Kabanata II

1147 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Inilagay ko na sa bag ang uniporme na aking isusuot mamaya. Ito ang unang araw ko sa Monteverde Company. Kahapon noong umuwi ako'y sinabi ko agad kay Mama ang tungkol sa trabaho ko. Una ay hindi siya naging sang-ayon sa naging desisyon ko, ngunit nang sabihin ko na temporary lang ito'y pumayag naman siya. Nasabi ko na rin kay Chloe ang tungkol dito, gaya rin ni Mama ay hindi ito makapaniwala na janitress ang magiging trabaho ko sa kumpanyang iyon. Gaya kahapon ay sabay pa rin kaming papasok, since kailangan niya ring pumasok nang maaga. Naalimpungatan si Shaina nang maramdaman niya sigurong wala ako sa tabi niya. Nagising ito at hinanap agad ang presensya ko. Nang makita ako'y ngumiti siya. "Mama, aalis na po kayo?" inaantok niyang tanong. Tumigil muna ako sa pag-aayos ng gamit saka nilapitan ang anak kong inaantok pa. "Yes, Ina. Kaya dapat behave ka rito kasama si Lola, ah? Help ka sa kaniya mamaya 'pag may ginagawa siya rito sa bahay. Okay?" Tumango naman ang anak ko. "Ingat ka po ro'n, Mama. Wait po kita mamayang gabi pag-uwi mo po, ah." Hinalikan ko siya sa noo. "Sure. Dapat pagpasok ko pa lang sa gate, sasalubungin mo na ako agad." "Yes, Mama! I love you!" She's really the sweetest. "I love you, too. Sige, sleep ka na ulit." Pinatulog ko muna siya ulit, at nang makatulog na nga ito'y lumabas na ako para puntahan si Mama na ngayon ay nasa kusina at nagluluto. "Oh, anak! Alas sais pa lang ng umaga, ah. Aalis ka na?" "Kailangan po kasi naming pumasok nang maaga ni Chloe, Ma." "O, siya sige! Pero mag-almusal ka muna. Umupo ka na." Sinabayan na rin ako ni Mama sa hapag. Nagkuwentuhan pa kami tungkol kay Shaina dahil nga sa araw-araw na akong wala rito sa bahay. "Ma, kumuha na po kaya tayo ng kasambahay? Para lang po hindi ako mag-aalala sa inyo at kay Shaina. Para po may kasama rin kayo dito," suhestyon ko. Umiling lamang siya. "Ano ka ba! Kaya ko pa naman alagaan ka at ng apo ko. Dagdag gastusin lang kapag kumuha ka pa ng kasambahay." Kung sa bagay ay tama naman si Mama. Pero kapag nakapag-ipon na talaga ako, kailangan ko pa rin talagang kumuha ng kasambahay para naman may katulong si Mama sa gawaing bahay. Nang mag-alas saisy medya na ay rinig ko ang pagbusina ni Chloe sa labas ng bahay. Mabilis na akong nagligpit ng pinagkainan saka nagpalaam kay Mama. Lumabas na ako't naabutan ang kotse niyang naroon. Binuksan ko na ang pintuan ng front seat saka nakipagbeso sa kaniya pagkapasok ko. She rolled her eyes. "I still can't believe you're working as a janitress at Monteverde's Company." Natawa naman ako. "Tss. Still, janitress is a decent job. Walang masama ro'n. Tsaka nga 'di ba, temporary lang 'to." She hissed and started the engine. Ang dami niyang naikuwento sa'kin habang nasa biyahe kami. Sinabi niya rin na kahapon ay gulantang ang lahat dahil halos nandoon ang mga bigating magpipinsan ng CEO. I wonder, sinong magpipinsan ang tinutukoy niya? "Ba't nando'n ang mga pinsan ng CEO? Tsaka why big deal? I'm puzzled," nalilitong tanong ko. Napatampal siya sa noo. "Oo nga pala. Bago ka nga lang pala ro'n. Well, 'yong mga 'yon ay walang iba kundi sina Ryko Gomez, Lucas Valdez at Bruno Laurent tsaka-" Nagulat ako sa narinig ko. "Si Bruno Laurent ay pinsan ng CEO?!" Tumango naman siya at kumunot ang noo. "Why? Kilala mo ba siya?" "s**t!" Oo nga't nasabi ko sa kanila ang tungkol sa pagiging janitress ko ngunit hindi ko sinabi sa kanila iyong tungkol sa pagsama ni Bruno Laurent sa'kin dahil ayokong maintriga sila na may lalaking nagmagandang loob na samahan ako. "Ba't nga?! Nakakagulat ka naman Sha, e!" Ikinuwento ko kay Chloe ang totoong nangyari kahapon. Pagkatapos kong magkuwento ay binatukan ako ng gaga! "Leche ka. Ba't hindi mo agad sinabi sa'kin?!" sermon niya sa akin. Naglipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa daan. Siya naman ang binatukan ko this time. "Ayoko lang naman na maintriga kayo, 'no! I knew you well..." Umayos na ako ng upo. "Pero, seryoso? Pinsan siya ng CEO? Kaya pala tingin nang tingin ang ibang empleyado sa'min no'ng magkasama kami kahapon." Nang makarating kami sa kumpanya ay sabay na kaming pumasok. Naghiwalay lang kami no'ng umabot na ng 5th floor dahil kailangan ko nang lumabas ng elevator. Pagkarating ko sa parang rest area ng mga janitress ay nakita ko na rin ang iba pang mga kasama ko na nandoon. Nakita ko rin si Sir Je na ngayon ay nakatutok sa writing pad na hawak niya na para bang may binabasa ito. "Good morning po," bati ko sa ibang kasama ko na nandoon. Nginitian din nila ako at binati pabalik. "Oh! Miss Riley, nandito ka na pala!" "Good morning, Sir Je." "So, guys, this is Shaznia Riley, bago ninyong kasamahan. I hope you'll treat her nicely lalo na't bago lang siya rito," pagpapakilala ni Sir Je sa akin sa mga kasamahan ko. They all smiled at me. "Hello! I'm Shaznia Riley and you can call me Sha. I hope I can get along with you all," nakangiting sabi ko. "Ang ganda mo naman, Sha. Hindi ka bagay maging janitress. Ang ganda pa ng kutis mo," someone said. They all agreed, habang si Sir Je ay tahimik lang. Nakaramdam ako ng hiya but I still managed to smile at them. Napatingin si Sir Je sa relo niya. "Okay, back to work. It's already 7:15, and alam na ninyo lahat kung sa'n kayo naka-assign. You know what to do, and kung may problema just inform me. Okay?" "Yes, Sir Je," sagot nila. "Sir, anong floor po ako naka-assign?" nagtatakang tanong ko. "Oh, sorry!" Ch-in-eck nito ang papel na nakapatong sa dala niyang writing pad. Biglang kumunot ang noo nito. "Sinong assign sa floor ni Mr. Monteverde?" Lahat sila'y umiling. Lalong kumunot ang noo ni Sir Je. "This can't be..." "Sir?" tanong ko sa kaniya. He sighed. "Okay, Miss Riley, you are assigned at 42th floor." 42th floor? Iyon ang huling floor ng building na ito, ah. Don't tell me- "Hala! Hindi ba floor 'yon ng office ni Mr. Monteverde?" tanong ng isa sa kasamahan ko. Hindi na iyon pinansin ni Sir Je at pinapunta na nito ang mga kasama ko sa assigned floors nila. Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako nito. "Be careful with his things. Don't mess anything. Kapag sa tingin mong malinis na, huwag nang linisin pa. Mr. Monteverde's office is very clean, bihira lang na may makita kang kalat do'n. And remember this, ayaw na ayaw niyang may naglilinis habang nasa loob siya ng opisina niya. Meaning, you need to clean his office habang wala siya." Ang arte naman nitong CEO na 'to! "Mamaya pa papasok 'yon kaya habang maaga pa, linisin mo na. Sige na, go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD