Kabanata IX

1093 Words
Nang mag-aalas dos na ng hapon ay biglang tumunog ang telepono. Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras? Kinuha ko ang telepono saka sinagot ang tawag. "Good afternoon. Monteverde's office on the line, how may I help you?" bungad ko. "Miss Riley, this is Clyde. Is Lunoxx there?" Napaayos naman ako ng upo nang mapagtantong si Sir Clyde pala iyon. "Wala po, sir. Umalis po siya kasama si Madame Celestine. Bakit po?" Saglit siyang natahimik saka sumagot, "Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, hindi siya sumasagot. Akala ko'y nandiyan siya." "Tungkol po ba ito sa lakad ninyo mamaya, Sir Clyde? Nasabihan ko naman po siya kanina. Baka mayamaya ay andito na po 'yon." "Okay. Thank you. How's your first day?" Nagulat naman ako sa biglaang pagtanong niya. "Ayos lang naman po. Medyo masungit nga po ang anak ninyo pero kaya ko naman po." Rinig ko ang impit na pagtawa niya sa kabilang linya. "Good to hear that. Sige. I have to go." Nang ibinaba na nito ang tawag ay nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Ang dami kasing email na kailangang i-encode, at email na kailangan ko ring sagutan. Balak ko itong tapusin ngayon dahil kung hindi, baka matatambakan na ako ng mga gagawin bukas. Ilang minuto pa ang lumipas ay ramdam ko ang pagbukas ng elevator. Napunta roon ang atensyon ko at nakitang kararating lamang ni Lunoxx at ni Celestine. Nanatiling seryoso ang mukha ni Lunoxx habang si Celestine naman ay kausap si Lunoxx habang nakaangklas ang kamay nito sa braso ni Lunoxx. Tumayo ako upang kausapin si Lunoxx. Baka kasi nakalimutan niya na iyong tungkol sa lakad nila ni Sir Clyde. Ayoko namang mayari kung sakali. Napunta sa akin ang atensyon ni Celestine habang si Lunoxx naman ay hindi ako pinansin. Bago pa man sila tuluyang makapasok sa opisina ay nagsalita na ako. "Mr. Monteverde, baka po makalimutan ninyo ang lakad ninyo mamaya ni Sir Clyde," wika ko. Unang lumingon si Celestine sa akin. Masama ang kanyang tingin na para bang pinapatay niya ako sa kanyang isipan. Hindi ko siya pinansin. "You don't have to remind me about that. Hindi mo kailangang ulit-ulitin sa akin ang schedule ko." Pumasok na siya sa pintuan ng kanyang opisina na kabubukas lang. Hindi man lang siya lumingon sa akin. Si Celestine naman ay nakangisi habang nakatingin sa akin. Napansin ko pa ang pagbigkas niya ng "b***h" kahit na hindi ko iyon narinig. Pagkapasok nilang dalawa ay umupo na ako. Pinakalma ko pa ang sarili ko. Nakaka-stress naman itong ugali ng boss ko. Isali mo pa ang girlfriend niyang akala mo'y kasindak-sindak ang presensya. Nang mag-alas tres ng hapon ay saka siya muling lumabas ng kanyang opisina. Nakaangklas pa rin ang kamay ni Celestine sa kanang braso ni Lunoxx. Masama pa rin ang tingin sa akin ni Celestine. "You," malamig na tawag niya. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin nang tumigil siya sa desk ko. Mabilis naman akong tumayo para harapin siya. "Yes, Mr. Monteverde?" "You can leave my office at 6p.m." Tumango naman ako sa kanya. "Okay, Mr. Monteverde." Pagkatapos no'n ay tumalikod na sila sa akin at naglakad papasok ng elevator. Umupo na lamang ako nang magsarado ang elevator. "Buti naman at hindi ko na siya makikita pa hanggang mamaya," bulong ko sa sarili. Pinagpatuloy ko na ang mga dokumentong kailangang tapusin ngayon at mga emails na kailangang sagutan. Nang mag-alas singko na ng hapon ay umakyat naman si Kuya Joel. Isa siya sa mga housekeeper dito. Nagpaalam naman siya sa akin na lilinisin niya ang palapag na ito. Hinayaan ko naman siya. Nang lilinisin niya na ang opisina ni Lunoxx ay sinamahan ko naman siya sa loob. Inayos ko na rin ang mga gamit nito sa kanyang desk. Hindi naman masyadong makalat si Lunoxx sa mga gamit niya kaya madali akong natapos. Pagkatapos non ay sabay na kaming umalis ni Kuya Joel. Nang mag-alas sais na ng gabi ay inayos ko na ang mga gamit ko. Niligpit ko na rin ang mga dokumento para pirmahan ni Lunoxx bukas. Nang matapos ako'y muli akong pumasok sa loob ng kanyang opisina para i-off ang aircon at ang ilaw. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kanyang opisina. Muling tumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko pa lang sa pangalan ni Mama ay napangiti ako. Alam kong si Shaina ito. Nakangiti kong sinagot ang tawag na 'yon at itinapat ang cellphone sa tainga ko. "Mama! Pauwi na po kayo?" Marinig ko lang ang boses ng anak ko'y pakiramdam ko'y nawala bigla ang pagod sa katawan ko. "Yes, anak. Pauwi na si Mama. May gusto ka bang pasalubong?" tanong ko. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na ako. "Wala naman po, Mama. Sabi po ni Lola hihintayin ka na lang daw po namin pag-uwi mo para sabay tayong kakain." Napapangiti talaga ako sa tuwing naririnig ko ang boses ng anak ko sa telepono. Kahit na four years old pa lang si Shaina ay tuloy-tuloy na itong magsalita. Hindi kasi namin siya binebabytalk. Kaya ngayon, sa edad niyang 'yan ay maayos na siyang nakikipag-usap kahit kanino. "Talaga? Nako. Excited na si Mama na umuwi dahil makikita na ulit kita. Sige, hintayin mo ako, ah? I love you, Ina. Mahal na mahal ka ni Mama." "I love you too, Mama! Sobra sobra!" Parang hinaplos ng bahagya ang puso ko sa sinabi niya. Masasabi kong isang pagkakamali ang nangyari noong gabing 'yon apat na taon na ang nakalilipas. Pero sa kabila ng pagkakamaling iyon ay masaya ako dahil dumating sa buhay ko si Shaina. Hindi ko man maibigay sa kanya ang kompletong pamilya na hinihiling niya, pinunan ko naman iyon ng sobra-sobrang pagmamahal. Masaya ako dahil kahit na walang nakilalang ama ang anak ko, naging kontento pa rin siya. Ang alam ni Shaina ay patay na ang kanyang Papa. Hindi ko naman kasi inaasahan na muli kaming magkikita ni Lunoxx pagkatapos ng ilang taon. Ang matindi pa ay boss ko siya. Ngunit, napapaisip ako kung bakit parang hindi niya ako maalala? Imposibleng hindi niya ako maalala dahil matagal kaming nagkasama sa condo niya. Nakapag-usap kami. Kahit na nalasing kami pareho ay tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang pigura ng kanyang katawan, ang mahaba niyang pilikmata, ang manipis at mapula niyang labi. Well, ano pa ba ang maaasahan ko? Maybe he's really after for s*x, and not because he wanted me to be safe from those random guys gaya ng kaniyang sinabi. Mas mabuti na rin iyong hindi niya ako maalala dahil hindi niya puwedeng malaman na nagbunga ang pangyayaring iyon. Akin lang ang anak ko. Akin lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD