Kabanata IV

1340 Words
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang nagging routine ko. Ang pinagkaiba lang ay sa ibang palapag na naman ako inilagay ni Sir Je. Naging normal sa akin ang araw na ito. Mabilis na naging malapit ang loob ko sa mga kasamahan ko. They are all nice. Tuwing lunch break naman ay si Chloe ang kasama kong kumain. Minsan ay nakikisabay din si Mica at Jepoy sa amin. They are fun to be with. Ang pinakamadaldal sa amin ay si Jepoy. Jepoy also admitted to me na may gusto siya kay Chloe. Matagal na raw. Nahihiya nga siya sa tuwing kasama ko si Chloe. Medyo masungit kasi itong kaibigan ko, kaya nahihirapang pumorma si Jepoy. Mica is nice, too. Medyo tahimik lang siya, minsan ay sumasabay siya sa usapan. Para nga lang siyang nakababatang kapatid ko. Nang matapos kaming mag-lunch ay bumalik na kami sa trabaho namin. Ngunit pagpasok pa lang namin ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbubulungan ng ibang empleyado. "Balita ko nag-resign na raw ang bagong sekretarya ni Mr. Monteverde." "Talaga? Hindi naman din ako magtataka." "Oo nga, e. Wala talagang magtatagal sa posisyon na iyan." Hanggang sa nakarating na kami sa stockroom ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Ganoon ba kahirap maging sekretarya ni Mr. Monteverde? "Hay!” rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jepoy. “Hindi na rin ako magtataka na baka isang araw wala nang gustong mag-apply bilang sekretarya ni Mr. Monteverde," aniya habang inaayos nito ang mga gamit niya. Mamaya pa naman kami magsisimula kaya puwede pa kaming magpahinga. "Bakit? Anong meron? Bakit sila nagre-resign?" kuryosong tanong ko. "Dahil kay Madame Celestine. Malupit sa kanila 'yon, e." Sumingit naman si Mica sa usapan namin. "Hindi naman siguro. Baka may ginawa rin talagang mali iyong sekretarya." Kung sa bagay. May tama siya. "Pero nakakapagtataka dahil pangatlong araw niya pa lang ngayon. Kung ayaw naman pala ni Madame Celestine na magkaroon ng sekretarya si Mr. Monteverde, edi sana hindi na sila mag-aksaya pa ng oras para maghanap ng applicants," paliwanag ko. Sumang-ayon naman si Jepoy sa sinabi ko. "Ewan ko ba kailan sila titigil kahahanap. Panigurado namang walang magtatagal sa posisyon na iyon," saad ni Jepoy. Kawawa naman iyong mga nag-a-apply. They are just wasting their time kung sa huli ay hindi pa rin pala sila magtatagal. But wait… gayong wala ng secretary, does it mean— "Nandito ba si Miss Riley?" Lumingon ako sa nagsalita. It was Sir Jericho—our Supervisor. "Oh! Good that you're here. Tawag ka raw sa HR." I'm doomed. I know what is it. Naintriga naman ang dalawang kasama ko nang sabihin iyon ni Sir Je. Mabilis na akong tumayo saka umalis upang hindi na nila ako paulanan pa ng mga tanong. Hindi ko pa pala nabanggit sa kanila kung ano ang una kong in-apply-an na trabaho rito. Habang nasa elevator ako'y masyadong malalim ang iniisip ko. Iniisip ko na rin kung ano ba ang magiging desisyon ko kung sakali. Nang makarating ako sa palapag kung saan ako unang dinala ni Sir Bruno ay lumabas na ako ng elevator. Agad naman akong napansin ni Miss Bianca. "Hello, Miss Riley!" salubong niya sa akin nang makita ako. Lumapit naman ako sa kaniya. "Hello po, Miss Bianca. Tawag daw po ako sa HR?" tanong ko. Mabilis naman siyang tumango. "Ah, yes! Hinihintay ka na ni Miss Gina sa loob. Pasok ka lang." Nagpasalamat naman ako sa kaniya saka pumasok. Nagtanong-tanong pa ako sa mga emplyado roon kung nasaan si Miss Gina. Nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang opisina. Glass walls kasi ito kaya kahit hindi pa ako nakapasok sa loob ay alam ko ang ginagawa niya. Kasalukuyan siyang may kausap sa telepono kaya hindi muna ako nag-abalang pumasok. Hinintay ko muna siyang tapusin ang pakikipag-usap niya bago kumatok. Nang makita niya ako'y sumenyas siya na pumasok ako kaya binuksan ko na ang pinto saka pumasok. "Alam kong alam mo kung bakit ka namin pinatawag, hindi ba?" bungad niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. "Tungkol po ba ito sa pagiging secretary ni Mr. Monteverde?" Ngumiti siya. "Yes. But I am not forcing you. Gusto kong magdesisyon ka muna, o baka may desisyon ka na?" Natahimik ako nang wala akong maibigay na sagot. Nahalata niya siguro iyon. "Ayos lang naman kung ayaw mo nang mag-apply as CEO's secretary. Pero to tell you, triple ang sahod ng isang sekretarya sa sahod mo bilang janitress." Nagliwanag naman ang mukha ko nang marinig iyon. Napaisip ako…triple ang magiging sahod ko pero impyerno naman ang buhay ko roon. Muling tumunog ang telepono ni Miss Gina. She excused herself to me to answer the call. "Yes, Mr. Monteverde?" Oh, is she talking with the CEO? "Naghahanap na po kami…" "Makakaasa po kayo…" "Sige po, Mr. Monteverde." Saka nito ibinaba ang tawag. Bahagya pa nitong hinilot ang sentido niya. Muli siyang tumingin sa akin. Napansin kong natigilan siya nang dumako ang tingin niya sa likod ko. Pati ako'y napalingon din sa tinitingnan niya. Kita kong tumatayo ang ibang mga empleyado and slight bowed their heads at him. Is he the CEO? Why does he look like a little old? Nang matapat niya ang pinto ng opisina ni Miss Gina ay mabilis na tumayo si Miss Gina para batiin siya. "Good afternoon, Sir Clyde," bati niya. Napatingin ang lalaki sa akin kaya mabilis din akong tumayo para batiin siya. "Good afternoon, sir." "Are you a janitress here?" he asked. Mabilis naman akong tumango. "Yes po." Napansin kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Ni hindi ko siya magawang tingnan dahil masyadong nakaka-intimidate ang kaniyang titig. "Why don't you apply as my son's secretary?" tanong niya na parehas naming ikinabigla ni Miss Gina. I wasn't expecting him to say that. Tsaka 'son'? Does it mean, siya ang ama ng CEO nitong kumpanya? "P-po? Kasi po—" He immediately cut me off. "You can decide until tomorrow. I know you know the rumors of being my son's secretary. Pero kung magtatagal ka ng isang buwan sa kaniya, I'll add the benefits you can get. Bibigyan pa kita ng advance payment." Napatingin ako kay Miss Gina. She was also looking at me and based on her facial expression, she was expecting me to say yes. "Hmm, sir…" "Have you decided?" he asked. "Pag-iisipan ko po," sagot ko. Kita kong nadismaya siya sa naging sagot ko but he still managed to smile at me. "Think wisely," sabi nito nang tapikin niya ang balikat ko. "I better go now," he said saka umalis na ng opisina. Nang makabalik ako sa stockroom ay wala na akong naabutan na kasamahan doon. Ang tanging naabutan ko ay si Sir Je na may kausap sa kaniyang cellphone. Dumaan ako sa kaniya para sana dumiretso sa stockroom at kunin ang mga gagamitin ko. Pasado ala-una na kasi. Napansin yata ako ni Sir Je dahil rinig kong nagpaalam na siya sa taong kausap niya sa kabilang linya. "Miss Riley, what are you doing?" tanong niya. Lumingon ako sa kaniya—puzzled. "Bakit po, sir?" "Sir Clyde told me to sent you home now. Ibig sabihin, tapos na ang duty mo for this day," sagot niya na ikinagulat ko. "Wala naman po siyang sinabi sa akin, sir. Sigurado po ba kayo?" He nodded. "Actually siya ang kausap ko kanina when you came in. He said, he's giving you time to think about his offer." Ah, so that's it. "Ibalik mo na 'yong mga gamit and puwede ka nang pumirma for time-out." Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Sir Je. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isip ko iyong alok ni Sir Clyde. Sa totoo lang ay maganda ang alok niyang iyon lalona’t kumakayod din naman talaga ako para sa anak ko at kay Mama. Pero ang iniisip ko, gaano ba kapayapa ang buhay ko kung sakaling papasukin ko ang posisyon na iyon? Noong una ay pursigido ako, pero nang marinig ko ang usapan tungkol sa mga sekretarya na nagre-resign ay parang umaayaw na ako. Pero, wala namang masama kung susubukan ko, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD