"Ma, aalis na po ako! Kayo na po munang bahala kay Ina," paalam ko.
Hinalikan ko muna sa noo ang anak kong si Shaina na ngayon ay naglalaro sa kaniyang mga barbie dolls. She's three years old, and will be turning four, next week. Siya ang bunga ng pangyayaring naganap four years ago with that stranger. Hindi ko alam kung anong pangalan niya, kung nasaan na siya ngayon, pero alam ko kung sakaling malaman niya ang tungkol sa anak namin ay hindi niya pa rin ito pananagutan. So, what for? What happened to us was just a one-night stand. That night was full of lust. Walang pagmamahalan. Ni hindi nga namin ipinaalam sa isa't isa ang pangalan namin.
Noong una ay nagalit si Mama sa ginawa ko, pero ganoon siguro talaga kapag isa kang ina, wala kang magagawa kundi tanggapin ang kamalian ng anak mo. Siguro masuwerte na lang talaga ako dahil simula no'ng mabuntis ako't maipanganak si Shaina, ay hindi ako inabandona at iniwan ng mama ko. She stayed, also Chloe and Bryle—my best friends, nariyan din sila to support me and didn't judge me after what happened.
Regarding Ryle, wala na rin akong balita sa kaniya simula no'ng mag-break kami. Pinutol ko na lahat ng koneksyon namin sa kaniya at sa pamilya niya. Naka-move-on na rin ako sa kaniya simula noong dumating si Shaina sa buhay ko. Natapos ko rin ang pag-aaral ko ng kolehiyo sa kursong Business Management. Naghanap ako ng iba't ibang racket para maitaguyod si Shaina kahit na nag-aaral ako no'n. Hindi rin ako umasa kay Mama o sa pera ni Papa. Hindi naging madali pero kinaya ko para kay Mama at para na rin sa anak ko. At kung sakaling tatanungin ni Shaina kung nasaan ang daddy niya, siguro saka ko na lang iisipin kung ano'ng puwede kong isagot sa kaniya.
Hindi naman kami sobrang yaman ni Mama, pero since may trabaho siya at may naiwang mana si Papa ay nagagawa pa rin naman naming mabuhay. Si Papa naman, namatay siya five years ago, 17 years old ako noon. Namatay siya sa isang plane crash. Buti na lang at hindi roon tumigil ang buhay namin ni Mama, nagpatuloy lang kami at nanalig. Ngayon lang si Mama tumigil sa pagtatrabaho dahil tumatanda na rin ito.
Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko na agad ang kotse ni Chloe. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin, parang mas excited pa yata ito kaysa sa akin. Pagpasok ko ng kotse niya'y nakipagbeso muna ito saka siya nagsimulang mag-drive.
"So, anong nararamdaman mo ngayon, girl?" tanong niya.
"Kinakabahan ako."
Hinampas niya ako sa balikat. Kahit kailan talaga napakabrutal nitong babaeng 'to!
"Sus! Kaya mo 'yan. Ramdam ko naman na matatanggap ka bilang secretary ni Mr. Monteverde! Omg!"
Yes, you heard it right. Mag-a-apply ako bilang secretary ng CEO ng isang kumpanya. Si Chloe ang nagsabi sa akin na hiring nga daw ang kumpanyang pinatatrabahuhan niya. Mag-iisang taon pa lang siya sa kumpanya ng mga Monteverde, and I can see how happy she is working with Monteverde Company. Nagtatrabaho siya ro'n bilang empleyado sa Finance Department since Accountancy ang natapos niya. Maayos naman ang sahod ko sa dating pinagtatrabahuhan ko, kaso masyadong masungit ang mga tao roon lalo na ng boss namin. Nagtitiis na lang ako dahil kailangan kong makapag-ipon para sa anak ko, at para sa amin na rin ni Mama, dahil hindi naman puwedeng dumipende kami sa perang iniwan ni Papa. Lalo na ngayon na mag-aaral na si Shaina, tsaka tumatanda na rin si Mama. Kaya nang sabihin ni Chloe na may hiring sa kumpanyang pinatatrabahuhan niya, naging interesado ako dahil alam kong malaking oportunidad iyon para malaki ang maipon ko.
Lalong tumindi ang kaba ko nang makarating kami sa Monteverde Company. Ilang araw ko ring pinag-aralan ang tungkol sa kumpanyang ito. They actually trade furniture, and they belong to the Philippines Best-Performing Companies, at nasa Top 1 sila! That's why I know how standardize this company is, kaya kailangan kong gawin ang lahat para matanggap dito. No matter what it takes.
"Good morning, ma'am," bati ng guard.
"Good morning, too," bati ko ganoon din si Chloe.
"So, ano na, girl? Compose yourself, okay? You can do this! Punta ka lang do'n sa front desk then ask them kung sa'n banda 'yong interview," utos ni Chloe.
I thank her for guiding me. Sinabi niya rin na kailangan niya ng umalis at baka ma-late pa siya sa trabaho niya. Nang makaalis siya ay hindi pa ako agad lumapit sa receptionist na nandoon. Kinakabahan ako, ngunit ayokong umuwi nang bigo. Kailangan ay matanggap ako. Napaatras ako para pagmasdan ang kabuuan ng building na ito, ngunit sa kasamaang-palad ay may nabangga akong tao. Nahulog ang envelope na bitbit ko atmabilis itong ipinulot.
"Sorry po," nahihiyang sabi ko.
"Are you an employee of this company?"
Napaangat ako ng tingin when I heard his voice. Halos mapaatras ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Si Bruno Laurent, he's known to be one of the best engineer in town.
"Miss?"
"Ah! Sorry po, sir. Hindi ko po talaga sinasadya."
"I'm not asking for your apology. Tinatanong kita, are you an employee here?" he asked again. He doesn't sound angry, seryoso nga lang talaga ang tono ng pananalita niya.
Umiling ako. "Mag-a-apply pa lang po ako."
Bigla siyang ngumisi na ikinagulat ko. Ngayon ko lang din napansin na karamihan sa mga tao na nandito ay nakatingin sa kinatatayuan namin.
"For CEO's secretary?"
Tumango naman ako. Lalo siyang napangisi.
"Tara. I'll bring you there. Follow me," he said.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong For VIP Elevator ang gagamitin namin instead doon sa For Employees. Nang bumukas ang elevator ay inantay ko muna siyang pumasok ngunit...
"Ladies first," he said saka ito kumindat.
Wala na akong magawa kundi ang pumasok. Honestly, he's really intimidating! Hindi ko lubos akalain na makita siya rito.
Pinindot nito ang 15th floor. Tahimik lang ako't hindi na umimik habang siya naman ay nakapamulsa lang at nakasandal lamang sa elevator. Ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa 15th floor na kami.
This time ay nauna na itong lumabas sa'kin. Sinalubong siya ng isang babae.
"Good morning, sir!" bati nito sa kaniya. Hindi ata ako napansin ni ate. Paano ba naman kasi ang tangkad-tangkad nitong taong nasa harap ko. Hanggang balikat nga lang ako sa kaniya, e.
"Good morning. Nasaan ang pila for interview?" rinig kong tanong niya.
"Nako, sir! May napili na po ang HR. Actually, nagsimula na nga po siya ngayon mismo."
Nanlumo naman ako nang marinig iyon.
"I see. Thank you."
"Bakit po pala, sir? Mind if I ask?"
"Ah!" Lumingon siya sa akin so I awkwardly smile. Napatingin din ang babae sa akin. Ngumiti naman siya sa akin. She's nice. "Mag-i-interview sana kasi siya. I met her at the ground floor. I just guided her kung saan 'yong interview but sadly mayroon nang nakuha."
Tumango-tango naman iyong babae.
"By the way, this is Bianca Rien. Siya ang assigned dito sa 15th floor as a receptionist. Every floor dito ay may naka-assign na receptionist," paliwanag ni Sir Bruno.
"Hello po, Miss Bianca," nakangiting bati ko.
"Hello, Miss?"
"Oh! That's it. I wasn't able to ask her name. Kindly introduce yourself," natatawang sabi ni Sir Bruno.
"Shaznia Riley po."
"Cute name. Oh! By the way, just like what I said awhile ago, wala ng interview, e. Someone already got that slot. Ano ba ang natapos mo?"
"Business Management po," sagot ko.
"Oh, I see. Hindi bale. Kapag may open slot ulit for secretary or other job positions that will fit your course, tatawagan kita."
Ayoko mang gawin ito pero...
"How about janitress po?"
Parehas silang nagulat sa tanong ko. Halos hindi makapaniwala si Sir Bruno sa sinabi ko.
"What the hell? Are you even sure about that?"
Huminga naman ako nang malalim.
"Yes po. Basta disenteng trabaho po, tatanggapin ko."
Nagkatinginan pa si Miss Bianca at Sir Bruno. Mukhang nagdadalawang-isip yata sila na tanggapin ang alok ko.
I heard her sighed. "Okay then. Kakausapin ko muna 'yong HR Manager regarding that."
"No. Ako na, Bianca. I can handle that. Wala naman akong masyadong aasekasuhin ngayon," singit ni Sir Bruno.
Pinag-antay ako ni Sir Bruno sa may lobby area dahil ayon sa kaniya ay papasok muna siya sa HR Office para makausap ang HR Manager. Paglabas niya ng pinto na pinasukan niya kanina ay may kasama na itong babae na sa tingin ko'y nasa mid-40's. Mabilis naman akong tumayo nang makita sila.
"Nako, ijah! Sayang naman kung magja-janitress ka lang. Sigurado ka ba talaga? Ang ganda mo pa naman," bungad nito sa akin.
"By the way, she's Gina Marquez. Our HR Manager," Sir Bruno interrupted.
Our? Ibig sabihin nagtatrabaho siya rito? Ngunit, ano ang posisyon niya? Aish. Nevermind, I should focus on my work.
"Good morning, Miss Marquez. Yes po, hundred sure ako," nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Don't worry, Miss Riley. Because as long as may available slot na sila for other positions, iaalis ka na nila as janitress at ililipat sa ibang departamento. Enjoy your stay here," Sir Bruno said.
Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kaniya.
"Can you start tomorrow?" Miss Gina asked.
"Yes po," nakangiting sagot ko.
Nagpaalam na rin si Sir Bruno sa amin dahil ayon sa kaniya ay may iba pa siyang aasekasuhin. Sinamahan naman ako ni Miss Gina papunta sa stockroom.
Ipinakilala niya ako sa Supervisor na nandoon. Mukha namang mabait ang Supervisor nila. Lalaki ito, at sa tingin ko'y nasa mid-30's na rin. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng stockroom at namangha dahil masyadong maayos ang mga gamit na naroon. Hindi na bago ang pagiging janitress sa akin dahil nang maipanganak ko si Shaina ay kung anu-anong racket ang pinasok ko. Hindi dahil sa wala kaming pera ngunit dahil ayokong akuin ni Mama ang responsibilidad ko bilang isang ina kay Shaina.
Ilang saglit pa silang nag-usap hanggang sa ipinakilala na ako nito sa Supervisor. I really can sense na mabait siya dahil sa palangiti ito. Pagkatapos akong ipakilala ni Miss Gina ay nagpaalam na rin ito at iniwan na ako kasama si Sir Jericho, the supervisor.
"Alam kong matalino kang bata kaya hindi na ako mag-o-orient nang bongga sa'yo," sabi nito habang may kinukuha sa loob ng isang drawer.
"Heto." Iniabot nito sa akin ang hawak niyang damit. "Ito ang uniform mo. Dalawa 'yan para may panggagamitan ka sa pang-araw-araw. Basta ang tanging advice ko sa'yo, presence of mind. Okay? Mababait naman ang ibang janitor at janitress dito kaya wala kang dapat ikabahala," paliwanag niya.
"Maraming salamat po," tugon ko.
"Bukas ay ipapakilala kita sa iba mong kasama. Dapat maaga ka, okay?"
Mabilis naman akong tumango. "Gaya rin ng ibang mga janitor at janitress dito, tawagin mo na lang akong Sir Je."
"Okay po, Sir Je."
"Sige. Bukas ko na rin sasabihin sa'yo kung saang floor ka naka-assign. I'm expecting good service from you."
Bigo man ako dahil hindi ako nakapag-apply bilang secretary ng CEO, masaya naman ako dahil kahit papano ay nakahanap pa rin ako ng trabaho sa kumpanyang iyon. Masyadong mabait ang mga taong nandoon, kaya sa tingin ko'y pati ang CEO na si Mr. Monteverde ay kasing bait din nila. Bago ako umuwi ay nag-restroom na muna ako. Habang nasa cubicle ako ay rinig kong nag-uusap ang ibang empleyado na sa tingin ko'y nagsasalamin ngayon.
"Ang guwapo talaga ni Sir Bruno, 'no? Ang hot pa!" kinikilig na sabi nito.
"Mas guwapo si Sir Lucas! Super manly ng awra niya at masyadong seryoso. I bet he's good in bed."
Halos maduwal ako nang marinig ko iyon. Grabe itong naririnig ko!
"Sssh, manahimik ka nga. Sir Ryko's cute too, super charming at friendly unlike sa mga crushes ninyo!" sabi naman ng isang babae.
"But he's a womanizer!"
"Duhh, they're all the same. Masyadong public lang si Sir Ryko," natatawang sabi ng isa.
Sa tingin ko'y tatlong babae ang nandito base sa boses nila.
"But of course, walang makakatalo kay Mr. Monteverde! Kaso super war freak ni Madame Celestine, at masyadong binabakod si Mr. Monteverde, e. Kaya walang tumatagal na secretary diyan. Lagi kasing inaaway dahil sa selos," paliwanag ng isa.
Mr. Monteverde? Is he the CEO? Since Monteverde Company ang kumpanyang pinasukan ko. Does it mean, hindi pala siya old like what I'm expecting. So, should I be thankful na hindi ako nakapag-apply bilang secretary? How blessed, Sha. Ba't naman ganoon iyong Madame Celestine na sinasabi nila? Ganoon ba kaguwapo iyong Mr. Monteverde para bakuran niya? Pero ang astig ng pangalan, ah. Ini-imagine ko pa naman na iyong CEO ng Monterverde Company ay nasa mid-40's. Ay, bahala na nga!
Lumabas na lang ako ng cubicle nang marinig kong umalis na iyong mga babaeng nag-uusap kanina sa labas. Inayos ko ang buhok kong hanggang balikat. Naglagay pa ako ng kaunting lipstick saka umalis na ng restroom.
Mabilis ang paglalakad ko dahil napansin kong medyo makulimlim na sa labas. s**t! Wala pa naman akong dalang payong. Napadaan ako sa elevator kung saan kami sumakay kanina ni Sir Bruno.
"Good morning, Mr. Monteverde!"
Mabilis akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Did I hear it right? Mr. Monteverde is here? I wanna know who he is. Ngunit, huli na noong lumingon ako dahil saktong kasasara lang ng elevator. It doesn't matter, I am not working with him anymore.