CHAPTER 2

920 Words
NAIWANG NAKATULALA si Aliyah sa Math Garden. Hindi niya maintindihan si Celestine. Bakit pakiramdam niya ay nagsisinungaling ito sa kaniya. Tila may hindi ito sinasabi at naglilihim.     May mumunting  kirot sa puso siyang naramdaman. Huminga si Aliyah nang malalim saka inayos ang unipormeng suot. Muli niyang nilingon ang daan na tinahak ng kaibigan saka umiling.     "Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko, Tine. Sana mali ang hinala ko kasi masasaktan talaga ako nang sobra," aniya habang tinatapik nang marahan ang dibdib.     Umihip ang malakas ngunit presko at sariwang hangin dahilan upang tangayin ang kaniyang buhok na maiksi. Hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok nang tumama iyon sa mga mata niya.     Napangiti siya nang wala sa sarili nang maalala kung paano sila naging magkaibigan ni Celestine.     Parehas sila ng school since Grade 7 pa lang at hanggang ngayon na nasa Senior High na sila, parehas pa rin sila ng paaralan na pinapasukan. Kahit hindi sila magkaklase, palagi silang may oras sa isa't isa. Maganda si Celestine pero madalas itong ma-bully dahil sa sobrang tahimik nito. Nagmumukha pa itong nerd kahit palaging napipiling muse. Pili lang din ang kinakausap nito. Kung hindi nito masyado kilala or kadikit, tango at iling ang ginagawa nito sa tuwing kakausapin siya.     'She's my bestfriend. I don't know why pero magaan ang loob ko sa kaniya noong una kaming nag-usap at naging magkaibigan.'     Hindi naman siya naiinggit sa gandang tinataglay ng kaibigan dahil maganda rin naman siya. Iyon nga lang, si Aliyah ay simple lang. She's not using make-ups unlike Celestine. Fashionista rin ito samantalang siya ay simpleng faded jeans, shirt at converse shoes lang ang pormahan. Mas komportable kasi itong isuot kaysa sa mga high heels shoes gaya ng madalas isuot ng matalik na kaibigan. Hindi niya ma-imagine ang sariling magsusuot no'n. Sa isip pa lang ay napapangiwi na siya agad dahil sigurado siyang masakit iyon.     At kung si Celestine ay palaging nagiging muse, siya ay hindi. Siya iyong tipong nasa isang sulok lang nga silid-aralan at nagbabasa ng aklat o nagdradrawing ng mga damit.     Ulila na si Aliyah at lola na lang niya ang nagpalaki sa kaniya. Kaya naman sobrang blessed niya dahil hindi na siya tinuring na iba ng pamilya ni Tine. Masaya rin siya sa presensya ng kaibigan at komportable. May mga bagay siyang dito lang niya nasasabi at nakukwento.     Tumayo  siya at sinukbit ang sling bag at dinampot ang mga aklat sa ibabaw ng mesang gawa sa semeto. Akmang tatalikod na siya nanag mahagip ng kaniyang paningin ang isang kulay puting tela na nasa ilalim. Kaagad niya itong dinampot at sinuri.     "Nahulog ni Celestine?" tanong niya sarili. Kilala niya ang mga ganitong personal na gamit ni Tine, palaging may pink butterfly ang nakaburda sa mga iyon. Nilagay niya sa bulsa ng kaniyang blouse ang panyo at napagpasyahang dalin sa kaibiagn ang munting tela.     Habang nasa daan, iniisip ni Aliyah na puntahan muna nag kaibigan sa librarry dahil iyon ang sinabi nito kanina.     "Aliyah!"     Lumingon siya sa lalaking tumawag sa kaniya. Si Thomas San Pedro iyon, ang matagal na niyang manliligaw.     "Oh, Thomas. Bakit?" She asked.      Ngumiti muna ito at napakamot sa ulo na tila nahihiya. " Uuuwi ka na ba?"     "Hindi pa. Bakit?"     "Talaga? Saan ka ba pupunta?"     "Naiwan kasi ni Celestine 'tong panyo niya." iNilabas niya ang puting tela at pinakita sa kaharap. " Isusunod ko sa kaniya."     "P'wede ba kitang samahan?"     "Oo naman. Tara, sa library muna tayo."     Nauna itong lumakad at naramdaman niya ang presensya nito sa kaniyang likuran. Pasimple niya itong tiningnan at pinag-aralan.     Gwapo si Thomas. Mapungay nag mga mata nito at mahahaba ang mga pilik-mata. Ang mga kilay ay makapal na nakakadagdag ng appeal dito. Ang ilong nito ay matangos at makinis ang maputing balat. Halatang anak ng mayaman.     Narito na ang mga gugustuhin ng mga babae. Lahat ng magagandang katangian na hahanapin sa isang lalaki ay na kay Thomas na. Ngunit hindi para kay Aliyah. Hindi niya matukoy kung bakit pero wala siyang ibang nararamdaman sa binata. Pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay rito.     Mabait at gentleman din naman ito.     Naging matapat si Aliyah sa binata na hindi niya kayang suklian ang panliligaw nito. Pagkakaibigan lang ang kaya niyang i-offer at ayaw niyang masira ang friendship nila dahil lang sa kaalamang busted ito.     Ngunit, sadyang malakas ang loob ni Thomas. Buo ang kompyansa nito sa sarili na darating di umano ang tamang oras at matututunang sin niya raw itong magustuhan at mahalin.     HIndi na lang siya kumokontra dahil baka mas masaktan ito.     "MA'AM, NADITO po ba si Celestine Guevarra?" Nakangiting  tanong ni Aliyah nang makapasok siya sa loob ng silid-aklatan.     Saglit itong sumulyap sa log-book na nasa mesa at mabilis na pinasadahan ng tingin ang mga pangalan. "Wala siya rito.Kahit kanina ay hindi siya nagawi rito."     Bahagya siyang natigilan sa narinig. "A-ah, okay po. Salamat po," aniya saka lumabas.     "Nakita mo?" tanong ni Thomas na nakaupo sa bench sa tapat ng library.     Umiling si Aliyah. "Wala siya sa loob pero ang sabi niya kasi kanina, may dadaanan siya rito."     "Ano na ang balak mo?" tanong muli ng binata sa kaniya habang nagsisimula na silang maglakad.     "Dalin ko na lang siguro sa bahay nila ngayon," sagot niya.     "Okay. I'll come with you."     "No, Thomas. I can manage." Nakaramdam na siya ng hiya.     "I insist, Aliyah." Seryoso at mukhang hindi na mababago pang wika nito sa kaniya.      Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ang binata. Mukhang hindi rin naman ito magpapaawat. Sa kulit at tigas ng ulo nito, wala siyang tyansang manalo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD