Kabanata III

1780 Words
Umakyat na ako sa pinakahuling palapag ng building na ito. May mga nakasabay pa akong empleyado habang nakasakay sa elevator. I wonder how Mr. Monteverde's office looks like. Ang sabi naman ni Sir Je ay malinis ito. Why not let his secretary clean that area na lang, hindi ba? Nakakatakot din naman kasing maglinis nang mag-isa roon dahil kapag may nawalang gamit edi siyempre, ang janitress talaga ang ultimate suspect. Ano kayang pakiramdam na maging secretary ng isang CEO? Nababasa ko lang iyon dati sa mga libro, e. O ‘di kaya'y napapanood sa mga telenovela. Tumunog na ang elevator hudyat na nasa huling palapag na ako. This is it. It's time to give your best shot, Sha! Nang bumukas ang elevator ay nagmadali na akong lumabas. Sumalubong sa akin ang napakaganda at modernong disenyo ng opisina ng sekretarya na may kasama pang waiting area. The elegance is seamlessly achieved because of its subtle lighting and colour tones of the light brown wooden desk, its marble columns and the frosted glass wall. Isama mo pa ang dalawang black leather armchairs na nandoon. Hindi naman siya closed-office because it looks like a reception desk pero ang ganda pa rin nito. "Maglilinis ka ba?" tanong ng babae sa akin nang nakangiti. Tumango naman ako saka iginala ang mga mata ko sa kabuuan ng palapag na ito. "Talaga bang maglilinis ako rito? E, mukhang malinis naman na." Halos puwede na nga ata akong humiga sa sahig. Ni wala akong makitang alikabok o kalat. "I am Miss Fiona Lamueste, the secretary of Mr. Monteverde. By the way, sa tingin ko nga hindi mo na kailangang linisin ito, e. Hindi ko nga rin alam kung bakit kailangan pang may maglinis dito, e, madalang lang naman na may nakakaakyat dito." Nagkibit-balikat ako. "Baka perfectionist si Mr. Monteverde at gusto niyang sobrang linis itong palapag ng opisina niya. Ikaw ba 'yong bagong sekretarya niya?" tanong ko. Nakangiting tumango ito. "Kinakabahan nga ako, e. Medyo bossy type kasi at hindi palasalita." Trabaho ba ng isang CEO 'yon? Hindi naman siguro. Tsaka baka ganoon lang talaga si Mr. Monteverde. Strict and focus. There's nothing wrong kung hindi siya madaldal sa sekretarya niya. Baka lalong magtataka ang lahat kapag close sila. "Saan ba ang opisina niya? Nang malinis ko na," pag-iiba ko ng usapan. Itinuro niya ang isang malaking pintuan sa tabi ng kaniyang opisina. "Paano ko mabubuksan?" tanong ko. Tumayo naman ito saka sinamahan ako. "Aayusin ko na rin kasi ang gamit ni Mr. Monteverde kaya sasamahan na lang kita." "Ah, sige." "Need mo lang itapat ang I.D mo rito." Turo niya sa rectangular-shaped device na nasa tabi lang ng pintuan. Gaya ng sabi niya'y itinapat niya ang kaniyang I.D sa maliit na digital na iyon, at wala pang limang segundo ay bumukas na ang pintuan. Hindi ko rin inaasahan na sliding door pala ito. Ang galing. "Do the same thing, okay?" paalala niya sa akin saka ko iginaya ang ginawa niya. Katulad kanina ay muling bumukas ang pintong pasara na sana at bumungad sa akin ang napakamoderno at eleganteng opisina ni Mr. Monteverde. Inside his office is a black executive desk and leather upholstered chairs and the light brown wood wall cladding. It also has a crystal chandelier centering the meeting table making it more interior and warm. "Ang galing naman pala ng pintuan ni Mr. Monteverde. High-tech," natatawang sabi ko. "Oo nga, e. Nagulat din ako kahapon. Pero ngayon, nasanay na rin. Ang sarap pala sa pakiramdam na maging secretary ni Mr. Monteverde. Kahit may girlfriend na iyon ay kinikilig pa rin ako," kuwento niya habang inaayos nito ang mga gamit ni Mr. Monteverde sa lamesa. She's arranging the books, the monitor, and every stuff na nasa lamesa ni Mr. Monteverde habang ako naman ay halos hindi makahanap ng puwedeng linisan. Paano ba naman kasi, ang linis na nga ng opisina niya, e. "Ano bang lilinisan ko rito?" bulong ko sa sarili. "Nako. Alam mo ba na may friend akong janitress din. She's working na for almost two months and sinabi niya sa akin na kapag ikaw ang naka-assign sa opisina ni Mr. Monteverde, hinding-hindi ka mapapagod," natatawang sabi niya. "Tingin ko nga. Pero ang ganda ng opisina niya, 'no? Nakakatakot na may mabasag o masira kang gamit kasi feeling ko dolyar ang halaga ng mga gamit dito." Pinagmasdan ko rin ang kaniyang sofa lounge. It has a combination color with his desk. Dahil naka-black leather seats naman ang kaniyang couch or I must say—a corporate waiting area. But its design is so luxurious. Pakiramdam ko 'y hindi ako nababagay na umupo roon. The seats were complemented with accents of gold and a warm colour tone achieved by the light brown cladding. May cantilevered floor lamps din na nakalagay sa sulok which makes the design simpler but eye-catching. Sa tingin ko'y sinadyang ilagay dito ang mga upuan na ito because of the natural daylight permitted through the large wall windowsof his office. Ang ganda sigurong tumambay dito at mag-relax. Isama mo pa ang malaking glass window kung saan mo makikita ang buong siyudad ng Manila. May napansin akong pintuan sa tabi ng mga black seats kanina. "Anong opisina 'yan? Para saan 'yong pinto na 'yan?" kuryosong tanong ko habang pinapalitan ng bagong trash bag ang pinaglalagyanan niya ng basura. "Ah, meeting room ni Mr. Monteverde. Maganda rin sa loob niyan. Kaso bawal tayong pumasok kapag walang meeting," sagot ng sekretarya. "Does it mean, hindi ko na lilinisan iyan?" tanong ko. Tumango naman siya. "Hindi na. Malinis naman na ang loob niyan. Kasing linis nitong opisina niya. Ang sabi'y nililinisan lang iyon kapag may natapos na meeting diyan sa loob," paliwanag niya saka ito tiningnan ang mga gamit ni Mr. Monteverde. Sa tingin ko, she's checking if naayos niya na ba lahat ng gamit ni Mr. Monteverde. Muli siyang tumingin sa akin. "Ano? Tapos ka na ba?" tanong niya. "Pinalitan ko na lang iyong trash bag dahil may mga crumpled papers kasi roon. Bukod ro'n, wala na," sagot ko. Muli naming pinasadahan ng tingin ang opisina ni Mr. Monteverde bago tuluyang umalis. Itinuro rin sa akin ni Miss Fiona ang restroom ni Mr. Monteverde. Nasa pinakadulong hallway pala ito. Nang tinanong ko siya kung bakit nasa dulo ito, ang sagot naman niya'y ayaw daw ni Mr. Monteverde na nasa loob ng opisina niya o malapit sa opisina niya ang kaniyang restroom. Weird. Sobrang arte niya naman sa sarili. May itinuro rin siyang pintuan sa akin kung saan daw naka-store ang mga snacks, coffees at ibang mga foods for Mr. Monteverde at sa mga bisita nito. Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ni Miss Fiona ito sa akin, e, janitress lang naman ako pero hinahayaan ko na lang siya kasi siguro ganito lang talaga siya kadaldal. Kakulay din ng pinto na iyon ang pinto ng opisina ni Mr. Monteverde. Hindi na ako magtataka na trading of furnitures itong kumpanyang pinasukan ko dahil mga disenyo pa lang ng opisina nila ay masyado ng kabog. Kung sa bagay, sila nga pala ang Top 1 for Philippines Best-Performing Companies. Kaya siguro pati sa mismong disenyo ng kumpanya nila ay hindi sila nagpatalo. Nagpaalam na rin muna ako kay Miss Fiona na lilinisan ko muna ang restroom ni Mr. Monteverde. Bumalik na rin siya sa opisina niya saka hinayaan na ako. Nang makapasok ako sa restroom ni Mr. Montervde, muli ay hindi ako nabigo sa disenyo nito. Kahit umapak ay takot ako. It also has a combination of wood finish and dark grey flooring and paneling. Napaka-minimalist ng dictures nito. Sobrang linis at eleganteng tingnan. Ibang klase. Wala na rin akong ibang nilinisan doon dahil bukod sa malinis at tuyo ito, wala rin namang laman ang trash bag na nandoon. Kahit siguro tumae ay nakakahiyang gawin dito sa restroom niya. Tuluyan na rin akong nagpaalam kay Miss Fiona na ngayon ay abala sa kaniyang kausap sa telepono. Hindi pala madaling maging sekretarya ng isang CEO. Base pa lang sa mga ayos ng gamit ng opisina niya, ang disenyo, at ang kabuuan ng opisina niya…masasabi kong perfectionist ang CEO na ito. I can sense his dark and bossy aura. Sa araw na ito ay dalawang beses lamang akong umakyat para linisin ang opisina ni Mr. Monteverde. Kaninang umaga at ngayong uwian. It's already eight in the evening, at ngayon lang din raw umalis ng opisina si Mr. Monteverde. Kagaya ng kanina ay wala akong masyadong ginawa. Mas komportable nga lang akong maglinis ngayon dahil wala na si Miss Fiona. Ang patakaran daw kasi, kapag uuwi na ang CEO, dapat ganoon din raw ang sekretarya. Well, she's lucky. Pagkatapos kong linisin ang kabuuan ng opisina ni Mr. Monteverde ay dumiretso na ako sa stockroom para ibalik ang mga gamit na nandoon. Naabutan ko pa si Mica na kagaya ko'y isinasauli rin ang mga gamit sa loob ng stockroom. "Tapos ka na, Mica?" tanong ko. "Oo, ate. Nakakapagod nga, e." She's only 19 kaya ate ang tawag niya sa akin. Nakilala ko siya kanina lang nang maabutan ko rin siyang nagpapahinga. Siya, si Jepoy at Manang Linda pa lang ang mga nakasalamuha ko. Si Jepoy ay kasing-edad ko lang habang si Manang Linda naman ay nasa 40's na. "Ako na riyan. Umuwi ka na. Hindi pa naman ako pagod kaya ako na ang magsasauli ng mga gamit," alok ko. "Talaga po?" Tumango naman ako. "Hindi naman din kasi ako pagod, e. Kaya sige na. Mag-ayos ka na't umuwi." Nang maibalik ko na ang lahat ng gamit sa stockroom ay nag-out na ako. Sumulyap pa ako sa relo ko. Almost 9 na pala. Paniguradong hinihintay na ako ni Shaina. I also texted Chloe na paalis na rin ako ng kumpanya. Sinabi rin naman niya na maghintay na lang daw ako sa main entrance ng kumpanya, so I waited. Habang naghihintay ay abala ako sa pagtitipa ng mensahe para kay Mama. Baka kasi nag-aalala na iyon dahil gabi na, at baka hinihintay pa rin ako hanggang ngayon ni Shaina. "Mr. Monteverde, pasensya na po at na-traffic lang," rinig ko. Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakita ang isang lalaking nakatalikod na sa gawi ko habang papasok ito sa isang maitim na sasakyan. Hindi maalis ang tingin ko sa pintuan ng sasakyan na pinasukan niya. Nang makaalis na ang sasakyan sa harapan ko ay bigla akong kinalabit ng guwardya na nasa labas. "Nasa tabi mo lang si Mr. Monteverde kanina. Hindi mo ba napansin? Kanina pa nga 'yon nakatingin sa iyo, e," saad niya. Biglang dumako ang tingin ko sa daan kung saan umalis ang sasakyan na sinakyan niya. Bakit bigla akong kinabahan? I want to see him. Sino nga ba itong Mr. Monteverde na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD