Tumunog na ang elevator hudyat na nasa pinakaunang palapag na ako. Pagkalabas ko'y luminga-linga muna ako sa paligid. Wala na rin masyadong tao. Siguro'y nagsiuwian na rin ang iba. "Sha!" Mabilis kong hinanap ang taong tumawag sa'kin. Nakita ko si Chloe na nasa lobby area at nagmamadaling naglalakad papunta sa direksyon ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ba't nandito ka pa? Supposed to be kanina pa ang out mo, ah," nakakunot ang noong tanong ko. "Hinintay kita, sIyempre. Gusto kong magkUwento ka. Kumusta first day? Ang gwapo ni Mr. Monteverde, 'no? Masungit ba siya? Pinagalitan ka ba niya? Si Celestine, iyong bruhang syota ni Mr. Monteverde, may ginawa ba siya sa'yo?" tuloy-tuloy na tanong niya sa'kin. "Teka lang naman. Ang daming tanong. I assume na ihahatid mo ako pauwi." Ngumisi