“GIANNA? Are you still awake?” Dumilat si Gianna nang marinig ang boses na iyon ni Caleb mula sa pinto. Napasulyap siya sa digital clock sa bedside table. It was past ten in the evening. Pero mukhang gaya niya ay hindi rin makatulog ang binata. Nang hindi siya sumagot, hindi na ito nagsalita pa. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nakita niyang naglalakad na si Caleb palayo. “Hey,” tawag niya rito. “Why are you here?” Nilingon siya ni Caleb. Gaya niya ay nakasuot na rin ito ng pajama. Ang sa kanya ay terno na kulay pink habang ang suot naman nito ay asul at puting sando. May hawak itong itim na sweater. “Did I wake you?” Umiling si Gianna. “Do you want to take a walk outside?” “Sure.” Ngumiti si Caleb saka inilahad ang kamay nito na bago niya