Habang pauwi kami ni Chloe, nagsisimula na rin ako sa pagkukwento sa kaniya tungkol sa nangyari sa akin buong araw. Tahimik lamang siyang nakikinig, at minsan naman ay nagre-react siya. Para ngang timang itong babaeng 'to dahil gumagwapo raw si Lunoxx sa imahinasyon niya kapag naiisip niyang cold at bossy type si Lunoxx. "Alam mo ba na minsan ay naisipan ko ring mag-apply bilang secretary? Kaso mapapagalitan ako ni Daddy, e," natatawang sabi niya. Hinampas ko naman siya sa balikat. "Ba't mo naman naisipan iyan? Maigsi lang ang pasensya mo, Chloe. Hindi mo kayang pagtiisan iyang si Lunoxx Monteverde." "So you really think na kaya mo siyang pagtiisan?" Naging matalas ang tingin niya sa'kin. Umiwas ako bigla ng tingin sa kaniya. "Hindi, 'no. Wala lang talaga akong choice kundi ang tiisin