Chapter 8

4901 Words

“SA SUSUNOD, lagyan n’yo ng lock ang bracelet ng apo n’yo. Kapag nawala pa ‘yan at ipinahanap na naman kay Gianna, ang apo n’yo na ang iwawala ko.” Nagising si Gianna sa narinig na pagtaas ng boses ni Caleb. Kumikirot ang ulong iginala niya ang paningin sa kinaroroonan. Naroon nga sa kanyang kwarto ang binata, nakatalikod sa gawi niya at kasalukuyang ginigisa ang nakayukong si Manang Rosing. Kahit nanghihina pa ay pinilit niyang bumangon. “Let her go, Caleb. I insisted to find that bracelet anyway.” Namamalat ang boses na sabad niya. Nang lumingon sa kanya ang dalawa ay sinikap niyang ngumiti. “Good morning.” “It’s good evening now, Gianna. You’ve been sick and sleeping the whole day.” Nakakunot ang noong sinabi ng binata pagkatapos ay sinenyasan nang umalis si Manang Rosing. Lumapit it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD