Mga Karagdagang Balita (Last Part)

219 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- December 19, 2015 Radio Balita: Step-brothers! Nang ma-feature sa mga pahayagan, TV, radio at maging sa social sites ang kakaiba ngunit makabagbag-damdaming kuwento ng pag-ibig nina Meg at Tob, marami ang humanga sa kanilang wagas na pagmamahalan. At may isang misteryong ngayon lamang nahanapan ng kasagutan: ang tunay na ama ni Meg ay siya ring step-dad ni Tob. Nalaman ito sa pamamagitan ng kwintas na nakita sa ibabaw ng mga labi ni Tob. At kaugnay sa balitang iyan, natunton na rin ang lugar kung saan ngayon nakatira ang dating kasintahan ni Tob na si Weng: sa loob ng isang kumbento! Pinili niyang isara ang kanyang puso upang ibuhos ang natitirang buhay sa pagiging madre. TV News: Sinagot na ang katanungan ni Meg sa kanyang ama kung bakit sila pinabayaan nito: "Ako man ay nasaktan. Hindi mo alam kung gaano katindi ang paghahanap ko sa inyo ng kapatid mo. Walang araw o gabi na lumipas na hindi ko pinangarap na mahanap kayo at makapiling. Ngunit iba ang plano ng tadhana para sa atin. Siya lang ang may kasagutan kung bakit ang mga landas ninyo ni Tob ang nag-krus... imbes na ang mga landas natin." Newspaper Headline: Malayang pagmamahalan natupad! Kahoy na simbolo, lumago; mga ugat, ipinagsudlong ang puntod ng magkasintahan! WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD