THE FINALE
THE long wait is over, araw ng kasal nina Michael at Angelie, pagkatapos niyang manganak, inaasikaso naman ng lalaki at Donya Clemente ang kanilang kaagarang kasal. Nais nitong ipangalandakan sa buong mundo na siya ang asawa nito. Isa sa mga high profile ng kanilang lugar ang mga Sandoval kaya hindi maipagtataka na maraming nag-aabang sa gaganapin kasal nilang dalawa.
Lalo na sa mga taong natutulungan ni Michael. Lahat ng mga kadugo, kapitbahay at ka-barangay nina Angelie invited lahat.
Napaluhang pinagmasdan ni Angelie ang kanyang susuoting wedding gown. Napakasaya niya at the same time excited na rin. Pinapatahi pa ito ni Donya Clemente sa pinakamahusay na mananahi sa kanilang lugar. Bagay na bagay sa kanya ang tube na desinyo, na bakat na bakat ang kurba ng kanyang katawan. Kahit na kapanganak pa lamang niya bumalik na dating hubog ng katawan. May mga diamonds na nakasabit sa bandang dibdib niya na nakadagdag sa ganda ng kanyang cleavage.
“Ma'am, napakaganda mo po. Kaya pala talaga patay na patay sa inyo si Gov.” Nakangising saad ng kanyang make up artist.
“Naku, nakakahiya naman po,” mahinhin niyang tugon. Hindi kasi siya sanay na may nagko-compliment sa kanya.
Isa sa mga engrandeng kasal ng taon ang kanilang kasal. Kapwa mga bigating tao ang kanilang mga bisita. Mga business partners at business associates mga dumalo sa sides ni Michael at mga dating kaalyado sa politika. Nakakalat ang mga videographer, camera man at mga reporters na nag-aabang sa kanilang muling pag-iisang dibdib.
Alas-otso ng umaga sisimulan ang kanilang kasal. Hindi naman mapakali si Michael sa loob ng simbahan dahil limang minuto ng late Angelie. Paulit-ulit niyang tinawagan ang telepono ngunit hindi ito sumasgot.
“Michael, hijo. Relax ka lang. Maghintay ka lamang muna. Tinawagan ko na si Mareng Florencia. Ang sabi malapit na raw sila," pinakalma ni Donya Clemente ang anak.
“Sir, Michael, bumalik na po tayo sa puwesto dahil dumating na po ang bride.”
Pagkatapos lumakad lahat ng abay narinig ni Angelie ang pagtugtog ng kanilang wedding songs at sumenyas ang wedding coordinator na magsimula na siyang maglalakad. Halos mabuwal na si Angelie habang naglalakad. Hindi niya mapigilan ang sarili na kabahan.
“Hmm. . . hmm. . . from this moment life has begun, from this moment you are the one," panimula ng wedding singer. From this moment by: Shania Tawain ang paboritong kanta niyang kanta. Nanginginig ang kanyang mga tuhod sa bawat hakbang nakanyang ginagawa.
WALANG patid ang pagtulo sa kanyang luha habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ni Michael. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang simpleng pagpunas sa mga nito. Alam niyang umiiyak din ito katulad sa kanya dahil sa saya.
“Michael anak , iingatan mo ang anak namin” maluha-luhang saad ng ama ni Angelie bago inabot ang kamay ng dalaga kay Michael.
“I will, papa. Makakaasa kayong aalagaan ko ang inyong anak,” tugon nito habang nagpupunas ng luha sa kanyang mga at mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Pagkatapos ay hinagkan niya ito sa labi.
“Your are the most beautiful girl, I've ever seen, but, you’re five minutes late my beautiful bride,” bulong nito sa kanya bago dalhin sa harap ng altar.
“Pasensiya na, honey. Traffic kasi kanina.”
“Bago ko pa sisimulan ang seremonyas. Itaas ang kamay kung sino man ang tumutol sa kasalanh ito,” panimula ng pari. Makalipas a g ilang minuto walang sino man ang nangahas na sira ang kanilang importanting araw.
“Since it is your intention to enter
into the covenant of Holy Matrimony. Join your right hands and declare your consent before God and his Church,” panimula ng pari.
“I Michael Sandoval, take you my honey Angelie Fabregas to be my wife. I promise that I will be true to you in good times and in bad. times. In sickness and health. I will love you and honor you all the days of my life...”
Michael said habang ang mga mata ay punong-puno ng luha na nakatuon sa kanyang magandang bride. Sa pangalawang pagkakataon sumumpa silang sa kanilang pag-ibig sa isa’t-isa.
“I Angelie Fabregas, take you my Michael Sandoval, to be my husband. I promise to be faithful to you in good times and in bad. In sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life...”
Hilam sa luhang tugon ni Angelie at ang kanyang mga mata ay direktang nakatuon sa kanyang guwapo na groom na punong- puno ng pagmamahal. Tuluyan ng naghilom ang mga sugat na dulot ng pagpapasakit noon ni Michael. Pag-ibig na muntik ng masira dahil sa bangungot sa kanilang buhay. At heto sa pangawalang pagkakataon tinanggap at nagpakasal siya lalaking una at huling kanyang mamahalin
“Michael, do you take Angelie, for your lawful wife to have_”
“I do father,” mabilis na sagot ni Michael.
“Ahemm, patapusin mo muna ako, hijo,” natatawang saad ng pari. Naghiyawan naman ang mga bisita sa likod.
“Sorry, po, father excited lang po ako,” nahihiya nitong tugon. Napakamot pa ito sa ulo.
“Michael, do you take Angelie for your lawful wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse. For richer, for poorer. In sickness and in health, until death do us part?”
“I do, father. Walang magbabago.” Napangisi na lamang ang pari sa nagiging sagot nito.
“Angelie, do you take Michael for your lawful husband. To have and hold, from this day forward, for better, for worse. For richer, for poorer. In sickness and in health until death do us part?”
“I do ’yan father. Honey, huwag kang sasagot na hindi," biglang sabat ni Michael. Natatakot kasi ito na baka magbago ang kanyang isipan. Pinandilatan niya ito ng mata habang naghiyawan muli ang mga tao na sumasaksi sa kanilang muling pag-iisang dibdib.
“I do father,” mangiyak ngiyak niyang sagot. Michael bring the hand of Angelie to his lips and kiss. Pagkatapos siya ito ng mahigpit.
“Thank you, honey. Hindi ka magsisi na muli mo akong pinili.” Mangiyak- ngiyak na wika ni Michael.
“Ahhem,malapit na tayo matapos hijo. Kaya patapusin mo na ako. Mamaya na ninyo iyan itutuloy,” muling saad ng pari.
“Nadala lamang po, father. Ang ganda kasi ng misis ko.” Nakangisi nitong sa pari. Napailing+
- iling na lamang ang paring nagkakasal sa kanila.
Exchange of rings
“Michael, with this ring. marry you. With my loving heart, with my willing body and with my eternal soul,” Si Angelie.
“Michael, I give you to this ring to wear as a symbol of my abiding love, my eternal faith and my undying devotion it is an out ward reminder for our inner unity.” Michael.
Mas lalong naghiyawan ang mga tao nang matapos na Ang kasal. Dahil hindi panakapag sabi ang pari ng you may now kiss the bride ay inunahan na ito ni Michael na tila ba sabik na sabik siyang mahagkan muli. Gayong araw-araw naman silang nagkikita. Lumalim ang halik ni Michael sa kanya. Malakas na palakpak ng mga bisita ang nakapagpabalik sa kanilang mga diwa dahil muntik na silang makalimot nasa simbahan pa pala sila.
“Mamaya muna ’yan laplapin, Sandoval!” kantiyaw ng best man nito.
Pulang-pula naman ang pisngi ni Angelie dahil sa labi na hiya. Lihim niyang kinurot ang tagiliran ni Michael dahil sa pagiging pasaway nito.
“A-aray, honey. Ikaw, ha. Kakasal pa lamang natin sinasaktan mo na ako,” nakangusong saad nito. Umakto pa ang lalaki na nagtatampo. Nakonsensiya naman bigla si Angelie.
“Sorry na, ikaw kasi napakapasaway mo,” bulong niya sa lalaki.
“Ayaw ko ng sorry. Gusto ko halikan mo ako dali,” utos nito sa kanya at ininguso ang pa ang mga labi. Pinandilata na naman niya ito ng mata ngunit sa huli sumusuko na lamang si Angelie at sinunod ang nais ng kabiyak.
“Congratulations, mga anak. Masayang-masaya kami para sa inyo,” masayang bati ni Aling Florencia.
Lumapit naman si Donya Clemente habang karga-karga si Mikael, ang isang taon nilang anak.
“Ma-mama, pa-pa,” kinuha ni Michael ang kanilang anak mula sa kanyang ina.
“Congratulations, hija, son. I want more apo, after this wedding.” Nakangising saad ng matanda. Napanganga naman si Angelie sa narinig. Isang taon pa nga lang ang anak nila. Gusto apo na naman ulit.
“No worries, Mom. Gagawa kami ng limang kapatid ni baby Mikael,” nakakalokong tugon ni Michael.
“Naku, kayo talagang dalawa. Wala na kayong ibang bukambibig kundi sundan si baby.”
“Mas mabuti nga ’yang marami, hija. Para mas masaya, the more the merrier ’di ba, son?" Kaagad namang tumango si Michael. Napailing-iling na lamang si Angelie. Mag-ina nga talaga sila.
*****WAKAS*****