TALIWAS ANG sagot ni Celestine sa gusto niyang mangyari. Pakiramdam niya kasi ay hindi niya kayang gawin ang maging malaya sa lahat lalo na kay Aliyah. Wala siyang kasiguraduhan kung matatanggap ba siya nito o hindi. Ang layuan siya nito ang pinakanakakatakot niyang bagay sa buong buhay. Naramdaman niya ang kamay ni Aliyah na humawak sa kaniya. Nilingon niya ito at napangiti siya nang isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kaniya. Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako makapaniwala na kahit ang daming beses mo nang sumali sa mga kagaya nitong contes ay kinakabahan ka pa rin." "Normal ang kabahan. Normal ang matakot," aniya rito. Tumango ito. "Ang ganda ng sagot mo. Alam ko na nakuha mo ang loob ng mga hurado," aniya saka sinulyapan ang mga judge na nasa stage din. Noon lang niya n