU HAVE TWO OPTIONS, man. A, take her away, drop her in the ocean and let the sharks take care of her or B, make her fall in love with you. That would definitely devastate Ric. Naidilat ni Caleb ang mga mata nang maalala ang mga sinabing iyon sa kanya ni Evan bago niya pansamantalang iniwan rito ang pamamalakad sa mga hotel na pinagsososyohan nilang magkaibigan sa iba’t ibang bahagi ng Amerika. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang mga mata ni Gianna. Kitang-kita niya ang pinaghalu-halong takot, pagkalito at pagkagulat na nakabanaag sa mga iyon dahilan para mabitawan niya ito. Para bang nanghihinang napaupo ang dalaga sa sahig. None of his plans included kissing her. Ni hindi nga sineryoso ni Caleb ang payo ng kaibigan noon pero aminado siyang wala pa siyang konkretong plano para sa bihag niya maliban na lang sa sirain ang nakatakdang kasal nito sa kapatid niya. But when she said she hated him, it was as if she really... meant it. He did not know why but the fear in her eyes and the disgust in her voice kind of affect him in ways he could never figure out. Kung titigan siya ni Gianna ay parang siya na ang pinakamasamang nilalang na nakilala nito and he knew he had to do something about it that’s why he kissed her, hoping to somehow comfort her which obviously did not happen. Because it only made matters worse. Damn it! Napailing siya bago isinenyas sa dalaga ang dalang tray ng pagkain na pansamantala niyang inilapag sa bed side table nang madatnan niya itong may kausap sa cell phone kanina. “Kumain ka na.” Mahinahon nang sinabi ni Caleb. “Alam kong hindi ka pa nakakapag-lunch simula nang dalhin ka ni Alaric sa boutique ng kaibigan mo.” “Salamat na lang.” Malamig na sagot nito. “I would rather starve myself to death.” Sa isang iglap ay nagawa niya nang maitayo si Gianna at hawak na niyang muli sa braso habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa baywang nito. “All right, mamili ka. Kakain ka o hahalikan kita ulit.” Nauubusan na ng pasensiyang sinabi ni Caleb. Heck, if only she was not Gianna Rodriguez, if only she was not his brother’s bride-to-be, he would really rather starve her to death and would not even think twice about it! “Though to be honest, I would prefer the latter. I mean, okay lang naman ang mag-diet paminsan-minsan, ‘di ba?” Napasinghap si Gianna bago ito nagpumilit kumawala sa kanya at mabilis na lumapit sa bed side table. Kinuha nito ang tray, dinala sa kama at doon nagsimulang kumain. “Lumayas ka na.” Ngumisi si Caleb. “Madali ka naman palang kausap.” Tinungo niya na ang pinto at palabas na sana nang muli niya itong lingunin. “I’m a little disappointed, you know. I thought you would prefer my kiss considering that it’s limited offer only and I’m giving it for free.” Nagkulay-makopa ang mga pisngi ni Gianna. At bago pa makuhang rumatsada uli ng bibig nito ay maagap na lumabas na siya. Nang maisara niya na ang pinto, hindi niya napigilan ang amused na pagngiti, ang kauna-unahang totoong ngiti niya sa loob ng maraming mga taon. NANG SA WAKAS ay makaalis na si Caleb ay mabilis na tumayo si Gianna at ini-lock ang pinto bago siya muling bumalik sa kama at napahawak sa mga labi niya. Sa dinami-rami ng mga naging kaguluhan sa buhay niya mula nang makilala niya ang lalaki, hindi niya maintindihan kung bakit nagawa pang sumingit ng halik nito sa mga bagay na higit niyang dapat pagtuunan ng pansin. Sinorpresa siya ng ginawa ni Caleb na paghalik sa kanya dahil kakaiba iyon kaysa sa nauna. Masuyo iyon na tila ba kinakalma siya. It was as if he was trying to reach out to her... in his own way. It didn’t work, though, because it only troubled her even more. It made her question the real man behind the tough façade of Caleb Montero because if he was somehow capable of giving tenderness, then why would he think of destroying his own brother’s wedding? Anong nangyari sa magkapatid noon para gawin ito ni Caleb ngayon? Napakarami niyang katanungan at sa ngayon, tanging si Caleb lang ang makakasagot ng mga iyon pero duda siya kung aamin ito sa kanya. Because the man strikes her as a human switch that could easily turn on that human mode of him when he wants to and then quickly turn it off and be a monster flirt the next moment. Malakas na bumuntong-hininga si Gianna bago niya napansin ang mga paper bag na nasa gilid ng kama. Kinuha niya ang mga iyon at isa-isang tiningnan. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang makita ang tig-isang dosenang lace underwears roon. Meron ding tatlong negligee at tatlong pajama set. Bukod roon ay puro sundresses na ang mga naroon at dalawang pares ng flat sandals. Napailing siya bago kumuha ng damit at nagtungo sa nakapinid na pinto sa loob ng kwarto na sa palagay niya ay banyo. Pagbukas niya roon ay hindi nga siya nagkamali ng hinala. Naroon na at nakahanda lahat ng mga gagamitin niya sa pagligo. Malungkot na tinitigan niya nang matagal ang sarili sa naroong salamin habang suot ang wedding gown niya bago iyon mabigat sa loob na tinanggal. “Goodbye, family life...” bulong ni Gianna kasabay nang muling pagtulo ng kanyang mga luha. “And welcome to the unknown.”   NAGISING SI GIANNA kinabukasan nang maramdaman ang init na dumadampi sa kanyang balat. Pagmulat niya ay nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa gawing kaliwa ng kanyang kama. “Gising ka na pala, ineng. Gusto mo na bang bumaba para magkape?” Inaantok pang napatingin siya kay Manang Rosing na hindi niya namalayang nasa kwarto niya pala. Siguro ay ito ang nagbukas ng bintana. Mayamaya ay kumunot ang noo niya. Ang alam niya ay ini-lock niya ang pinto noong nagdaang gabi... “Pasensiya na po, Manang pero paano po kayo nakapasok?” Alanganing tanong niya. “Ang alam ko po ay...” “Maraming duplicate key si Sir.” Tila naaaliw na ngumiti ang ginang. “Sa katunayan ay tatlo ang ibinigay niya sa akin para kung sakali daw na maiwala ko ang isa at maisipan mong itago ang isa ay may matitira pa.” Nanlaki ang mga mata ni Gianna. “Ano ho? Aba, sana hindi niya na lang ako pinagkwarto! Wala rin naman po pala akong privacy.” Napakamot si Manang Rosing sa batok nito. “Iyon nga rin ang naisip ko noong una.” Sagot nito bago nagpaalam na sa kanya. Marahas na napabuga siya ng hangin bago tuluyan nang bumangon at inilibot ang tingin sa buong silid. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang dalhin siya roon ni Caleb ay ngayon niya lang nagawang pagtuunan ng pansin ang kinaroroonan dala ng galit sa lalaki. Malamig sa mga mata ang kulay langit na wallpaper ng kwarto na tila tatlong beses ang laki sa kwarto niya sa apartment niya sa Manila. Halatang mga mamahaling gamit lang ang naroon mula sa carpet, paintings, kama, hairdresser, closet at iba pang mga gamit. Kung sabagay ay wala sa kalibre ng lalaki ang bumili ng kung ano na lang... Naipilig ni Gianna ang ulo saka tumayo na at nag-ayos ng sarili. Pinili niyang isuot ang bulaklaking sundress na ang haba ay umabot lang hanggang kalahati ng mga hita niya. Tinernuhan niya iyon ng puting sandals. Itinali niya lang ang lampas balikat na buhok bago siya lumabas. Namangha siya nang bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng kabahayan na puti at itim lang na kulay ang nangingibabaw. Halatang lalaki ang nakatira roon dahil wala man lang siyang nakitang woman’s touch roon. Mayroon man siyang vase na napansin ay wala namang mga bulaklak na nakalagay. Napailing siya bago bumaba sa hagdan na naaadornohan ng pulang carpet. Kumalam ang sikmura ni Gianna nang malanghap kaagad ang mabangong aroma ng sa hula niya ay niluluto ni Manang Rosing pagkarating niya sa huling baitang ng hagdan. Akmang susundan niya ang naaamoy nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa kung saan. Kumunot ang noo niya at inilibot ang tingin sa buong paligid. Saka niya lang napansin ang nakabukas na pinto ilang hakbang ang layo sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Habang papalapit siya nang papalapit ay napansin niyang library iyon. Sa pinakasentro niyon ay naroon ang nagmamay-ari ng lugar na abala sa pakikipag-usap sa cell phone nito. Simpleng pantalong maong at cotton long sleeve shirt lang ang suot ni Caleb pero para itong isang hari pa rin na tuwid na tuwid na nakatayo paharap sa bintana, patalikod sa kanya. “Isa siyang doktor, Evan. He can just cure his broken heart.” Nahigit niya ang hininga. Nahulaan niyang si Alaric ang pinatutungkulan nito sa kabilang linya. “I can’t stop yet, man. Not until I’m sure I’ve completely ruined him.” He inhaled sharply. “Ni wala pa nga siya ngayon sa kalahati ng naranasan ko noon.” “Jerk!” Hindi napigilang naibulalas ni Gianna dahilan para mapalingon si Caleb sa kanya. “Wala akong naiintindihan sa nangyari sa inyo noon ng kapatid mo dahil unang-una, hindi ka naman nagpapaliwanag. But in the process of ruining Alaric’s life, aren’t you even aware that you’re ruining mine as well?” “’Exactly the point, Gianna. To ruin Alaric, I have to start with you because you are his weakness.” Tila walang anumang sagot nito bago ibinulsa ang cell phone. “At wala na ‘kong pakialam kung sino man ang masagasaan ko... as long as I get my revenge.” Naikuyom niya ang mga kamay. “’Wag mong baguhin ang buhay ng ibang tao dahil lang nabago na ang buhay mo.” Dumilim ang anyo ni Caleb. “Madali lang para sa ’yong sabihin ‘yan palibhasa hindi mo alam kung paano ang mawalan. Ano nga ba namang alam mo sa bagay na ‘yan kung wala ka pang muwang nang basta ka na lang iwan ng mga magulang mo sa kung saan?”   “TAMA KA.” Gianna said while pulling herself together. “Wala pa nga akong muwang noong iwanan nila ako pero malaki pa rin ang nawala sa ’kin, Caleb. Kalahati ng buhay ko ang nawala nang basta na lang akong iwanan sa orphanage. I lost my real identity, my roots and my parents without even knowing anything about them.” Napatingala siya sandali para kontrolin ang mga luhang nagbabantang pumatak mula sa kanyang mga mata bago niya nagawang humarap sa tila nagulat na anyo ni Caleb. “And just four years ago, nawala rin sa ’kin ang Mother Annita ko na nag-alaga sa ’kin buong buhay ko. You see, I don’t have a past, Caleb. I only have a present...” She smiled bitterly. “And I’m not even proud of it because of everything I’m going through right now, thanks to you.” Sa ilang sandali ay tila nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga berdeng mata ni Caleb na agad niya ring pinagdudahan. “Ngayon mo sabihin sa ‘kin na hindi ko alam kung paano ang mawalan.” For a moment, he looked like he was about to say something but decided against it at the last minute. Napailing siya bago ito tinalikuran. Mabigat ang mga paang dumeretso siya sa front door. Nang buksan niya iyon ay sumalubong sa kanya ang puting-puting buhangin at ang para bang nag-aanyayang dagat. Nagsisikip ang dibdib na ngumiti siya nang hindi kalayuan sa kanya ay may matanaw siyang mga lalaking nag-iikot sa paligid, nakasuot ng itim na damit ang mga ito at sa likod ay may nakalagay na security. Malapit rin sa mataas na gate ay nakita niya ang maliit na sementadong bahay na marahil ay tinutuluyan ng mga ito. She sighed. Matagal niya nang gusto ang magbakasyon sa ganoon kagandang lugar kaya lang ay hindi na siya nagkaroon ng oras dahil sa trabaho. Pero ngayon namang naroon na siya, hindi niya man lang makuhang ma-appreciate ang lugar. “Bakit ba ang hirap-hirap maging masaya, Lord?” Wala sa loob na naibulong niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD