CHAPTER 18

1429 Words

MALAKAS ANG kabog ng dibdib ni Aliyah habang magkalapat ang labi nila ni Celestine. Nakapikit lang ang mga niya. Ang bawat t***k ng puso niya ay sinasabayan ng t***k ng kay Celestine. Dumilat siya at unti-unting lumayo rito. Bagaman bakas ang gulat sa mukha ng kaibigan niya, ang mga mata naman niya ay nangingislap nang idilat din at salubungin ang mga tingin niya. Huminga siya nang malalim saka ngumuti nang bahagya. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung paano ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kapag nagtanong ito. Nag-iwas siya ng tingin dito. "A-Aliyah..." "Hmm?" Tiningnan niya ito. "Bakit?" Ngumiti siya rito. "B-bakit mo iyon ginawa?" Bahagyang nalaglag ang panga niya sa tanong nito. "Ah..." Kaagad siyang naghagilap ng isasagot ngunit tila naumid ang kaniyang dila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD